top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 5, 2022


ree

Umabot sa 32 PUV drivers at operators ang hinuli ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa paglabag sa minimum health standards laban sa COVID-19 sa unang araw ng pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Metro Manila.


Ayon sa LTO, isinagawa ang mga operasyon noong Lunes sa Caloocan, Malabon, Pasay, Maynila, at Parañaque. Ito ay bilang babala sa mga drayber at operator na hindi pa rin sumusunod sa mga guidelines na inilabas ng transportation department.


Ang mga nahuli ay inisyuhan ng show-cause order.


Kalimitan sa mga ito ay lumabag sa 70% capacity limit.


Daing naman ng ilang drivers, nahirapan silang pigilan ang bugso ng mga pasahero, lalo na kapag rush hour. 


Samantala, nagbabala na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na ang hindi pagsunod ay paglabag sa franchise conditions at maaaring maging dahilan ng pagsuspinde sa prangkisa.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 8, 2021


ree

Kailangan pa ring sumailalim sa periodic medical exams ng mga holder ng driver’s license na mayroong 5 o 10 taon na validity, ayon kay Land Transportation Office chief Assistant Secretary Edgar Galvante.


Ito ay upang matiyak umano na fit to drive pa rin ang mga motorista makalipas ang ilang taon nang makuha nila ang kanilang lisensiya.


Para sa mga may lisensiyang may 5 year-validity, maaaring magpa-medical exam tatlong taon matapos ma-issue ang lisensiya.


Para naman sa mga lisensiyang may 10-year validity, maaaring gawin ang medical exam sa 3rd, 5th, at 7th year.


Giit ni Galvante, ang pamamaraan na ito ay para na rin sa kaligtasan hindi lamang ng mga motorista kundi maging ang kanilang mga sakay na pasahero.

 
 

ni Lolet Abania | November 3, 2021


ree

Inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na sisimulan na sa lahat ng opisina ng Land Transportation Office (LTO) sa buong bansa ang pag-iisyu ng driver’s license na mayroong 10-taon validity sa Disyembre.


Noong Oktubre 28, ang LTO licensing office na matatagpuan sa East Avenue, Quezon City ay nagsimula na ng pag-iisyu ng naturang lisensiya.


Ayon sa Pangulo, ang iba pang opisina ng LTO sa Metro Manila ay uumpisahan naman ang proyekto ngayong buwan, kasunod nito ang lahat ng iba pang rehiyon.


“By December 2021, the LTO commits that all its offices nationwide will be issuing licenses with a 10-year validity,” ani Pangulong Duterte sa pre-recorded address na ipinalabas ngayong Miyerkules ng umaga.


Sa ilalim ng Republic Act 10930 na nilagdaan ni P-Duterte noong 2017 ay nakasaad, “any holder of a professional or nonprofessional driver’s license who has not committed any violation of Republic Act 4136 and other traffic laws, rules and regulations during the five-year period shall be entitled to a renewal of such license for 10 years, subject to the restrictions as may be imposed by the LTO.”


Samantala, ini-require ng LTO sa mga renewal applicants na sumailalim sa isang tinatawag na comprehensive driver’s exam.


Ang eksaminasyon ay maaaring gawin ng face-to-face o online sa portal.lto.gov.ph.

Unang ipinatupad ang proyekto sa Quezon City, habang isasagawa ito sa iba pang lugar ngayong Nobyembre 3.


Paliwanag naman ni LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante, ang mandatory Comprehensive Driver’s Education Program (CDEP) ay hindi magdudulot ng anumang tinatawag na “undue delay” at “hardship” para sa mga indibidwal na magre-renew ng driver’s license dahil aniya, “this is free and readily available through multiple channels.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page