top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 17, 2024


Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Agosto 17, 2024 (Sabado): Paulit-ulit kang dadapuan ng mga suwerte. Huwag mong kakalimutan na ang magagandang kapalaran ay pinahahalagahan at iniingatan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maganda ba ang takbo ng araw mo? Mas lalo itong gaganda kapag patuloy kang naniwala sa sarili mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-19-28-30-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Marami ang handang umalalay sa iyo, pero hindi mo pa sila kailangan dahil kayang-kaya mo naman mag-isa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-24-27-32-35-44.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Muli, ipinaaalala sa iyo na hindi ka dapat malibang sa masasayang kaganapan dahil kailangan mo paghandaan ang iyong obligasyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-23-28-39-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Didikit sa iyo ngayon ang taong tutulong sa iyo. Nakatanggap siya ng utos mula sa langit na alalayan ka sa iyong mga pangangailangan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-22-24-26-37-41.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Magagawa mo na ang kahit ano’ng gusto mong gawin. Mas magandang pagtuunan mo ng pansin ang pagpupundar sa kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-10-28-33-35-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pansinin ang sinasabi ng iyong damdamin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-18-20-28-30-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda, roon ka. Ang maganda sa tingin ang magbibigay sa iyo ng sigla. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-14-25-38-40-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tunay na ligaya ang makukuha mo sa tunay mong kaibigan. Piliin mo ang may malinis na puso at mabuting kalooban. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-19-24-28-32-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kasabay ng paglitaw ng mga bulalakaw ang mga suwerte mo. Ibahagi mo sa iyong kapwa ang sobra sa iyong pangangailangan. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-16-27-37-40-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pahalagahan mo ngayon ang mga lumang bagay. Ito rin ay nagsasabing ang dati mong mahal ang mas papaboran kaysa sa bago at hindi mo pa gaanong kakilala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-8-13-22-33-39.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Espasyo ang kailangan mo. Ibig sabihin, lumayo ka muna at sa paglayo mo, makakaasa ka na maiisip mo na ang pinakatamang desisyon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-22-25-27-36.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Palagi ka niyang pangungunahan na para bang kailangan mo siya laging pakinggan. Pakikinggan mo ba siya? Oo, dahil siya ang itinalagang gabay mo sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-12-14-32-37-42.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 15, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Agosto 15, 2024 (Huwebes): Nakabukas palagi ang pintuan ng langit para sa iyo. Mahirap man paniwalaan, pero higit kang mahal ng nasa itaas kaysa iba.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patuloy sa pagganda ang takbo ng iyong kapalaran kahit pa nakakaranas ka ng mga pag-atras ng kabuhayan. Ito ang katotohanan tungkol sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-19-23-27-34-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ganito ang sabi, “Ang nahulog na kanin ay para sa mga alagang hayop sa bahay.” Ibig sabihin, huwag mong ikalungkot ang ilang mawawala sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-12-21-27-30-35.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Maaakit ka sa magaganda, pero wala itong masamang epekto para sa iyo. Sa katunayan, ang mga ito ay lalo pang magpapasigla sa iyo para mas lalo kang magsipag. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-17-25-39-40.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kakaiba ngayon ang iyong karisma. Gamitin mo ito para makinabang ka. Huwag mong aksayahin sa ibang bagay na wala ka namang kakuwenta-kuwenta. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-19-26-31-36-42.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kasing lakas ng personalidad mo ang iyong makakaharap. Kung magpapasya ka na pagsanibin ang puwersa n’yo, iisa lang ang kauuwian at ito ay malaking tagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-23-25-34-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mararamdaman mo na ikaw ay sisigla kahit pa hindi mo magawang takasan ang iyong nakaugaliang pag-aalinlangan sa mga bagay na puwede mo namang gawin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-27-31-38-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kunin mo na ang gusto mong kunin, kahit na sa tingin mo ay mahihirapan ka. Ang mismong langit ang kakampi mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-17-22-26-33.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muling kikilos ang kapalaran mo kung ikaw ay kikilos. Kaya ang payo ay huwag na huwag kang makuntento sa nasa iyo na. Ang mas maganda ay kumilos ka nang kumilos. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-12-15-27-39-43.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumuha ka ng inspirasyon sa mga maniniwala sa iyo at huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga kontrabida na ang gusto lang ay mabigo ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-10-18-22-26-34.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kagalingan ang mapapasaiyo. Ito ay para sa karamdaman at para rin mas lalo pang gumanda ang mga katangian na magdadala sa iyo sa tagumpay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-19-25-32-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nauubos ang pagkakataong mapaganda ng tao ang kanyang buhay. Kaya huwag kang tumulad sa mga nawawalan ng pag-asa na sumuko na sa mga hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-26-28-30-35-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa mataas na antas ngayon ang iyong suwerte. Ibig sabihin, susuwertehin ka kapag nakipagsapalaran ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-15-25-34-38.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 11, 2024


Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Agosto 11, 2024 (Linggo): Huwag mong kalimutan ang sarili mong kapakanan. Mas magandang mapaunlad mo rin ang iyong sarili.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang tumulad sa iba na humihinto kapag may suwerte na. Tuluy-tuloy kang magsikap kahit nasa iyo na ang lahat. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-20-23-25-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumikislap ang hindi pa makislap at ang dating makislap ay kumukupas. Kumuha ka ng aral sa nasabing mga salita. Sa ngayon, kumikislap ka pa, ngunit ang mga kaaway mo at mga naiinggit sa iyo ay kumukupas na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-17-22-25-30-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo ang mahirap na kalaban dahil mula sa kanya, marami kang matututunan. Huwag mong piliin ang madaling talunin dahil baka lumabis lang ang tiwala mo sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-18-21-28-39-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kung hindi mo kaya, mamahinga ka. Hindi masama ang humihinto para muling magpalakas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-9-16-27-35-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Tulad ng halamang mas lalo pang lumalago kapag nababawasan ang mga dahon, ikaw din ay mas pagpapalain habang ikaw ay nagkakawang-gawa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-19-22-28-38-42.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Binubuo ng mga buhangin ang nakakaakit na tabing-dagat. Ang magandang buhay mo ay bubuuin ng pinagsama-samang magagandang kapalaran. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-18-25-27-33-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumukuha ng malakas na buwelo ang kapalaran mo ngayon. Huwag mong akalain na hindi ka na binubuwenas. Makikita mo na mas malalaking suwerte ang napasasaiyo matapos bumuwelo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-14-16-26-37.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang mapagbigay, pero kapag paulit-ulit na nagdidilehensiya, hindi maganda na muling pagbigyan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-19-22-28-33-36.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ililigaw ka ngayon ng mga mata mo. Ang mga nakakaakit ay iyong mapapansin kung saan sasaya ka, pero sa huli, hindi pala maganda ang epekto nito sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-27-29-32-43.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi lang gaganda ang buhay mo kundi gaganda rin ang buhay ng mga mahal mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-10-13-25-35-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa mga mapagkunwaring mabuti sa iyo. Paano mo malalaman kung sino? Kapag ang kabutihan na ipinakikita sa iyo ay may kapalit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-18-22-26-38-45.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tatanggap ka ngayon ng munting suwerte na kapag iyong pinarami ay sobra sa sapat para sa pangangailangan mo at para guminhawa na ang iyong buhay. Dahil dito, palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-15- 21-29-33-42.












 
 
RECOMMENDED
bottom of page