top of page
Search

by PCSO - @Brand Zone | December 3, 2021


May masuwerte na namang nanalo! Ano pa ang hinihintay mo, baka ikaw na ang next na maging milyonaryo!



Philippine Charity Sweepstakes Office

Punta na sa pinakamalapit na lotto outlet sa inyong lugar at tayaan na ang iyong lucky numbers!



Para sa iba pang mga impormasyon, bisitahin lamang ang: https://www.pcso.gov.ph


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 30, 2021



Napanalunan ng nag-iisang mananaya ang mahigit P162 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55  draw nitong Lunes ng gabi, Nobyembre 29, 2021.


Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na isang mananaya lang ang nakakuha ng winning combination sa naturang draw na 29-42-12-41-01-35.


Ang kabuuang premyo ay umabot sa P162,347,069.60.


Matatandaang nitong nakaraang Biyernes, isang mananaya lang din ang nanalo ng mahigit P378 milyon sa Ultra Lotto 6/58 draw.


Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong Megalotto 6/45 draw nitong Lunes.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 27, 2021



Napanalunan ng isang mananaya mula Calapan City, Oriental Mindoro ang mahigit P378 milyong premyo sa Ultra Lotto 6/58 nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 26, 2021.


Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakapaskil ang lumabas na kombinasyon na mga numero: 20-17-12-29-10-46.


Umabot sa P378,750,791.20 ang kabuuang premyo.


Wala namang nanalo sa kasabay nitong Megalotto 6/45 draw na ang kombinasyon na lumabas ay 20-23-15-28-43-12, at may premyong P47,588,952.00.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page