top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong
  • May 17, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 17, 2020 (Linggo): Matutupad ang malalaki mong pangarap sa buhay. Ito ay ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Humugot ka ng lakas sa mga napagtagumpayan mong pagsubok sa buhay. Ang totoo nga, marami kang panghuhugutan dahil noon pa man ay tinatalo mo na ang mga hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-pink.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipakita mong matatag at matibay ka dahil kapag nakita ng langit na ganu’n ka, magugulat ka dahil malalaki at nakamamanghang kapalaran ang tiyak na ibibigay nito sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.

GEMINI (May 21-June 20) - Nag-iipon ng lakas ang mga suwerte. Tinatayang pagtapos ng mga araw na bawal lumabas ng bahay, maglalabasan na rin ang mga suwerte na labis mong ikagagalak. Masuwerteng kulay-blue.

CANCER (June 21-July 22) - Nakaalalay sa iyo ang nagmamahal sa iyo. Ang hindi aalalay sa iyo ay huwag mo nang ibilang sa nagmamalasakit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong patulan ang naghahanap lang ng debate. Nasobrahan na siya sa pagkabagot kaya makikitang ang ulo niya ay umiinit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong habulin ang lumayo dahil nagbabalik ang nagtampo. Pero tuluyan mo nang burahin sa isip at puso mo ang hindi bumalik. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakadarama ka ng kakaibang sigla at ito ay nagsasabing nasasagap mo ang nagdaratingang masasaya at magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumalabas ang tunay na ugali ng tao kapag siya ay matagal nang nakakasama. Suriin mo ang mga naging karanasan mo sa nagdaang mahabang mga araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang ibigay mo. Kapag lumalagpas sa limitasyon ng kahit ano, tao man o bagay ay hindi makabubuti sa kanya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magbawas ka ng mga iisipin, lalo na ang mga alalahanin na gumugulo lang sa iyo. Mas magandang magsaya at maglibang nang makalimutan ang mga suliranin sa buhay. Masuwerteng kulay-green.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ay nagpasaya sa iyo, huwag mo silang kalimutan kapag muling gumanda ang iyong buhay. Huwag mo ring kalimutan ang iyong mga kinainisan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tulungan mo ang sarili mo. Sapat ang kakayahan mo para muling ibalik ang mga araw na ang iyong kabuhayan ay maganda at kumikita nang malaki. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.

![endif]--![endif]--

 
 

Dear Maestro,

Marami akong katanungan sa buhay kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Una, kailan darating ang lalaking makakasama kong bumuo ng pamilya? May 2, 1993 birthday ko. Gusto ko ring malaman kung makapag-a-abroad ako at kung kailan ako makatatagpo at magkakaroon ng regular na trabaho? Bago magka-Covid-19 ay naghahanap ako ako ng trabaho hanggang sa naabutan na ako ng lockdown.

Umaasa,

Marie ng Bagbag, Novalicehs, Quezon City

Dear Marie,

Ayon sa birth date mong 2 sa destiny number na nagkataong 2 din (5+2+1993=2000/ 20+09=29/ 2+9=11/ 1+1=2) sa zodiac sign na Taurus, medyo weak o mahina ang iyong loob kaya hindi ka pa lubusang nagtatagumpay sa career o hanapbuhay. Kaya upang magbago ang iyong kapalaran, kailangang mapalakas mo ang iyong loob at magkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili.

Ganito ang dapat mong gawin: Una, lagi kang gumamit ng kulay na berde at dilaw na siyang kulay ng birth date mong 2. Ganito ang paggamit tuwing sasapit ang petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25, berde ang lagi mong piliin at gamiting kulay, higit lalo kung ang nasabing petsa ay natapat sa araw ng Lunes. Dilaw naman ang gamitin at laging isuot na kulay tuwing sasapit ang petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Linggo at Sabaado.

Samantala, dahil ikaw ay nagtataglay ng zodiac sign na Taurus na may ruling planet na Venus, ikaw din ay mapalad sa kulay na pula. Suotin at laging gamitin ang kulay na pula tuwing sasapit ang petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.

Bukod sa mga kulay na pampasuwerte na binaggit na sa itaas, mas mainam din kung ikaw ay makikisama sa mga taong magbibigay sa iyo ng positibong kapalaran upang matulungan ka nila para mas madali mong mapitas ang pag-unlad, tagumpay at kaligayahan.

Ang mga taong tutulong sa iyo upang makamit mo ang tagumpay at magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran ay silang mga isinilang sa zodiac sign na Virgo, Capricorn, Scorpio at kapwa mo Taurus, higit lalo silang mga may birth date na 1, 10, 19, 28, 8, 17, 26, 9, 18, 27,7, 16 at 25. Sa kanila ka laging makisama at makipagkaibigan dahil tulad ng nasabi na, may mga suwerte at magagandang kapalaran kang mapapala o matatanggap sa kanila.

Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran mula sa ika-18 ng Oktubre hanggang sa ika-28 ng Enero mula sa ika-18 ng Abril hanggang sa ika-28 ng Mayo at mula sa ika-18 ng Agosto hanggang sa ika-28 ng Mayo.

Hinggil naman sa tanong mo kung kailan darating ang lalaking makakasama mo habambuhay, sa sandaling sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyong inilahad na sa itaas, makikilala mo ang lalaking makakasama mo habambuhay sa 2021 sa edad mong 28 pataas. Sa panahon ding ito, makapag-a-abroad ka upang pagsapit naman ng taong 2022 sa edad mong 29 pataas, maganap naman ang iyong pag-aasawa hanggang sa makabuo kayo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya hatid ng lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Virgo.

 
 

Bulgar Horoscope

Sa pagpapatuloy ng pagtalakay ng magiging kapalaran ng bawat animal sign ngayong taon, tatalakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng mga isinilang sa Year of the Dragon ngayong Year of the Metal Rat.

Tandaang ayon sa taglay na elemento, may limang uri ng Dragon at ito ay ang mga sumusunod:

  1. Earth Dragon o Lupang Dragon - silang mga isinilang noong 1928 at 1988

  2. Gold o Metal Dragon, na tinatawag ding Gintong Dragon - silang mga isinilang noong 1940 at 2000

  3. Water Dragon o Tubig na Dragon - silang mga isinilang noong 1952 at 2012

  4. Wood Dragon o Kahoy na Dragon - silang mga isinilang noong 1904 at 1964

  5. Fire Dragon o Apoy na Dragon - silang mga isinilang noong 1916 at 1976

Ang tatalakayin natin ngayon ay ang Earth Dragon o Lupang Dragon. Sinasabing ang pangunahing ugali at katangian ng mga taong isinilang sa Earth Dragon ay mapagmahal, may mababang puso at laging sumisimpatya sa mga inaapi at mahihirap. Kaya naman ang ugali nilang ito ang nagbibigay sa kanila ng likas na suwerte at magagandang kapalaran nang hindi nila alam.

Likas din sa mga Earth Dragon ang pagiging matulungin at sa rurok ng kanilang pagyaman, karamihan sa kanila ay nagiging philanthropist.

Ngayong 2020, upang higit na umunlad at lumigaya, kailangan nila ang depenidong layunin dahil minsan, sinasayang nila ang kanilang mahalagang enerhiya at resources dahil kung anu-ano ang kanilang pinagkakaabalahan at ginagawa.

Upang higit na magtagumpay at lumigaya, kailangan ng Earth Dragon ngayong 2020 ng tulong at suporta sa kanilang pamilya kung saan hindi lang aktuwal na tulong at suporta ang mahalaga sa kanila, bagkus, ang higit na mahalaga ay ang moral support at pagbibigay sa kanila ng papuri at pagkilala, upang lalo pang tumaas ang tiwala nila sa kanilang sarili at espirity. Kapag laging pinupuri at ini-encourage ang Earth Dragon, lalong lalaki ang tsansa ng kanilang tagumpay at ligaya.

Sa taong ito, malaki rin ang tsansa na tumanggap ng dagdag pang suwerte ang Earth Dragon sa kanilang career at larangan, na bigla na lang magaganp bago matapos ang 2020.

Dapat ding mag-ipon nang mag-ipon ang Earth Dragon dahil maraming magagandang oportunidad ng pagkakakitaan ang darating sa kanilang buhay sa taong ito, pero bigla ring malulustay at mawawala ang kanilang kikitain sa hindi nila malamang dahilan.

Hindi naman dapat na mangutang o maging guarantor ng mga mangungutang dahil may babala na dahil sa utang, magkaroon ng mabigat na problema ang Earth Dragon.

Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, kung ikaw ay babae, susuwertehin ka sa pakikisalamuha sa opposite sex o lalaki sa taong ito, habang kung ikaw naman ay lalaki, mas magiging maunlad at maligaya ang iyong karansan kung magkakaroon ka ng kaibigan o laging kasama na babae.

Sa mga wala pang karelasyon, malaki ang tsansa na magkakaroon ka na ng karelasyon at sa sandaling nangyari ito, ang nasabing ugnayan ay magigng maligaya at panghabambuhay na. Gayunman, hindi inirerekomenda na maghintay-hintay ka lang at makampante, sa halip, dapat ay hanapin mo ang iyong kapalaran mo dahil kung hindi, may tendency na ikaw ay maaaring tumandang dalaga o binata.

Sa mga may asawa o karelasyon, bagama’t dadaan sa mga pagsubok ang inyong samahan, ang lahat ng ito ay pansamantala lamang dahil matapos ang mga pagsubok, may pangako na higit pang magiging maunlad at mas magiging maligaya ang relasyon basta patuloy kayong magtiwala at magmahal sa isa't isa, higit lalo sa kalagitnaan hanggang sa huling hati ng taong ito.

Itutuloy

 
 
RECOMMENDED
bottom of page