top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 11, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 11, 2020 (Miyerkules): Kabilang ka sa mga mapapalad na nilalang. Kusang dumarating ang mga suwerte kahit hindi mo ito hilingin sa langit.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo ang gusto mong gawin ngayon dahil papayagan ka ng langit at aalalayan ka rin. Huwag mong sayangin ang masuwerteng panahong ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-23-39-40-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Haluan mo ng pagsasaya ang mga kilos mo dahil ito ang susi para magkaroon ka ng masaya at magandang kapalaran. Hindi makabubuti ang may lungkot sa mga kilos mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-21-24-28-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Isang bagay lang ang iyong tutukan dahil kapag marami kang gustong mangyari, hindi mo makukuha ang kahit isa sa mga ito. Muli, para sa iyo, isang bagay lang ang iyong tutukan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-27-33-36-44.

CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang makatabi mo, sa kanya manggagaling ang iyong saya at ligaya kaya huwag ka nang mag-aksaya ng oras sa mga nasa malalayong lugar. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-15-26-30-31.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hawak mo ang katotohanan kaya wala kang dapat ipag-alala. Ang sumasandal sa kasinungalingan ang dapat mangamba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-18-24-35-38-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong ipagdamot ang iyong magagandang ideya. Sa halip, ibahagi mo ito sa mga gustong umunlad ang buhay. Sa ganitong paraan, hindi ka rin pagdaramutan ng suwerte na mula sa langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-21-25-26-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pagdudahan ang sarili mo. Tiwala sa sarili ang tunay na sikreto ng mga nagtagumpay na sa buhay. Ito rin ang magsisilbing susi mo para mapasaiyo ang pangarap mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-17-29-30-38-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hayaan mo lang sa mundo ng pagkakamali ang ilan sa mga kakilala mo. Mas magandang lumayo ka dahil kung makikialam ka sa buhay nila, puwede kang mahawa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-15-29-33-35-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Aangat ka pa hanggang sa isinasabuhay mo ang kailangang nakasayad ang mga paa mo sa lupa kahit tumaas nang tumaas ang kalagayan mo sa lipunan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-23-24-26-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong tanggihan ang tulong na inialalay sa iyo dahil ang tutulong sa iyo ay lihim na nakatanggap ng utos mula sa langit na bigyan ka ng mga suwerteng kailangan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-19-28-39-40-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong gustuhin ang nakalantad, piliin mo ang nagmamahal sa iyo nang lihim dahil malinis at wagas ang kanyang puso at kalooban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-17-20-25-27.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pasasayahin ka ng nasa malayo habang lungkot naman ang makukuha mo mula sa malapit. Mas magandang magdagdag ka pa ng mga kaibigan na nasa malalayong lugar. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-29-30-34-37.

![endif]--![endif]--

 
 
  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 10, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 10, 2020 (Martes): Para sa iyo ang tagumpay at hindi lang isa o dalawa kundi ang buhay mo ay punumpuno ng tagumpay. Ito ang ka­hulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang mga araw pang darating. Ma­halin at pahalagahan mo ang mga biyaya at pagpa­palang mapasasakamay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-20-26-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ilabas mo ang tapang mo at makikita mo na ang mga suwerte ay mag­sisidapo sa iyo. Ang mga suwerte ay naaakit sa mga taong may tapang at buo ang loob. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-3-21-26-31-35-44.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong kataku­tan ang nagta­tapang-tapangan. Ang mas magan­da ay magkunwari kang na­­niwala sa kanya. Sa ga­ni­tong paraan, tiyak na siya ‘yung mapaglalala­ngan. Masu­wer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-18-24-26-39-40-45.

CANCER (June 21-July 22) - Titigas ang kalooban mo at hindi ka pa­payag na palagi ka na lang mahina at walang kayang manindigan. Dahil dito, ang magagandang kapalaran ay magdaratingan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-19-28-30-33-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ka­hit may kaila­ngan ka pa, ma­migay ka. Kahit ikaw mismo ay ka­pos, tu­mu­long ka. Sa gani­tong pa­raan, hahanga sa iyo ang langit. Ikaw ay pagpa­palain sa mahabang pana­hon. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-14-24-28-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maghanap ka at makakikita ka. Ito ang ba­nal na pangako ng langit. Ang hindi naghahanap ay wala nang pag-asa. Para sa iyo, mas magandang sundin mo ang nasabing banal na utos. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-17-28-30-31-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang ayaw mo, ‘yun ang mangya­yari. Gayunman, sa huli ay matutuklasan mo na ang ayaw mo ay ang higit na ma­buti kesa sa unang ginusto mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-25-26-37-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang unang pasya mo, ‘yun na ang ituloy mo. Huwag mo nang pahalagahan pa ang ibang mga bagay na papasok sa ulo mo kahit ang mga ito ay ma­ganda sa biglang tingin. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-13-15-22-28-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang aatras da­hil ang landas ng buhay na iyong tinatahak ay may mga sagabal at had­lang, pero ang mga ito ay kayang-kaya mong malam­pasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-19-23-28-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bumunot ka sa matagal mo nang ini­han­da para sa pagsisimula ng bagong pagkakakitaan. Nga­yon ang tamang panahon para simulan ang iyong pag­papayaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-19-29-38-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magkun­wari kang ma­hina at malilito ang iyong mga karibal. Sa ganitong paraan, lihim mong maisusulong ang iyong gus­tong mangyari. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-20-22-27-29.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isang hakbang paatras at dala­wang hakbang pasulong dahil sa ganitong paraan mo makukuha ang iyong pinakamalaking panga­rap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-15-17-20-24-26-35.

![endif]--![endif]--

 
 

Katanungan

  1. Gustung-gusto kong makapag-abroad upang makatulong sa aking pamilya kaya sinubukan ko nang mag-apply bilang DH. Matagal na akong naghihintay ng tawag ng agency na pinag-apply-an ko, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinatawagan.

  2. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa kaya patuloy akong nagpa-follow-up ng aking mga papeles.

  3. Sa unang pagtatangka kong ito na makapagtrabaho sa ibang bansa, matutuloy ba ako? Kung oo, kailan kaya ito?

Kasagutan

  1. Mas malamang na matutupad na ang iyong pangarap na makapangibang-bansa dahil kapansin-pansing may maganda at maaliwalas na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na kung itutuloy mo ang pangungulit sa kapalaran o magsisikap kang mag-follow-up sa iyong pag-a-apply, walang duda, matutuloy ka rin sa pangingibang-bansa sa takdang panahong inilaan ng tadhana.

  2. Sa kabilang banda, maaaring kaya hindi ka pa tinatawagan ay dahil kulang ka lang sa follow-up o pangungulit sa agency o sa panahong ito, hindi pa ‘yun ang itinakdang sandali ng kapalaran upang ikaw ay makapag-abroad.

  3. Ngunit, tulad ng nasabi na, sa pagdi-DH, sa isa ring bansa sa Asia, tiyak ang magaganap, ‘wag ka lang maiinip at susuko, sa halip ay maghintay-hintay ka lang, darating ang panahon na matutuloy ka at may maluwalhating pag-a-abroad na itatala sa iyong karanasan.

Dapat Gawin Ayon sa iyong mga datos, Karen, tiyak ang magaganap, sa kalagitnaang bahagi ng taong ito, magaganap ang maaliwalas at malinaw na Travel Line (t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, sa nasabing panahon sa buwan ng Hunyo o Hulyo, sa edad mong 34 pataas, hindi na mapipigilan pa dahil may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page