top of page
Search

Dear Maestro,

Ako ay pangkaraniwang misis na walang trabaho. Mister ko lang ang nagtatrabaho, kaya laging kulang sa pang-araw-araw na pangangailangan namin ang maliit niyang kinikita bilang guwardya. Kaya naman todo-higpit ako ng sinturon sa pagtitipid, pero baon pa rin kami sa utang sa mga kapitbahay at kung kani-kaninong tao para lang maka-survive.

Maestro, sa palagay mo, may pag-asa ba kaming makaahon sa kahirapan? Madalas akong tumataya sa lotto pero hindi tumatama ang mga numerong tinatayaan ko. Sana ay mabigyan n’yo rin ako ng masuwerteng numero para kahit papaano ay guminhawa ang buhay namin. March 13, 1981 ang birthday ko.

Umaasa,

Susan ng Bagong Silang, Santa Cruz, Marinduque

Dear Susan,

Ganyan talaga sa simula ang nangyayari sa kapalaran ng mga Taong Four (ang 13 ay 1+3=4) na tulad mo, ganundin silang mga isinilang sa petsang 4, 22 at 31.

Tunay ngang naghihirap at namumroblema muna sila sa buhay, ngunit pagtuntong nila ng edad 40, na sa kaso mo ay sa 2021 ay 40-anyos ka na, ibig sabihin ay wala nang isang taon ka na lang maghihirap. Kasabay ng paghupa ng pananalasa ng Covid-19 sa buong mundo, sa hindi mo inaasahang pangyayari at pagkakataon, pagtuntong mo sa edad na 40 pataas, kusa at unti-unti ka nang makaaahon sa kahirapan.

Bukod sa sarili mong numerong 13 at sa lahat ng numero na may sumatotal na 4, mapalad ka rin sa lahat ng numero na may sumatotal na 8, 1 at 7, tulad ng 8, 17, 26, 35, 44, 1, 10, 19, 28, 37, 16, 25, 34, 43, at iba pang kauri nito. Puwede mo ring subukan ang 1, 19, 28, 34, 36 at 41, ganundin ang 4, 17, 25, 34, 37 at 40. Maaari ka ring humugot ng kumbinasyon mula sa grupo ng mga numerong hinango sa Kabalistic of Numbers: 9841/ 1823/ 1523/ 1175.

Upang matiyak ang malaking panalo sa anumang uri ng pakikipagsapalaran, maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa kanal na hindi natutuyuan ng tubig o lugar kung saan ang nasabing lotto outlet na laging matubig ang kanyang paligid. Ang nabanggit na lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng jackpot.

Mapalad ka naman sa mga kulay na berde, dilaw at pula, ganundin mula sa ika-19 ng Enero hanggang sa ika-25 ng Marso, mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang ika-25 ng Hulyo at mula sa ika-19 ng Oktubre hanggang ika-25 ng Nobyembre.

Habang, ayon sa Decadens ng Kapalaran, sundin mo lang ang mga simpleng pormula at mungkahi sa itaas dahil tiyak ang magaganap, sa 2021 hanggang 2022, sa edad mong 40 pataas, kusa na kayong makakabayad sa pagkakautang, makakahon sa kumunoy ng kahirapan hanggang sa tuluyang umunlad ang inyong kabuhayan.

 
 

Bulgar Horoscope

Sa pagpapatuloy ng pagtalakay ng magiging kapalaran ng bawat animal sign ngayong taon, tatalakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng mga isinilang sa Year of the Dragon ngayong Year of the Metal Rat.

Kung ikaw ay isinilang noong 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000 at 2012, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Dragon.

Sa aspetong pang-emosyonal at pakikipagrelasyon, sadyang tapat at totoo sa kanyang damdamin ang Dragon, kaya sa sandaling sinabi niyang “Mahal kita,” tunay na tunay mahal ka niya. Kadalasan, ang pagmamahal na ito ng Dragon, bukod sa totoong-totoo ay nagiging panghabambuhay na.

Sinasabing higit na magiging maligaya at mapalad ang Dragon sa larangan ng pakikipagrelasyon kung medyo bata pa siya ay nakatagpo ng partner sa buhay o medyo maaga siyang mag-aasawa, kung ikukumpara sa mga Dragon na medyo late o nasa middle age na nang nag-asawa ay hindi gaanong nagiging maligaya.

Sa kabilang banda, nangyayari talagang late nakapag-aasawa o nagkakaroon ng seryosong karelasyon ang Dragon dahil sa tendency nilang makadama ng kampanteng pakiramdam sa panahong sila ay nag-iisa. Tunay ngang mas “at ease” ang Dragon sa kanilang sarili o anumang kanilang ginagawa kapag sila ay nag-iisa.

Dahil likas na malungkutin at mapag-isa, hinahanap ng Dragon ay ang nilalang na marunong umunawa at may simpatya na kausap at maniniwala sa kanyang mga hinaing at malalim na lumbay sa buhay. Kaya naman sa sandaling nakuha mo ang loob ng Dragon, habambuhay na siyang magiging totoo, magmamahal at magmamalasakit sa iyo.

Dahil nakuha mo na ang loob at katapatan ng Dragon, sa bandang huli, magiging sobrang tapat at devoted siya sa iyo. Sa ganitong sitwasyon, isa lang ang maaaring magawa mong mortal na kasalanan sa kanya at ito ay ang sirain mo ang kanyang tiwala.

Kapag nangyari ito, umasa ka na guguhong lahat ang tiwalang ipinagkaloob niya sa iyo at dahil parang tahasang niloko mo siya at pinaglalangan, sa paghihiwalay ninyo, matatagpuan mo siyang lupaypay ang balikat, depressed at hindi na ulit makapagsisimula ng bago at mas masayang pamumuhay.

Sa kabila nito, ang isa pang kahanga-hanga sa pagkatao ng Dragon ay ang masayahin at mapagmahal siya sa mga bata. Tunay ngang sa kabataan nakikita ng Dragon ang positibong future na wala sa kasalukuyang henerasyon. Malinaw na nakikita at nadarama ng Dragon na nasa kabataan ang pag-asa ng maunlad, makatarungan at mas maligayang lipunan sa kinabukasan.

Tugma at bagay na bagay naman sa Dragon ang bolera, masiyahin at mapang-akit na Unggoy. Magiging maalwan, maunlad at maligaya naman ang pakikipag-relasyon ng Dragon sa pratikal at materyosong Daga. Bagay din sa Dragon ang Ahas dahil magagawa ng Ahas na utuin, unawain at hayaan lang ang mga megalomania na pangarap at malalaking ambisyon ng Dragon na malabo niyang maabot, ngunit sa tulong ng matalino at madiskarteng Ahas, maaaring silang dalawa ay makabuo ng maunlad, mayaman, high-tech at bagong sibilisasyon.

Itutuloy

 
 
  • Maestro Honorio Ong
  • May 14, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 14, 2020 (Huwebes): Mabilis kang yayaman sa pamamagitan ng negosyo. Maaantala ang pagyaman mo dahil sa iyong pamamasukan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mag-alinlangan dahil ikaw pa rin ang dating ikaw na handang gawin ang lahat at ibigay ang iyong makakaya para sa katuparan ng iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mo malaman kung matutuwa ka o hindi dahil parang may kalayaan na pero mahigpit pa rin. Huwag mo nang pagkaabalahan pa ang mga balita na lalo lang gugulo ng isipan mo. Masuwerteng kulay-yellow.

GEMINI (May 21-June 20) - Palalayain na ang mga tao, kaya lang, parang hindi ka pa handa at maging ang mga tao ay parang nasanay nang walang ginagawa. Mas magandang magpatuloy ang ningas ng iyong pag-asa. Masuwerteng kulay-purple.

CANCER (June 21-July 22) - Magsasayang ka lang ng mahalagang oras sa kaiisip kung may kalayaan na o wala pa dahil kahit ideklarang balik na sa dati ang pamumuhay, malabo pa rin kung paano mabubuhay. Masuwerteng kulay-pink.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang susundin pero kung hindi ka mag-uutos, iba ang masusunod. Kung mag-uutos ka, ikonsidera mo ang kapakananan ng nakararami. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tuloy lang ang buhay kahit marami kang gustong gawin na hindi mo magawa. Tuluy-tuloy lang hanggang sa muling maging normal ang lahat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Wala sa inilalagay sa mukha at katawan ang ganda ng tao. Ang ganda ay nakikita kung paano kumilos at makitungo sa kapwa tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manindigan ka pero hindi ka dapat maging agresibo. Ang paninindigan ay nakikita sa pagiging matatag ng mga salitang binitawan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maganda ang pangako ng bukas para sa iyo. Ang totoo nga ay mas maganda ito kaysa sa magagandang bagay na napasakamay mo noon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bago maging ganap na bulaklak, siya ay nagiging maliit at mahiyaing buko. Tapos na ang pagiging munting buko mo dahil babango nang todo ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbabalik ang nakaraan kahit ayaw ng tao. Hindi nahahadlangan ang darating kahit labag sa kalooban ng tao. Babalik at darating ang iyong nakaraan pero ‘di mo na ito aayawan. Masuwerteng kulay-brown.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Una-una lang ang pamamasyal. Kung anong lugar ang madali mong mapupuntahan, doon ka muna pumunta. Ang iba pang lugar ay mararating mo rin kapag nabigyan ka na ng pagkakataon. Masuwerteng kulay-white.

![endif]--![endif]--

 
 
RECOMMENDED
bottom of page