top of page
Search

Dear Maestro, Engineering graduate ako, pero wala pa rin akong permanenteng trabaho na angkop sa course ko. Kailan kaya ako magkakatrabaho na talagang gusto ko at angkop sa kurso ko na may malaking suweldo? Gusto ko ring malaman kung sinu-sino ang mga babaeng ka-compatible ko dahil wala pa rin akong girlfriend. Kailan ako magkaka-girlfriend at makapag-aasawa? July 16, 1993 ang birthday ko.

Umaasa, Edwin ng Pamplona Uno, Las Piñas City

Dear Edwin,

Ayon sa birth date mong 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) sa destiny number mong 9 (7+16+1993=2016/ 20+16=36/ 3+6=9) at sa zodiac sign mong Cancer, masyado kang maraming iniisip at pinapangarap, pero kulang ka naman sa kongkretong pagkilos o aksiyon at pagpapatupad ng iyong mga pangarap at plano. Ito ang tunay na dahilan kung bakit sa edad mong 26 ay tila wala pa ring nangyayari sa buhay mo at parang wala ka pa ring direksiyon.

Minsan, naipatutupad mo ang iyong mga ideya at balak, pero dahil kulang ka sa konsentrasyon, madali kang pinanghihinaan ng loob.

Kumbaga, hindi tuluy-tuloy ang iyong ginagawa, sa halip, nag-iiba-iba ka ng gusto at inaatupag sa buhay. Madalas, may pinagkakaabalahan ka, pero hindi mo pa nakakamit ang dulo o katuparan ng iyong ginagawa ay tumitigil ka na agad.

Ang mga inilahad na sitwasyon sa itaas ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit lalong tumatagal na mapitas mo ang masarap na lasa ng bunga ng tagumpay.

Upang malubos ang iyong tagumpay at pag-unlad, kailangang mag-concentrate ka sa iisang bagay at ito ay ang tungkol sa iyong kursong tinapos. Kaya kung hindi ka pa nakapapasa sa Board exam, upang maging lisensiyadong inhinyero, tulad ng nasabi na, ang destiny number mong 9 ang nagrerekomendang kung ano ang kursong natapos mo, mag-concentrate ka roon sapagkat doon ka mag-e-excel, sisikat at aasenso.

Dagdag pa rito, upang mas madaling matupad ang mga pag-aanalisang inilahad, bukod sa concentration sa iisang gawain lamang, kailangang palagi kang magsuot ng mapalad mong kulay na berde at dilaw.

Sa nasabing mga kulay, madali mo nang mapipitas ang suwerte at magandang kapalaran, hindi lamang sa career at pag-ibig kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.

Pangalawa, napansin mo ba ang iyong lagda na medyo baboy o burara? Baguhin mo ‘yan, kailangang hindi ibinabalik sa direksiyong pakaliwa ang dulong bahagi ng letrang “a”. Sa halip, tapusin ang letrang “a” sa mismong pinakapaa nito sa straight line.

Sa ganyang paraan, mula ngayon, mas madali at kusa mo nang makakamit ang malaking tagumpay at katuparan ng mga pangarap mo sa buhay.

Pangatlo, sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, ka-compatible naman ng zodiac sign mong Cancer ang mga babaeng isinilang sa mga zodiac sign na Pisces, Scorpio, Virgo, Capricorn at kapwa mo Cancer, higit lalo silang may mga birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 9, 18, 27, 3, 12, 21, 30, 6, 15 at 24.

Habang, ayon sa iyong Love Calendar, Edwin, tiyak ang magaganap ngayong taon, sa edad mong 26 pataas, kapag sinunod mo ang mga rekomendasyong inilahad na sa itaas, mapapansin mo na tuluy-tuloy nang gaganda at aangat ang iyong career at kasabay nito, isang babaeng isinilang sa buwan ng Oktubre o Nobyembre ang magiging karelasyon mo hanggang sa tuluyan mo na ring mapangasawa at makasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya..

 
 
  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 9, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 9, 2020 (Lunes): Huwag kang susuko at ituloy mo ang pag­sisikap mo. Sa huli, la­hat ng pangarap mo ay ma­pasasaiyo. Ito ang mensahe ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang magtatangkang sumira ng iyong araw. Hu­wag mong intindihin ang mga walang magagawa kun­di ang hadlangan ka sa iyong mga pangarap. Ma­su­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-20-23-39-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mula ngayon, isabuhay mo ang mga natu­tu­nan mong aral sa buhay mula sa karanasan ng ma­lalapit sa iyo. Sa ganitong pa­raan, mas mabilis na uun­lad ang iyong negosyo. Ma­su­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-23-39-40-46.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mainis kapag may mga kon­trabida sa iyong mga plano. Makatutulong sila para maisaayos mong mabuti ang bawat detalye. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-27-33-38-41.

CANCER (June 21-July 22) - Nakasasawa ang lahat ng ba­gay kapag wa­lang pagbabago. Kahit ang maganda ay nakasasawa rin kapag walang naiiba sa taglay niyang ganda. Hindi ka masisisi kung magsawa ka. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-14-15-22-26-32-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hin­di nawawala ang mga bituin sa langit dahil natatakpan lang sila ng mga ulap. Hindi rin nawawala ang mga suwerte, natatak­pan lang sila sa paglabas ng negatibong katangian mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-29-31-32-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sakyan mo ang agos ng buhay ng mga tao sa iyong kapaligiran. Huwag mo silang salungatin, pero lihim kang mag-isip ng pa­raan kung paano makata­ta­­kas sa pangit na kalaga­yan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-29-30-31-38-39-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong habulin ang umalis. Muling mauulit na ang lumayo sa iyo ay bumabalik. Pansaman­tala, magsaya ka at magli­bang. Mas maganda ring mag­hanap ka ng bagong pagka­kaaba­lahan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-19-21-25-34-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdahan-da­han ka dahil ka­pag hindi mabi­lis ang mga kilos mo, nakikita ang mga dapat ma­kita. Sa pagiging marahan, ang isip ay gumagana. Muli, magdahan-dahan ka nga­yon. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-12-15-29-33-38-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang tumulad sa mga kapag may kinakain ay ayaw nang maghanapbuhay. Hayaan mo sila dahil hindi nila nau­unawaan ang kahalagahan ng paghahanda sa kinabu­kasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-16-25-26-35-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawak mo ngayon ang ka­palaran mo, kaya kung ano ang magiging buhay mo, ito ay depende sa mga gagawin mo. Hindi ka puwedeng magkamali. Muli, hawak mo ang iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-11-17-21-22.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ang gustuhin mo, siya ang panggagalingan ng masarap mong buhay. Kung sino ang aayaw, siya ang pagmumulan ng sakit ng ulo mo. Gandahan mo ang pagsasalita mo. Ma­su­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-24-25-34-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tumutubo at lumalago ang mga halaman, gayundin ang negosyo, pero higit sa lahat, kailangan mo silang alagaan at pahalaga­han. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-15-18-20-21-25-28.

![endif]--![endif]--

 
 
  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 8, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 8, 2020 (Linggo): Hindi ka puwedeng manatili sa iyong lupang sinilangan. Kailangan mong lumayo nang sa gayun ay mas gumanda ang iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbalik ang iyong mayamang imahinasyon at walang suliranin na hindi mo kayang hanapan ng solusyon. Mas mapagaganda mo rin ang takbo ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-19-20-23-30-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Habaan mo ang pag-iisip at huwag ka munang basta-bastang kumilos. Sa ganitong paraan, hindi ka magkakamali at mapabubuti pa ang iyong proyekto. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-28-31-36-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong iwasan ang hadlang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Harapin mo ito nang mukhaan at ikaw ay magtatagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-28-34-37-41.

CANCER (June 21-July 22) - Makibahagi ka sa mga talakayan sa isyung napapanahon. Sa ganitong paraan, masasanay ka na makipagkaibigan sa mga taong may alam at may sinasabi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-20-39-40-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Planuhin mo ang pamamasyal nang sa gayun ay mas masaya at walang anumang inaalala. Hindi na dapat maulit na nagpunta ka sa malayo, pero ang isipan mo ay nasa bahay at trabaho. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-18-21-25-27-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung anu-anong negatibo ang maglalaro sa isip mo. Mas magandang makipagkuwentuhan ka sa mga taong alam mong may positibong pananaw sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-13-17-26-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong dayain ang sarili mo dahil ang gumawa sa iyo ng mali ay may hindi magandang pagkatao. Huwag mo itong ihanap ng katwiran na para bang wala siyang kasalanan sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-14-24-32-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Idagdag mo sa ideya mo ang mga bagong kaalaman na nakuha mo sa pakikipagkuwentuhan. Makabubuo ka ng pormula kung saan mabilis kang aasenso sa buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-19-20-25-33-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka sa mga taong walang pangarap sa buhay. Umiwas ka rin na ayon sa kanila ay may pangarap, pero tamad naman. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-21-23-35-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawak mo ang sarili mong oras. Dahil dito, walang dahilan kung bakit hindi mo malalampasan ang tagumpay ng mga taong nakadepende sa orasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-21-26-39-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magtagal sa harap ng walang tigil sa kasasalita dahil maaaring mapaniwala ka at sa huli ay magsisi ka lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-18-20-24-26-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi masama ang humingi ng payo. Magtanong ka sa nauna sa iyo nang hindi mangyari sa iyo ang mga hindi magagandang nangyari sa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-12-25-36-41.

![endif]--![endif]--

 
 
RECOMMENDED
bottom of page