top of page
Search

Bulgar Horoscope

Ituloy natin ang pag-aanalisa sa magiging kapalaran nilang mga isinilang sa animal sign na Ox o Baka ngayong 2020.

Noong mga nakaraang araw, tinalakay natin ang kapalaran ng Earth Ox (2009 at 1949), ganundin silang Fire Ox (1997 at 1937) at sa pagkakataong ito, tatalakayin naman natin silang mga Ox na under sa Wood na isinilang noong 1985 at Water Ox na isinilang noong 1973.

Kung ikaw ay isinilang noong 1985, ikaw ay tatawaging Wood Ox kung saan sinasabing ngayong 2020, maraming pagbabagong magaganap sa iyong kapalaran, ngunit sa mga pagbabagong ito na sa simula ay tila magdudulot ng suliranin, ito ay mga nakatagong oportunidad na may positibong dulot sa dakong huli. Kaya kung magiging matatag, matalino, mautak at mapagmatyag ka sa mga pagbabagong mangyayari at pagsubok na darating, ikaw ay tatanghaling wagi.

At hindi lang pagwawagi ang iyong maiuuwi kundi aani ka rin ng dagdag na karangalan, tagumpay at malalaking oportunidad ng pagsulong para sa iyong career at pagkakamal ng dagdag pang salapi at mga materyal na bagay. Kung sadyang nalilito ka naman sa iyong career at hanggang ngayon ay hindi mo pa nae-establish kung ano ang papel o gusto mong gawin sa mundo, sinasabing isa lang ang dapat mong subukan — ang mga pagkakakitaan, negosyo o kalakal na may kaugnayan sa matitigas na bagay at mga kalakal na may kaugnayan sa butil, agrikultura at pagkain dahil sa nasabing negosyo ka uunlad at aasenso, lalo na ngayong 2020.

Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, higit na magiging makulay ang taong ito na bagama’t iinit at lalo pang sasarap ang samahan, may babala naman ng pagka-boring at paghihiwalay. Sa mga dalaga at binata na may karelasyon, maaaring sa bandang huli, isa lang ang kauuwian ng inyong relasyon — paghihiwalay o pagpapasya na magpakasal na.

Sa mga walang karelasyon, mami-meet mo na ang isang nilalang na maaaring magpaligaya sa iyo habambuhay. Sa pagkakataong naturan, hindi ka na dapat umarte-arte pa dahil ang dapat mong alalahanin ay hindi ka na bumabata, sa halip, ikaw ay nagkakaedad na kaya dapat ka nang makipagrelasyon upang maiplano mo ang pag-aasawa at pagtatayo ng maunlad at maligayang pamilya habambuhay.

Samantala, kung ikaw ay isinilang noong 1973, ikaw ay tatawaging Water Ox kung saan sinasabing nasa iyo lahat ang magagandang oportunidad na lakas lang ng loob at sunggab nang sunggab ang iyong magiging puhunan. Kaya kung ikaw ay takot at mahina ang loob, hindi mo ito dapat pairalin dahil maraming magagandang oportunidad ng pagkakaperahan at aspetong paglago ng career at kabuhayan ang iyong susunggaban. Sa ganitong paraan, ito ang tinatawag na “peak moment” ng iyong career at aspetong pangkabuhayan, bakit mo pa palalampasin?

Bagama’t gaganda at bubulas ang career at kabuhayan mo, dapat mo namang ingatan at pahalagahan ang pakikipagrelasyon mo sa iyong asawa at mga mahal mo sa buhay dahil may babala na mauulit ang mga nakaraang hindi pagkakasundo at pagkakaunawaan. Pero hindi na ito dapat pang mangyari dahil kapag nagkaroon ka ng suliranin sa pamilya, karelasyon o mahal mo sa buhay, magiging sagabal ito sa tuluy-tuloy na sanang pag-asenso at pag-unlad ng iyong kabuhayan.

Dahil dito, dagdag na pagpapasensiya ang ipadama mo sa mga taong malapit sa puso mo at dagdag na pagmamahal at unawa naman ang dapat mong ipadama sa iyong kasuyo upang magpatuloy ang maunlad na kabuhayan at masayang pamilya.

Ngayong taong ito, hindi iminumungkahing magdagdag ng investment sa kahit anong negosyo. Sa halip, panatilihin na lamang ang mga dati nang pinagkakakitaan. Sa kalusugan naman, dagdag na exercise ang kailangan at dapat namang iwasan ang labis na pagpupuyat, gayundin, iwasan ang mga pagkaing hindi mabuti sa katawan sapagkat ngayong taong ito, paano patuloy na uunlad at aasenso ang iyong career at kabuhayan kung mapababayaan mo naman ang iyong kalusugan?

Hindi ito dapat mangyari, sa halip, ang higit na mahalagang isaalang-alang ay mapanatili ang malusog na pangangatawan habang patuloy na lumalago ang kabuhayan at umaasenso ang career upang ma-enjoy mo nang lubos at sagad ang pagdating pa ng limpak-limpak na salapi ngayong 2020.

Sa pag-ibig, may mga extra-marital affairs na maaaring tumukso sa iyo, pero hindi mo ito dapat patulan. Panatilihin mo ang masaya at mainit na pakikipagrelasyon sa iyong asawa at mga anak sapagkat alalahanin mong pagdating ng panahon, ang tunay na tagumpay at ligaya ay madarama pa rin kapag nagmamahalan ang masaya at buong pamilya.

(Itutuloy)

 
 

Dear Maestro, May ka-chat ako na nasa ibang bansa, pero uuwi siya sa first week ng May at nais niyang makipagkita sa akin. Dapat ba akong magtiwala at makipagkita sa kanya? Mukha naman siyang mabait at mabuting tao, gayundin, twenty-nine years old na siya at isinilang noong August 29, 1990. Pinoy din siya kaya magaan ang loob ko sa kanya at gayundin siya sa akin. Matagal nang nanirahan doon ang family niya, pero taga-Iloilo talaga sila. June 8, 1993 ang birthday ko at sa edad kong 26, wala pa rin akong nagiging boyfriend. Siya na kaya ang magiging first and last boyfriend ko at compatible ba kami at kung oo, kami na kaya ang magkakatuluyan?

Umaasa, Lovely ng Karuhatan, Valenzuela City

Dear Lovely, Wala namang masama kung makikipagkita ka sa iyong ka-chat, higit lalo kung hindi ka naman nag-iisa kapag nakipagkita ka sa kanya. Kumbaga, walang problema basta may alalay o chaperone ka kapag nakipag-eyeball ka.

Samantala, ang zodiac sign mong Gemini at Virgo naman ang ka-chat mo ang nagsasabing compatible kayo dahil ang Gemini at Virgo ay kapwa pinangingibabawan ng planetang Mercury. Sa madaling salita, ayon sa Depth Astrology, sadyang tugma at compatible talaga kayo ng ka-chat mo.

Sa Numerology, ang birth date niyang 29 o 2 (2+9=11/ 1+1=2) — kung saan ang two (2) ay weak number — ay sadyang tugma naman sa birth date mong 8 na astig at tunay namang strong at dominanteng numero.

Ibig sabihin, ang birth date na 29 at 8, tulad ng naipaliwanag na, ay compatible sa isa’t isa na sa bandang huli ay maaari pang ma-under mo siya at sumunod lang siya nang sumunod sa anumang isa-suggest at ipagagawa mo sa kanya para sa ikagaganda at ikabubuti ng inyong relasyon.

Sa madaling salita, tunay ngang compatible kayo sa Astro-Numerology na pag-aanalisa at sa sandaling kayo ay nagkita, sigurado na ang magaganap, kusang magkakaroon na ng “natural attraction” sa pagitan ninyong dalawa na mauuwi sa matimyas at okey sa alright na ugnayan hanggang sa ang nasabing pagkakaibigan ay tuluyan na ring mauwi sa tunay at wagas na relasyon na tuluy-tuloy na ring hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya na nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2021, sa edad mong 28 pataas.

 
 

KATANUNGAN 1. May asawa na ako, pero nililigawan ako ng kasamahan ko sa trabaho. May asawa na rin siya, pero parang napalalapit na rin ang loob ko sa kanya dahil araw-araw ko siyang nakikita at nakakasalo sa pagkain. Posible bang may mabuong relasyon sa aming dalawa?

2. Minsan, para makaiwas sa tukso, iniisip kong mag-resign na lang, pero hindi puwede dahil pakiramdam ko ay unti-unti nang naglalapit ang damdamin namin sa isa’t isa.

3. Natatakot din ako sa posibleng mangyari, isang beses kasi, nag-date na kami, pero wala pa namang nangyari dahil kumain lang kami tapos umuwi na. KASAGUTAN 1. Kung araw-araw mong nakikita ang babae o lalaki na kasamahan mo sa trabaho, tapos caring at napaka-gentleman pa, malamang ay mahulog na nang tuluyan ang loob mo sa kanya. Siyempre, ‘yung kunwaring pagkakaibigan lang sa simula ay maaaring humantong sa mainit at romantikong relasyon.

2. Maaaring ganu’n ang mangyari sapagkat ito rin naman ang nais sabihin ng mabilis na sumikad pahaba na Guhit ng Fling na Relasyon (Drawing A. at B. f-f arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, may panahon sa iyong buhay na magkakaroon ka ng illicit love affair, kaya ngayon, nasa bingit ka ng pagkahulog sa tukso na kapag hindi ka nag-ingat at umiwas, pansamantala kang magkakasala sa iyong pamilya at asawa.

3. Tulad ng inaasahan, ngayong 2020, mapapalautan ang iyong damdamin, mahuhulog ka sa bawal na relasyon, pero nakakikilig at masarap, sa isa ring kasamahan mo sa trabaho kung saan bagama’t, ganu’n ang mangyayari, ang ikinaganda pa rin ng mga magaganap ay nagkataong iisa lang ang malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

4. Dahil iisa lang ang nasabing Marriage Line (1-M arrow b.), ito ay tanda na kahit magkaroon kayo ng ugnayang pisikal at pang-emosyunal ng kasalukuyan mong kasamahan sa trabaho, wala namang magiging epekto ang illicit love affair na nabanggit sa iyong pamilya dahil ang relasyon n’yo ni mister o ng iyong pamilya ay mananatiling buo at maligaya. MGA DAPAT GAWIN 1. Minsan, biglang dumarating ang tukso kung saan madalas, sinusubukan nating iwasan, pero dahil masarap at masaya, napakahirap iwasan. Ganu’n ang nakatakdang mangyari kung saan ayon sa iyong mga datos, Jasmin, tiyak ang magaganap, bagama’t, mahihirapan kang iwasan ang lalaking ito, darating ang panahong magkakasala ka sa iyong asawa at pamilya.

2. Gayunman, sadyang mapalad ka pa rin kaysa sa iba sapagkat tulad ng nasabi na, anumang lihim at lihis sa kabutihang-asal na relasyon ang mapasukan mo, ito ay hindi magtatagal at sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, ang immoral na relasyong ito ay lilipas din upang paglipas ng nasabing panahon ng kahangalan ng damdamin, kusa nang babalik sa katinuan ang lahat — mananatili at mamamalagi pa rin ang buo at maligayang pamilya habambuhay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page