top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong
  • May 12, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 12, 2020 (Martes): Ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na matataas na ranggo sa buhay ang mapasasaiyo. Umasa ka dahil ito ay tiyak na magkakatotoo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Paghandaan mo ang mga araw kung kailan malaya mo nang magagawa ang magagandang plano mo na nabuo sa nagdaang mga araw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga reklamador at paladaing. Ang tutukan mo ay ang mga magagandang araw na darating kung kailan magdaragsaan sa iyo ang mga bagong oportunidad. Masuwerteng kulay-white.

GEMINI (May 21-June 20) - Ipunin at huwag mong kalimutan ang mga ideya na pumasok sa iyong isipan. Ang mga ito ay nagsasabing pasasalamatan mo ang utos na bawal lumabas ng bahay. Masuwerteng kulay-green. CANCER (June 21-July 22) - Nagbibigay ng ginhawa ang pananatili sa bahay. Ibinabalik nito ang lakas at kasiglahan. Ito ay nangyayari sa kabila ng pagpalag ng tao o ayaw na siya ay tila nakakulong at ‘di makalabas. Masuwerteng kulay-yellow.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang umasa sa iba. Madalas kapag umasa ka, hindi naman nangyayari ang iyong inaasahan, pero kapag ikaw mismo ang kumilos, eksakto sa gusto mo ang nagiging resulta. Masuwerteng kulay-purple.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makinig ka lang pero huwag mong gagawin. Marami ang magagandang panukala na sinasabi ng mga tao, pero kapag ginawa na ay wala namang mapapalang maganda. Masuwerteng kulay-pink.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dagdagan mo ang kulang at gawin mo ito sa iyong kapwa. Sa ganitong paraan, daragdagan ng langit ang ibibigay sa mga pangangailangan mo. Masuwerteng kulay-beige.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Marami kang natutunan sa mahabang araw na pananatili sa bahay. Huwag mong kalimutan ang mga ito, gayundin, isabuhay mo ito nang sa gayun ay makatiyak ka na ikaw ay magtatagumpay. Masuwerteng kulay-blue.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Marami ang umaasa sa iyo, kumbaga, marami ang pasanin mo sa balikat. Huwag kang mag-aalala, tutulungan ka ng langit dahil sa kalinisan at magandang layunin mo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumayo ka sa mapagpanggap. Kilala mo sila kaya makakaiwas ka. Huwag mong kalimutan na ang nakikipaglaro sa leon ay kanyang nilalamon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka mabubuhay nang walang kalayaan. Kaya kahit nakakulong ka sa bahay, nagagawa mo pa ring makatakas. Sa araw ng paglaya, ikaw ay sobrang matutuwa. Masuwerteng kulay-peach.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gawin mo lang ang gusto mo gawin. Bakit mo gagawin ang ayaw mo? Kung sino ang may gusto, siya ang gumawa. Ito ang panuntunan na kailangan mong yakapin sa buhay. Masuwerteng kulay-red.

![endif]--![endif]--

 
 

Katanungan

  1. May naiinggit sa akin sa aming opisina at siniraan niya ako sa aking manager, hanggang sa nag-away kami dahil siya ang kinampihan ng boss namin at nag-resign na lang ako. Buti na lang, may nakuha akong kaunting pera dahil matagal na ako sa kumpanya at ngayon, balak kong gamitin ang perang hawak ko para magnegsoyo, kaso nagkaroon naman ng COVID-19, kaya hindi natuloy ang plano ko.

  2. Naisipan kong sumngguni sa inyo upang itanong kung ano ang maganda kong gawin? Nagdadalawang-isip akong magnegosyo at sa halip, parang mas gusto kong mamasukan sa ibang kumpanya.

  3. Ano ang dapat kong gawin para gumanda ang aking career at kabuhayan, ang magnegosyo o mamasukan na lang ulit?

Kasagutan

  1. Bagama’t bahagyang huminto ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.), mapapansing ito ay nagbago ng linya o tinatahak na direksyon, ngunit nanatili namang matatag (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kanyang panibagong tinatahak na diresyon sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na tama ang ang iyong pasya na mag-apply sa ibang kumpanya na may kaparehong nature ng trabaho sa inalisan mong kumpanya. Dahil ang nakaguhit sa iyong palad ay malinaw na Career Line (arrow a. at b.), tulad ng naipaliwanag na, ito ay hindi guhit ng negosyo kundi tuluy-tuloy na pagtatrabaho.

  3. Sa walang tigil na pagtatrabaho ka aasenso kaysa ipilit mo agad na magnegosyo nang wala sa tama at eksaktong panahon ng iyong buhay ang nasabing gawain.

Mga Dapat Gawin

  1. Sa buhay natin sa mundong ito, hindi maitatanggi na palaging may takdang panahon sa silong ng langit kung kailan dapat isagawa o ipatupad ang isang gawain o proyekto. Ang tawag dito ay “proper timing” upang matiyak ang pagwawagi at tagumpay.

  2. Tulad ng nasabi na, hindi pa ngayon ang panahon upang ikaw ay magnegosyo, kaya ang dapat mong gawin ay itago muna ang perang nakuha mo sa inyong kumpanya. Hintayin mo ang panahon kung kailan ka dapat magnegosyo at sa sandaling dumating ito, saka mo ilabas ang pera at gamiting puhunan, pero sa ngayon, ‘wag muna. Sa halip, ang nararapat mong gawin pagkatapos ng problema ng mundo sa Covid-19 ay ang mamasukan muli.

  3. Sa sandaling muli kang nagkaroon ng regular na trabaho sa last quarter ng 2020, ang dapat mong namang gawin ay magsinop para makaipon ng dagdag na savings bilang pandagdag sa binabalak mong negosyo na maaaring maganap sa 2025 kung saan isang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa nasabing panahon sa edad mong 48 pataas, tiyak ang magaganap, ayon sa iyong Business Calendar, ito ang tamang panahon upang magnenegosyo at kapag nagawa mo ‘yan, mabilis na madodoble ang iyong kinikita hanggang sa tuluy-tuloy nang lumago ang kabuhayan (Drawing A. at B. N-N arrow c.). Ang susunod na mga pangyayari ay ang napipintong pagyaman sa 2032 sa edad mong 55 pataas (Drawing A. at B. H-H arrow d.).

 
 
  • Maestro Honorio Ong
  • May 11, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 11, 2020 (Lunes): Unahin mo ang sarili mong kaunlaran. Ito ang tutukan mo at huwag ang iba pang aspeto ng iyong buhay. Sa ganitong paraan, hindi ka magkakamali.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Kung ano ang magiging laman ng imahinasyon mo, ‘yun ang mangyayari sa buhay mo. Ibig sabihin, binigyan ka ng pribelehiyo na itinakda ng kapalaran mo. Mauswerteng kulay-red.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang lang naman ang iyong kailangan. Kaya kapag puwede nang lumabas ng bahay, ang tapang na ipakikita mo ang magdadala sa iyo ng napakaraming suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-brown.

GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka dahil minsan, hindi sa bilis nakukuha ang isang bagay. Sa pagiging marahan, nakikita ang tunay na susi ng tagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white.

CANCER (June 21-July 22) - Magdagdag ka ng kaalaman. Mas maganda ang maraming alam bago simulan ang gusto mong pagkakitaan. Sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang pagkalugi at panghihinayang. Masuwerteng kulay-green.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang madali para sa iyo, ‘yun ang piliin mo. Hindi ngayon ang panahon ng pagpapahirap sa sarili at pagsasakripisyo alang-alang ambisyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tama na gawin mo agad ang unang maiisip mong pormula ng pagpapayaman. Kapag nag-alinlangan ka, matatagalan pa ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumuha ka ng aral sa buhay sa mga nakita mong pagkakamali ng iyong kapwa dahil ang kanilang karanasan ay nagsisilbing guro sa mga taong magtatagumpay sa buhay. Masuwerteng kulay-pink.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magmadali. May kakayahan kang magiging mapaghintay dahil ito ang iyong natutunan sa pananatili sa bahay. Muli, huwag kang magmadali. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang abot-kamay mo, ‘yun ang kunin mo. Ibig sabihin, ‘wag ka munang mangarap ng bagay na maraming kailangan bago makuha. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong buhayin ang matagal nang patay. Bakit mo pa pababalikin ang matagal nang wala? Tanggapin mo ang katotohanan na ang tao ay dapat na nakatutok sa hinaharap. Masuwerteng kulay-black.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Puwede ka nang magsaya dahil alam mo na ang sikreto para maging malaya at masaya kahit hindi alisin ng mga awtoridad ang utos na huwag lumabas ng bahay. Masuwerteng kulay-violet.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Napakalakas ng hila sa iyo ng magliliwaliw kapag ang mga tao ay may kalayaan na. Hindi mo ito puwedeng hindi sundin dahil nasa pagliliwaliw ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach.

![endif]--![endif]--

 
 
RECOMMENDED
bottom of page