top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 29, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 29, 2025 (Sabado): Kakaiba ang iyong personalidad dahil punumpuno ka ng kabaitan. Isa ka sa mga nilalang na habambuhay mamahalin at pagpapalain ng langit. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mababa ang loob mo ngayon. Madali kang maaawa kahit sa nagkukunwari lang na nakakaawa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-24-28-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ituloy mo lang ang gusto mong gawin kahit pa nakakontra ang ilan sa paligid mo. Hindi naman nila nalalaman kung ano talaga ang mga pinagdaraanan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-15-29-31-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Bigyan mo ng konsiderasyon ang mga nasa ibaba at mahihina. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-26-32-38-42.


CANCER (June 21-July 22) - Dumating muli ang mga araw na kung kailan ay masuwerte ka, na kung kailan ay ‘di ka na matatalo ng mga lihim at lantad mong mga kaaway. Masuwerteng kulay-mocha brown. Tips sa lotto-2-14-22-27-31-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Bubuwenasin ka kapag walang problema ang buhay pag-ibig mo. Kaya ayusin mo na ngayon ang anumang hindi pagkakaunawaan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-21-28-36-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang piliin mo. ‘Wag ka nang mag-aksaya pa ng oras sa kaiisip kung paano matatapos ang isang proyekto. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-10-16-25-30-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw para mas pagandahin pa ang inyong relasyon. Ang magkasamang paglalakwatsa ay inirerekomenda rin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-23-26-34-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hayaan mo lang ang dikit nang dikit sa iyo. Hindi niya mamamalayan na ang ibang suwerte niya ay malilipat sa iyo. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran mo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-15-22-27-38-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi puwedeng tuluy-tuloy lang sa pagtatrabaho. Isingit mo ang pahinga kahit sandali lang. Sa pamamahinga, mananariwa ang katawan at kaisipan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-26-34-39-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gumagaan ang gawain kapag may karamay. Napakahirap magtrabaho kapag sa buhay pag-ibig ay problemado ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-17-20-28-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang gusto ng mahal mo, pagbigyan mo, dahil sa totoo lang, dahil sa kanya ay sinusuwerte ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-19-21-29-32-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Itapon mo ang hindi magandang katangian mo upang umasenso ang buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-14-23-30-44.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 28, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 28, 2025 (Biyernes): Isinilang kang masuwerte. Dala mo ang magagandang kapalaran para sa lahat ng madidikit sa iyo. Para magtuluy-tuloy ang maganda mong kapalaran, mas mainam kung ibabahagi mo rin ito sa mga kapus-palad.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makakaasa ka na sa pagkilos ng iyong kapalaran, ang resulta ay mas gaganda pa kesa sa kasalukuyan mong kalagayan. Magpasalamat ka lagi sa Itaas upang lalo pang gumanda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-9-17-26-28-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakita ng langit na parang tatalunin ka ng kawalang pag-asa. Kaya padadalhan ka Niya ng magagandang kapalaran upang muling mabuhay ang ningas ng iyong kasiglahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-21-25-30-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Masaganang buhay ang dulo ng landas na iyong nilalakaran. Kaya magpatuloy ka lang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-24-26-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Biglang dadapo sa iyo ang magandang kapalaran. Ikaw na mahiyain at mahina ang loob ay makikitang agresibung-agresibo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-13-20-28-36-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi masasayang ang mga sakripisyo mo dahil makikita mong hindi rin sinasayang ng iyong tinulungan ang kanyang mga tinatamasang masarap na buhay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-18-22-31-37-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ngayon ang magpapasaya sa mga taong dikit na dikit sa iyo. Kaya naman, mas lalo kang pagpapalain ng langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-16-26-32-39-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sarili mo ang kalaban mo ngayon. Dahil ang pangako mong lilimitahan mo na ang paggastos ay malabong mangyari at malabong matupad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-24-27-33-38-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sabay na tutunog ang masaya at malungkot na musika, ngunit mas maaakit ang tenga mo dahil maalala mo ang minsang minahal mo nang sobra-sobra. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-15-26-31-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mula sa munting puhunan, puwede kang yumaman. Ibig sabihin, huwag mong pangarapin ang malaking panimulang puhunan dahil muli, tandaan mo, sa maliit ka yayaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-22-32-37-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli mong mararanasan na kahit wala ka namang ginawang anuman ay magkakaroon ka pa rin ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-20-29-34-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magpasalamat ka sa mga pintas nang pintas sa iyo, dahil sa kanila mas lalo mong pinagaganda ang iyong personalidad. Sa totoo lang, minsan kapag walang namimintas, hindi nagbabago ang isang tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-16-19-26-39-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan ka masaya, roon ka. Dahil kapag malungkot ka, puwedeng bumalik ang dati mong mga karamdaman. Muli, kung saan ka masaya, roon ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-24-30-36-41.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 27, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 27, 2025 (Huwebes): Ginagabayan ka ni Marte, isa sa mga astrological planets na nasa kapalaran mo. Masayang ibinabalita sa iyo na ang panalo sa bawat hamon ng kapalaran ay regalo sa iyo ni Marte upang ito ay mapagwagian mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Noon pa nagpasya ang langit para sa maganda mong buhay. Masuwerteng kulay–pink. Tips sa lotto-3-11-26-36-38-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Yuyuko sa iyo ang mga karibal mo kapag nagpakita ka ng tapang. Alam nilang sila’y mahina sa mga araw na ito, kaya sila na rin mismo ang iiwas sa iyo. Masuwerteng kulay–beige. Tips sa lotto-9-14-23-30-32-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Kakaibang sigla ang madarama mo, ito ay isang hiwaga ng kapalaran na kaya ka sisigla ay dahil lihim kang inuutusan ng langit na sugurin, abutin at puntahan ang malalaking pangarap mo. Masuwerteng kulay–blue. Tips sa lotto-7-19-25-35-37-42.


CANCER (June 21-July 22) - Ituloy mo lang ang mga plano mo at huwag kang papaawat sa mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay–black. Tips sa lotto-3-12-23-26-34-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka ngayon. Ang panalo ay para lang sa malalakas at ang pagkatalo ay para naman sa mahihina. Muli, malakas ka ngayon at ang panalo ay para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay–violet. Tips sa lotto-1-18-20-24-29-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawat sugod ay dapat bukas ang isip mo, ito ang sikreto upang makaiwas ka sa mga hindi inaasahang kabiguan. Muli, dapat bukas ang isip mo. Masuwerteng kulay–peach. Tips sa lotto-5-13-26-28-38-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hihinto ang ikot ng iyong mundo dahil sa taong magbibigay sa iyo ng kalituhan. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay–red. Tips sa lotto-6-17-21-25-27-31.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bigla kang sasaya dahil makikita mo na ang mga pangyayaring tila sadyang nakikiisa sa mga plano mo. Masuwerteng kulay–orange. Tips sa lotto-2-18-25-28-37-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawakan mo ang mga pinaninindigan mo. May magtatangkang sirain ang diskarte mo sa pamamagitan ng magagandang ideya, ‘wag kang maniniwala sa kanila, dahil mali lahat iyon. Masuwerteng kulay–white. Tips sa lotto-3-11-23-29-38-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan ka madadalian, iyon ang piliin mo. Ito ang sikreto ng kapalaran na hindi mo kailangan mamuhunan ng hirap para lang makuha mo ang gusto mo. Masuwerteng kulay–green. Tips sa lotto-7-15-20-24-27-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumabas ka sa isang sitwasyon na nahihirapan kang magdesisyon. Mas maganda kung manahimik ka na lang at lumayo sa mga taong nagpupumilit. Masuwerteng kulay–yellow. Tips sa lotto-4-11-13-22-29-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na kapag nagkaroon ka ng lakas ng loob kahit konti lang, makukuha mo na ang gusto mo. Hindi naman mahirap sundin ang nasabing payo, dahil muli, kahit konting lakas ng loob lang. Masuwerteng kulay–purple. Tips sa lotto-6-14-23-38-39-44.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page