top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 20, 2023





Bukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagbibigay ng limang taong prangkisa sa mga operator ng jeepney bilang bahagi ng kanilang negosasyon sa transport group na nagsasagawa ng tigil-pasada, ayon sa kanilang pahayag ngayong Lunes.


Sa kasalukuyan, nag-aalok ang LTFRB ng isang-taong provisional authority para sa mga jeepney alinsunod sa programang modernisasyon.


Sa Disyembre 31, 2023 ang takdang petsa para sa proseso ng pagpapatibay ng modernisasyon sa mga Public Utility Vehicles (PUV).


“But the moment na sumama na sila modernization program, pupuwede naman po naming ibigay iyong five years na hinihingi nila,” pahayag ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III.



Sinabi ni Guadiz na nagtakda ang PISTON ng pulong kasama ang LTFRB sa ganap na alas-tres ng hapon ngayong Lunes.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 21, 2023



Kinondena ng Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON), ang posibleng parusang ipapataw sa mga jeepney driver na sumali sa protesta nitong Lunes, Oktubre 16.


Ayon sa PISTON, karapatan ng mga jeepney driver na ipahayag ang kanilang mga hinaing at mapakinggan.


"Sa halip na pakinggan at tugunan ang mga hinaing ng mga driver at operator tungkol sa kung bakit nauuwi sa welga, waring nais ng gobyerno na atakehin ang kabuhayan at karapatan ng mga manggagawa," pahayag ng PISTON.


Dagdag ng samahan, nasa batas na legal ang mga protesta sa ilalim ng International Labour Organization (ILO) Convention 87 na saklaw ang Pilipinas at ang mga manggagawa.


Una nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na iimbestigahan ang mga drayber na nakiisa sa protesta laban sa PUV modernization program ng pamahalaan.



 
 

ni Jenny Rose Albason @News | October 9, 2023




Magbabalik ang Libreng Sakay para sa EDSA Bus Carousel at mga jeepney ngayong Nobyembre hanggang sa katapusan ng taon.


Ayon kay LTFRB Chair Teofilo Guadiz III, inaprubahan na ang joint circular para sa pagpapalabas ng P1.3 bilyong pondo para sa service contracting program.


At kung dati aniya ay sa mga bus sa EDSA Carousel lamang ang "Libreng Sakay", ngayon ay kasama na ang mga jeepney. “Ang hinahabol namin ngayong November [at] December, yun po ang maagang pamaskong handog ng LTFRB,” ani Guadiz.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page