top of page
Search

Katanungan 1. May dati akong kaklase noong high school na nasa Dubai ngayon. Naka-chat ko siya at feeling ko ay close pa rin kami at pinag-a-apply niya ako roon dahil kailangan pa raw sa company nila ng bagong empleyado at nangako siya na tutulungan ako.

2. Ang problema, medyo natatakot ako dahil lalaki ang kaklase kong ito at alam kong may crush siya sa akin noong high school pa kami. Pareho na kaming may pamilya, pero ang alam ko ay hiwalay siya sa kanyang asawa.

3. May pangako pa siya sa akin na tutulungan niya ako sa gastusin sa pag-aayos ng mga papeles at saka ko na lang siya bayaran kapag nandu’n na ako sa Dubai at kapag may maayos na akong trabaho roon.

4. Sa palagay n’yo, Maestro, dapat ko bang sunggaban ang alok niya kahit hindi pa alam ng mister ko na lalaki ang kaklase ko? Sana ay matulungan n’yo ako upang maging maayos ang pagdedesisyong gagawin ko. Kasagutan 1. Kapansin-pansing may malinaw, malawak at maaliwalas na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na anumang kaguluhan ang pumasok sa iyong isipan sa sitwasyong kinahaharap mo, tiyak at malinaw ang susunod na magaganap, walang duda, tuluyan ka pa ring makapag-a-abroad at magkakaroon ng mabunga at mabiyayang karanasan sa ibang bansa.

2. Ibig sabihin, basta magsabi ka ng totoo sa iyong mister at ‘wag magkukunwari o magsisinungaling, sa bandang huli, mauunawaan ka niya at maaaring payagan kang mag-apply sa Dubai o kung hindi man, maaaring sa ibang bansa ka makarating dahil bukod sa pagpunta sa Dubai, malamang na may iba pang offer na pangingibang-bansa sa iyo o may iba pang pag-a-abroad na isinasaalang-alang mo sa kasalukuyan.

3. Ngunit anuman ang mangyari, tulad ng nasabi na, ngayong taong kasalukuyan, pinakamatagal na sa 2021, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan, sa Dubai man ito o kahit sa iba pang mga bansa na iniisip at pinapangarap mong puntahan ay tiyak na mararating mo. Dapat Gawin Ayon sa iyong mga datos, Lannie, ituloy mo lang ang binabalak mong pag-a-abroad at tiyak na magtatagumpay ka kung saan nakatakda na ang magaganap, ngayong 2020 hanggang 2021, sa edad mong 32 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran na tiyak namang maghahatid sa inyong pamilya sa unti-unting pag-asenso at ganap na pag-angat ng kabuhayan (Drawing A. at B. H-H arrow b.).

 
 

Dear Maestro, May girlfriend ako na isinilang noong May 16, 1992 at ako naman ay isinilang noong September 4, 1990. Compatible ba kami at kami na ba ang magkakatuluyan? May isang babae na sadyang napapalapit sa akin, nililigawan ko pa lang siya at may birthday na November 27, 1992.

Sino sa dalawang babaeng ito ang dapat kong makatuluyan upang magkaroon ako ng maunlad at maligayang pamilya kung sakaling ako ay mag-aasawa na?

Umaasa, Roosevelt ng La Paz, Makati City

Dear Roosevelt, Kung may girlfriend ka, hindi ka na dapat manligaw pa ng iba dahil lumalabas na niloloko mo lang ang girlfriend mo. Dahil dito, maaaring hindi mo talaga mahal ang girlfriend mo.

Kaya masasabing hindi magandang ehemplo para sa matino at mabuting lalaki ang ginagawa mo at kapag nakasanayan mo ‘yan, dala-dalawa ang babae sa iisang panahon, baka sa panahong may asawa o may pamilya ka na ay gawin mo na naman ito. Kapag nangyari ito, paano ka makasusumpong ng simple at maligayang pag-aasawa, gayung ikaw na mismo ang nagpapagulo sa sariling buhay o pamilya mo?

Minsan, hindi natin dapat sisihin ang kapalaran sa panahong malas o pangit ang nangyayari sa ating buhay. Sa halip, ang dapat nating sisihin ay ang ating sarili dahil gumawa tayo ng lisya at hindi maganda na sa bandang huli, ang nagiging resulta ay hindi rin magandang kapalaran. Sa sandaling sinuri mong mabuti ang iyong ginawa, kung nakagawa ka ng mali kaya nagkaka-ganito ang mundo mo o baka kaya pumangit ang iyong kapalaran ay dahil mali at pangit ang iyong ginagawa o nakasanayan?

Kung nakagawa ka ng pagkakamali, ang mga ikinilos mo ay immoral, labag sa kabutihang-asal at batas, tulad ng nasabi na, kung ano ang ginagawa mo, ‘yun din ang babalik sa iyong karanasan.

Hindi pa huli ang lahat, Roosevelt, upang magpakatino at magbago ka kung saan at sino ang tunay na mahal mo sa dalawa, siya ang dapat mong itira o sa ibang salita, siya ang dapat mong maging karelasyon at kung magtatagal ang inyong ugnayan, siya ang dapat mong piliing makasama at maging asawa.

‘Ika nga, kung paano mo pinaglaruan ang mga babae noong ikaw ay binata pa hanggang sa ikaw ay nakapag-asawa na, darating ang panahong ikaw naman ang paglalaruan ng tadhana na magreresulta ng negatibo at pangit na kapalaran.

Samantala, sa teoriya ng compatibility, higit mong ka-compatible si May 16, 1992 kung ikukumpara kay November 27, 1992 sapagkat ang zodiac sign mong Virgo na may elementong earth o lupa ay suwetung-suweto kay Ms. May 16, 1992 na may zodiac sign na Taurus dahil ang Taurus ay nagtataglay din ng elementong earth o lupa tulad ng zodiac sign mo.

Kaya kapag si May 16, 1992 ang iyong napangasawa, mas makatitiyak ka ng maligaya at panghabambuhay na relasyon basta huwag mong uulitin ang ginagawa mo ngayon – na may girlfriend ka na, nanliligaw at nakikipagmabutihan ka pa sa iba.

Sa ganyang paraan, kapag naging matino at mabait ka, babait at titino rin ang iyong kapalaran at dahil compatible kayo ng babaeng makatutuluyan mo at hindi ka naman gumagawa ng kalokohan, tulad ng naipaliwanag na, darating ang panahong magkakaroon ka ng matino, maunlad at maligayang pamilya.

 
 
  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 7, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 7, 2020 (Sabado): Para sa iyo ang lahat ng maganda tulad ng magandang buhay, kapalaran at ikaw mismo ay maganda. Lahat ng ito ay iyong ingatan at pahalagahan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamit ang isip mo, layuan mo ang tukso. Sapat ang talino at likas mong talento para matukoy ang tukso na maaaring sumira sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-19-20-24-30-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagmasdan mo ang mga kilos ng tao, pakinggan mo ang mga kuwento ng mga tao at kumuha ka mula sa mga ito ng mga pormula ng tagumpay na magagamit mo sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-15-19-24-29-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Maaakit ang mga mata mo sa magaganda at mawawala ka sa pagtutok sa iyong mga pangarap. Pansamantala lang ito dahil muli ka ring makababalik sa tamang landas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-13-17-21-25-32.

CANCER (June 21-July 22) - Biglang nagbalik ang malakas mong karisma at inaasahan din na magbabalikan ang ilang naging bahagi ng iyong buhay. Sa pagkakataong ito, ang payo ay gamitin mo ang isip mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-20-27-36-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Buksan mo ang nakasara at pumasok ka. Ang nakasarang ito ay ang puso ng isang bagong kakilala. Tatanggapin ka niya, pero ang iba ay hindi niya papapasukin sa kanyang pusong matagal nang nakasara. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-21-28-31-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawasan mo ang pag-aanalisa ng mga bagay na iyong nakikita. Mas magandang ang paganahin mo ay ang damdamin at hindi ang isipan dahil ang kaligayahan ay mula mismo sa damdamin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-28-31-33-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito kaya hilingin mo ang iyong pinakamalaking kahilingan. Nakabukas ang tainga ng langit at naghihintay sa iyong mga sasabihin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-26-28-30-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ilantad mo ang iyong natatanging magagandang katangian. Natatalo ang may hawak na mga alas kapag ang mga ito ay hindi nila nagawang ilabas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-19-22-27-30-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung kanino magaan ang loob mo, siya dapat ang palagi mong kasama. Ito rin ay nagsasabing kung puwede ay layuan mo ang mga taong hindi mo gusto ang porma at ugali. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-16-20-21-25-26.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Palampasin mo ang araw na ito kung kailan madali kang matatangay ng magagandang salita na sa totoo lang ay pandaraya lang. Ipagpaliban mo ang iyong pagpapasya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-18-28-30-33-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbababala ang araw na ito na masosobrahan ang mga kilos mo nagsasabi ring mahihirapan nang lumayo ang naakit sa iyo dahil sobra-sobra na ang pagkahumaling sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-20-27-30-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit hindi ka magsalita, nababasa na ng tao ang nasa puso mo habang nababasa mo rin ang laman ng kanyang damdamin. Wala namang masama kung maging kayo na. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-14-17-24-30-33.

![endif]--![endif]--

 
 
RECOMMENDED
bottom of page