top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 13, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 13, 2020 (Biyernes): Iisa lang ang kauuwian ng iyong kapalaran kung saan ikaw ay makikitang masaya dahil lubos na natupad ang iyong mga pangarap.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-utos ka at masusunod ka. Huwag kang mag-utos at magreklamo kapag hindi nangyari ang gusto mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-12-28-29-33-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpaalipin ka sa sarili mo at matutupad ang mga ambisyon mo. Magpaalipin ka sa iba at ang matutupad ay ang ambisyon ng aalipin sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-20-27-31-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magdalawang-isip na tumulong sa malapit sa iyo. Ang buhay sa mundo ay pagtutulungan kaya tumulong ka rin kapag ikaw ang nabigyan ng pagkakataon sa hinaharap. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-29-35-37-45-46.

CANCER (June 21-July 22) - Sinupin mo at ingatan ang nasa iyo na dahil hindi mo na kailangan ang wala sa iyo. Sobra sa sapat ang hawak mo para mapuno ng kaligayahan at kaginhawahan ang buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-17-26-28-35-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Masyadong malayo ang agwat mo sa pangkaraniwan. Sa biglang tingin, ito ay magandang balita, pero ang totoo, ito ay malungkot kaya ilapit mo ang sarili mo sa mga tao. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-14-16-23-34-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Simulan mo na ang pangako mo sa iyong sarili na magseseryoso ka sa pagpapabilis ng iyong pag-asenso. Tuluy-tuloy ang orasan ng buhay kaya hindi ka dapat maiwanan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-16-17-20-24-28.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hanapin mo ang makatutulong sa iyo na makamit mo ang iyong ambisyon. Pag-aralan mo ang buhay mo dahil ginagamit ka ng ilan para sa kanilang ambisyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-15-29-30-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo kailangan ang marami para gumaan ang iyong buhay. Kapag marami ang nasa paligid, bumabagal at bumibigat ang sitwasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-20-26-32-39-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumanat ka ngayon at malaki ang mapasasaiyo. Bumanat ka sa ibang araw at wala kang makukuha na kahit ano. Ito ang ibig sabihin ng may panahon ang lahat ng bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-17-20-24-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aalayan ka ng mas malakas sa iyo. Bibigyan ka ng pagkakataong patunayan ang galing at husay mo kaya ilabas mo na ang iyong magagandang katangian. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-19-21-25-29-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Wala kang mapapala sa mga taong hindi tukoy kung ano ang gusto nila sa mundo. May matututunan ka sa mga taong kahit marami ang nakakontra ay ginagawa ang gusto nila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-22-24-31-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Bilang katuwaan, pero isa ring seryosong bagay, gawin mo ang hindi mo nagawa noon at magugulat ka dahil sobrang dali lang pala at matatapos mo ito agad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-22-25-34-44.

![endif]--![endif]--

 
 

Katanungan

  1. Balak naming magnegosyo ng mister ko kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung papalarin ba kami sa negosyong bigasan sa public market? Ito ang balak naming negosyo. Susuwertehin kaya kami rito?

  2. Gusto kong yumaman dahil halos pitong taon din ako abroad, pero hindi naman ako yumaman. May konti akong naipon at ito ang balak kong gawing puhunan.

  3. Ano sa palagay n’yo, mag-click kaya ang negosyong ito at anong buwan ngayong 2020 ako dapat magsimula?

Kasagutan

  1. Nakatutuwang makitang may makapal, malinaw at tuwid na Business Line (Drawing A. at B. N-N arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagpapahiwatig na kaunting sinop at tiyaga lang sa napili mong kalakal o negosyo, tiyak ang magaganap, sa loob ng tatlong taong singkad na pagtitinda, mabilis na uunlad ang iyong kabuhayan hanggang sa madoble ang iyong puhunan at kasabay nito, tuluy-tuloy ka nang uunlad at sa pag-unlad ng iyong tindahan, magagawa mo pang paramihin ang sangay ng iyong negosyo sa iba’t ibang kalapit na public market hanggang sa matupad sa iyong tadhana ang birth date mong 5 at destiny number na 8 kung saan ang mga numerong ito ang naghahayag na patuloy na darami ang iyong puwesto sa iba’t ibang lugar hanggang sa tuluy-tuloy ka nang yumaman.

  2. Ang pag-aanalisang yayaman ka sa pagtitinda at pagro-rolling ng iba’t ibang uri ng mga produktong butil at pagkain na sa pinakarurok ng iyong tagumpay ay bukod sa darami ang iyong puwesto ay makapagpapatayo ka pa ng malaki at sarili mong grocery hanggang sa maging supermarket ay madali namang kinumpirma ng maikli at tuwid na Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad at ng buhay at malaking nunal sa kanang bahagi ng iyong pisngi.

Ito ay tanda na sa sandaling nakatikim kang magnegosyo at tumiba ng malaking tubo, lalo kang gaganahang magpatuloy kapag nagpakasipag at nagsinop ng kabuhayan hanggang sa bandang huli ay labis mong pahalagahan ang oras, produkto at salapi. At sa rurok ng iyong tagumpay, matitiyak ang iyong pagyaman dahil sa sobrang pagmamahal sa pera at materyal na bagay.

Sa puntong ito ng iyong buhay, matututunan mo ang pinakadakilang sikreto o lihim ng pagyaman — ipon lang nang ipon at hindi ginagasta ang tubo sa mga walang kapararakang bagay at dahil ipon nang ipon at hindi gumagasta, darating ang panahong lalo ka pang yayaman.

Mga Dapat Gawin

  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Carmela, tulad ng nasabi na, sa susunod pang mga taon, sa sandaling sinimulan mo na ang iyong negosyo sa buwan ng Abril o Mayo, nakaguhit na sa kaliwa at kanan mong palad ang pagyaman habang ang pangalawang assignment mo ay ang pagpapanatili ng iyong tagumpay.

  2. Sundin mo lang ang mga simpleng rekomendasyong binanggit na sa itaas — mamuhay nang simple, pero ipon nang ipon at hindi ginagasta ang puhunan at tubo sa walang kabuluhang mga bagay, sa halip, patuloy mo itong ipuhunan, paikutin at palaguin. Sa ganyang paraan, tiyak ang magaganap, mapananatili mo ang kasaganahang pangmateryal at habang lumalaon, lalo ka pang yayaman.

 
 
  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 12, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 12, 2020 (Huwebes): Taglay mo ang malakas na personali­dad kaya kontrolin mo ang lakas mo. Ang kontrola­dong lakas ay magagamit mo sa anumang layunin mo sa buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hinahon ang kailangan mo kaya hindi ma­ganda na matangay ka ng iyong pagkainis. Ang naiinis ay nawawala sa lugar at ito ay hindi tamang mangyari sa iyo, lalo na ngayon. Ma­su­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-20-24-38-39.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manghi­ram ka ng la­kas ng loob sa mga malalapit sa iyo na may malakas na kalooban at tapang. Mas maganda at kapaki-pakinabang kung ang hihiraman mo ay may ma­gagandang katangian. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-25-27-31-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Kilalanin mo nang pali­him ang iyong mga nakakasama at ang gusto kang makasama. Kapag kilala ng tao ang kanyang kapwa, makaiiwas siya na ma­paglalangan. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lot­to-13-19-22-27-33-38.

CANCER (June 21-July 22) - Kahit medyo maaagrabiyado ka, huwag kang pumatol sa may pangit na ugali kaya hayaan mo lang siya at masasaksihan mo na ang may pangit na ugali ay aani ng pangit na kapala­ran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-25-29-30-36-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung sino ang buo ang loob sa araw na ito, siya ang magkakaroon ng malala­king suwerte. Kung hindi pa buo ang loob mo, dapat ay maging buo ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-29-30-33-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makihalo sa mga usapan na pinakikialaman ang buhay nang may buhay. Mas magan­dang manahimik ka na lang at asikasuhin ang iyong per­sonal na pangangailangan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-18-28-34-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ibigay mo ang tulong na kai­langan ng isang malapit sa iyo. Ang tunay at wagas na pagkakaibigan ay pagpapakita ng simpatiya sa panahon ng kagipitan. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-18-22-24-26-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong layuan ang min­san nang naka­tulong sa iyo. Ikaw naman ang tumulong ngayon. Sa ibang panahon, ikaw ay muli niyang tutulungan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-9-11-17-20-25-27.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dalawa ang kamay ng tao, kaya puwedeng dalawa rin ang hawak niya. Ito ay nagsasabing puwede ring dalawa ang maging hanap­buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-19-24-27-38-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Umiwas ka sa anu­mang klase ng debate hindi dahil matatalo ka kun­di dahil ang ganitong ba­gay ay pag-aaksaya lang ng oras. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-24-31-34-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag nagkabang­ga­an ang dala­wang malakas, sila ay ka­pwa manghihina. Malakas ka ngayon kaya huwag mong harapin ang malakas din. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-21-23-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maghintay ka dahil ang nai­inip ay lalong pinagdaramutan ng kapa­laran. Samantala, ang ma­runong maghintay ay nila­la­pitan ng mga suwerte sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-15-27-28-30.

![endif]--![endif]--

 
 
RECOMMENDED
bottom of page