top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong
  • May 16, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 16, 2020 (Sabado): Isinilang ka nang may mayamang imahinasyon. Dahil dito, ang pagpapayaman ay tiyak na mapasasaiyo sa paggamit mo ng iyong imahinasyon.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang maniwala sa mga nag-aalok ng malalaking kita pero hindi ka mahihirapan. Marami na ang nadaya ng ganyang istilo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpapatangay sa kagustuhan ng iba, ang mas maganda ay sila ang tangayin mo. Hindi ka isang lagas na dahon na tinatangay-tangay lang ng hangin. Masuwerteng kulay-pink.

GEMINI (May 21-June 20) - Isip ang sundin mo at hindi ang bugso ng damdamin. May pagkakataon na ang dapat sundin ay emosyon, pero ngayon, ang payo ng iyong kapalaran ay isipan ang iyong gamitin. Masuwerteng kulay-beige.

CANCER (June 21-July 22) - Magmumula sa mga kaibigan mo ang magagandang kapalaran mo. Ang mas maganda ay ang makipag-ugnayan ka sa kanila, sila na nasa malayo at malapit. Masuwerteng kulay-blue.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bago ka kumilos, magplano ka. Nabibigo at nasasaktan ang mga walang plano sa buhay. Samantala, ang bahay na ginawa gamit ang plano ay maganda at matibay. Masuwerteng kulay-black.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong ipagdamot ang iyong magagandang ideya na nabuo sa pamamalagi mo sa bahay. Ito ang magsisilbing tulong mo sa kapwa ngayong panahon ng walang kinikita. Masuwerteng kulay-violet.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwasan mo ang pag-iisip sa mga problema. Mas magandang maghanap ka ng mapaglilibangan kahit nasa bahay ka lang. Ang pakikipagkuwentuhan ay makatutulong sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahalagahan mo ang sarili mong kapakanan. Huwag kang tumulad sa iba na akala ay tama na unahin ang ibang tao kaysa sa sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Palakasin ang katawan. Ito ang kailangan mo dahil kapag binigyan na ng kalayaan ang mga tao, ikaw ay magiging abala sa pagnenegosyo. Masuwerteng kulay-brown.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang umasa sa iba. Pagkatapos ng utos na bawal lumabas ng bahay, gawin mo ang gusto mong gawin na hindi mo kailangan ng tulong. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang mga kaganapan para sa iyo kapag puwede nang lumabas ng bahay dahil ikaw ay makikitang namamasyal at naglalakwatsa pero kumita ka nang marami. Masuwerteng kulay-green.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masayang ibinabalita ng iyong kapalaran na pagkatapos ng utos na bawal lumbas ng bahay, ang kaban-yaman mo ay mas maraming laman kaysa sa nakaraan. Masuwerteng kulay-yellow.

![endif]--![endif]--

 
 

Katanungan

  1. May boyfriend ako, kaya lang, may asawa na siya. Mahal na mahal ko siya, pero nang malaman ng mga magulang ko na may asawa na siya, tumutol sila kahit na ipinaliwanag ko sa kanila na matagal na siyang hiwalay sa kanyang asawa.

  2. Ano ang dapat kong gawin? Ano ang nakaguhit sa aking palad, siya na ba ang nakatakda sa akin kahit na tumutol pa ang aking mga magulang o may darating pang ibang lalaki na binata?

  3. Kahit may dumating na iba, parang hindi ko magugustuhan dahil ang lalaking ito ang kumumpleto sa buhay ko at mahal na mahal ko siya dahil dama kong siya ang pangarap kong makasama habambuhay, gayundin, napakabait at thoughtful niya.

Kasagutan

  1. Sa pag-ibig, hindi maiiwasan na kung minsan ay mapagbiro ang tadhana, higit lalo sa panahong nai-in love tayo sa babae o lalaking may asawa na. Ang masakit pa nito, kadalasan ay alam mo nang mali ang ginagawa mo, nand’yan ka pa rin, nagtiiis na kinakabahan, pero arya ka pa rin nang arya at hinahayaan mo pa rin ang iyong sarili na mahalin ang lalaki o babae na hindi karapat-dapat.

  2. Samantala, napansin mo bang may island o bilog sa simulang bahagi ng Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad? Ito ay tanda sa simula pa lamang ng iyong pakikipagrelasyon, mapupuno na ito ng intriga at problema. Subalit kahit ganu’n ang sitwasyon, dahil nananatili namang tuwid, makapal at malinaw ang kaisa-isa Marriage Line (1-M arrow a.), tiyak ang magaganap, tutol man ang mga magulang mo at kahit sabihin pa ng iba na ikaw ay number two o kabit, ang takdang kapalaran pa rin ang matutupad at huhusga – kasal man o hindi, kayo ang masasama habambuhay, bilang illegal pero masaya at okey na mag-asawa dahil tulad ng sinasabi mo, hiwalay na siya sa kanyang asawa at maaaring may iba na ring pamilya ang legal wife niya.

Mga Dapat Gawin

  1. Minsan kahit sabihin mo pang matino kang tao, mabuti at pilit na umiiwas sa kaimoralan, hindi maiiwasang dumaan sa iyong buhay ang damdamin na kung tawagin ay balighong pag-ibig.

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Glenda, sa umpisa lang magiging magulo ang inyong relasyon – maaaring sa una o ikalawang taon hanggang sa unti-uting matatanggap na rin ng iyong mga magulang mo at pamilya ang sinapit mong kapalaran. Kahit sabihin pang ang napangasawa mo ay dati nang may asawa, hindi magbabago ang nakatakda dahil makararanas ka pa rin ng masaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

 
 
  • Maestro Honorio Ong
  • May 15, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 15, 2020 (Biyernes): Lahat ng maganda ay para sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang. Dahil dito, ang magagandang kapalaran ay iyong matitikman.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat magpatalo sa lungkot at lihim na galit sa mga awtoridad. Para gumaan-gaan ang iyong pakiramdam, isipin mo na malayo ang talino mo kaysa sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ay nalaman mo na noon pa ay plano na ang mahabang mga araw na bawal lumabas ng bahay, pero dinahan-dahan lang ang pagpapatupad. Huwag ka nang umangal. Masuwerteng kulay-purple.

GEMINI (May 21-June 20) - Wala namang mangyayari sa pagrereklamo dahil ang mga nagbabantay ay nautusan lang at ayon sa kanila, trabaho ang kanilang ginagawa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink.

CANCER (June 21-July 22) - Kahit anong itawag sa bulaklak na rosas, rosas pa rin ito. Tanggapin mo ang katotohanan na pinagaganda lang ang pangalan ng patakaran na bawal lumabas ng bahay. Masuwerteng kulay-beige.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nabawasan ang pag-iingat mo. Hindi ka naman masisisi dahil humahaba ang araw na bawal lumabas ng bahay. Hindi lang naman ikaw ang nabawasan sa pag-iingat dahil ang mga tagabantay ay ganundin. Masuwerteng kulay-blue.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dumarami ang mga tanong mo sa isipan mo, pero wala namang sagot dahil ang mga sagot na naririnig mo ay hindi sapat para masabing matitinong kasagutan ang mga ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dadalawin ka ng ilang suwerte. Ang pagkainis mo sa mga awtoridad ay mababawasan. Minsan ang mga suwerte ay nagbibigay ng kakaibang saya at hindi pinapansin ang mga mali. Masuwerteng kulay-violet.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag ang nagkamali ay ang nagpapatupad, hinahayaan lang ng mga kasamahan ang ganitong kaganapan at malaki ang epekto nito sa iyo at sa mga tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong hayaan na masira ang diskarte mo nang dahil sa malalaking pagkakamali ng nagpapatupad ng utos na dapat ang mga tao ay may agwat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tahimik kang umaangal dahil sa hindi pantay na trato sa mamamayan. Huwag kang makihalo sa mga usapan tungkol dito dahil ang kailangan mo ay pahinga. Masuwerteng kulay-brown.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gawin mong abala ang katawan mo. Ito ang solusyon para ang isipan mo ay hindi mapunta sa pag-iisip sa mga nakikita mong pagkakamali sa paligid. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Habang nasa bahay ka lang, gamitin mo ang kakayahan mo sa pagtutuos. Ibig sabihin, alamin mo ang posibleng kikitain mo kapag pinayagan nang lumabas ng bahay ang mga tao. Masuwerteng kulay-green.

![endif]--![endif]--

 
 
RECOMMENDED
bottom of page