top of page
Search

Sa may kaarawan ngayong Mayo 30, 2021 (Linggo): Ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na aangat ang iyong buhay hanggang sa madama ng mga umaapi sa iyo na sila ay walang magagawa laban sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Aayon sa mga plano mo ang ikot ng gulong ng kapalaran. Huwag na huwag kang magpapalit ng isipan. Kung ano ang naging plano mo, ‘yun ang maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-14-28-29-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit hindi ka pabor sa mga inuutos sa iyo, sumunod ka dahil ang higit na nakakaalam kung ano ang makabubuti sa lahat ay ang nakatataas sa iyo.

Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-20-32-35-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Magturo ka at makikinig ang lahat. Sa pagtuturo, huwag mong kalimutan na nakasalalay sa mga sasabihin mo ang kapalaran ng mga makaririnig sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-21-28-30-31-38.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi biro ang magmahal. Ito ang totoo sa lahat ng panahon, pero ngayon, kung sino ang biro nang biro sa iyo ay siya pala ang makakarelasyon mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-10-15-16-25-27.

LEO (July 23-Aug. 22) - Makakabangga mo ang kasing lakas mo. Kung may gumawa ng paraan para kayong dalawa ay magkaisa, walang tatalo na kahit sino sa inyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-16-24-25-33-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang gagabay ngayon sa gustong umunlad ng buhay. Taglay mo ang mga ideya at paraan kung paano maaabot ng isang tao ang kanyang mga pangarap.

Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-20-22-23-25-29-31.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang malito dahil noon pa man, hindi na lingid sa iyo na marami ang nagsasabing ikaw ang kanilang inspirasyon sa buhay. Dapat sakay ka lang nang sakay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-19-24-27-30-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakasalalay sa gagawin mong desisyon ang kapalaran ng isang matagal nang naging bahagi ng iyong buhay. Pag-isipan mo munang mabuti ang iyong magiging pasya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-23-28-39-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ikaw ang masusunod ngayon. Hindi mahalaga kung ano ang utos mo, gayundin, hindi mahalaga kung ikaw ay tama o mali. Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang mangyayari. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-11-14-25-26.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong lokohin ang iyong sarili. Bakit ang hindi maganda sa iba ay pinipilit mong maging maganda? Ang dating kabiguan mo ay mula sa hindi pakikinig sa kung ano ang tama. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-22-28-30-31-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tagasunod, ito ang gampanan mong papel ngayon sa mundo. Magugulat ka at hindi makapaniniwala na sa pagsunod mo, mas gaganda pala ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-16-25-26-35-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ay araw mo, kaya ngayon mo hilingin sa langit kung ano talaga ang gusto mo. Huwag mo nang pahabain pa ang sasabihin mo, sabihin mo nang diretsahan ang gusto mo at tiyak na ito ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-18-20-21-27-30.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 28, 2021



Sa may kaarawan ngayong Mayo 28, 2021 (Biyernes): Palagi kang mangunguna sa lahat ng bagay. Kaya kung ang gusto mo ay yumaman, ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na numero-uno ka sa pagpapayaman.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Susundan ka ng saya kahit saan ka pa pumunta at kahit ang makasama mo ay nalulungkot, siya rin ay sasaya dahil madarama niya na wala siyang magagawa kundi ang sumaya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-29-30-31-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makipagsapalaran ka dahil ang mga butuin ay kusang inaayos ang kanilang porma, na anumang sandali ay pagkakalooban ka na ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-21-24-36-33-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Magliliwanag ang iyong kapalaran na para bang natanglawan ka ng isang malaking ilaw at sa maniwala ka o hindi, ang mga taong walang bilib sa iyo ay sobrang mamamangha. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-22-25-39-40-42.


CANCER (June 21-July 22) - Sa araw na ito, aamo sa iyo kahit ang may pinakamatigas na puso. Walang magagawa ang nagkukunwaring wala siyang pagtingin sa iyo kundi ang ipadama na ikaw ay mahalaga sa kanya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-13-21-28-37-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Aangat ka nang aangat ngayon, hindi dahil magaling ka. Bagkus, ito ay dahil ayaw ng langit na makitang nakakaporma sa iyo ang mga taong inggit lang ang laman ng puso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-22-28-30-31-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tumakas na parang nagmamadaling leon na may bahag ang buntot at negatibong puwersa na gustong maghari sa iyo, sapagkat natagpuang nagliliwanag ang iyong pagkatao. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-22-23-32-34-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mahalaga kung naniniwala o nag-aalinlangan ka dahil wala namang inilatag na kondisyon ang langit sa magagandang kapalaran na noon pa nakalaan sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-23-27-29-35-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Alis-lisan ang mga suwerte sa buhay ng tao. Sa iyo, sa bawat pag-alis, may maiiwanang pampasigla na magsisilbing binhi ng malaking puno na ang bunga ay mga buwenas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-20-22-24 -26-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi maaagaw ninuman ang magandang kapalaran na para sa iyo. At kung sakali mang ito ay mawawala, nakahanda ang langit na palitan ito ng mas malaki at mas magugustuhan mo. Ito ang mesahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-23-27-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Titimbangin ka ng langit ngayon at ikaw ay matatagpuang maraming nagawang kabutihan sa kapwa. Dahil dito, ang mga pagpapala at biyaya ay patuloy na sasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-26-31-32-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kikilos ka nang nakakahalina. Mahahawakan mo rin, hindi lang ang pangkaraniwang suwerte kundi maging ang malalaking suwerte at magagandang kapalaran na ipagkakaloob ngayon ng langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-13-22-26-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muling mangyayari na dadalhin ka ng iyong mga paa sa lugar kung saan makakaharap at puwede mo pang yakapin ang iyong suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-23-25-38-41.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 16, 2021


Sa may kaarawan ngayong Mayo 16, 2021 (Linggo): Dadalhin ka ng iyong kapalaran kung saan makakaharap mo nang mukhaan ang iyong mga suwerte sa buhay. Ibig sabihin, mapapalayo ka sa iyong lupang sinilangan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dumating na ang masuwerteng mga araw mo para sa pagbuo ng plano na may kaugnayan sa pagpapalago ng iyong kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-20-24-38-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Labanan mo ang iyong mga kahinaan. Mananalo ka kaya ang iyong magagandang katangian ay madaragdagan nang madaragdagan. Ikaw ay may sapat na tapang para sa pagbabago. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-17-21-28-39-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Magiging abala ang isip mo sa mga lugar na parang umaakit sa iyo nang iyong puntahan. Dahil sa mga ito, mananariwa ang lakas mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-12-24-39-43-46.


CANCER (June 21-July 22) - Maglalapitan sa iyo ang mga puwede mong gawing bagong kaibigan. Huwag kang mangamba o mag-alala dahil sila ay ipinadala ng langit para sa iyong kapakinabangan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-19-27-33-35-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong ipagdamot ang magagandang aral na nakuha mo sa buhay. Sa ganitong paraan, lalo kang pagpapalain at hahaba ang buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-24-26-35-38-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong palakihin ang problema. Ang palakihin mo ay ang iyong pang-unawa. Buksan mo ang iyong isipan at puso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-14-26-39-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magandang pakikiharap sa mga suki ang isa sa pinakamabisang pormula sa negosyo. Ito ang isabuhay mo nang sa gayun ay maiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-17-21-23-26-34-47.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakagugulat ang taong madalas mong maalala at naaalala ka rin. Malaki ang maitutulong niya sa iyo para gumanda ang pananaw mo sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-13-24-26-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Paglilinis ng bahay ang isa sa pangunahing aktibidad ngayong tag-araw. Maglinis ka ng bahay at ang mas maganda rin, linisin mo ang iyong pananaw. Maging positibo ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-18-21-23-38-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo maiiwasang makipagdebate. Sa pakikipagpalitan ng ideya, kunin mo ang maririnig mong maganda. Pakikinabangan mo ang akala mong masamang pakikipagtalo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-19-20-21-25-26.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mukhang hindi ka nabubuhay kapag wala ang makabagong personal mong mga gamit. Turuan mo ang iyong sarili na mabuhay nang mag-isa at hindi umaasa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-15-16- 22-28-31.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwede na hindi ka makasama sa pamamasyal sa malalayong lugar. Ang totoo nga, dapat ikaw ang manguna sa pagpaplano at kung paano sasaya ang lahat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-24-27-39-45.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page