- BULGAR
- Dec 3, 2023
ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 3, 2023

Patuloy ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa pagtukoy ng mga aftershocks matapos ang lindol na may lakas na 7.4 na yumanig sa Hinatuan, Surigao del Sur, noong Sabado ng gabi, Disyembre 2.
Naitala ng Phivolcs ang 659 na aftershocks, at 122 dito ang natukoy ng tatlong o higit pang istasyon, hanggang kaninang 10 ng umaga ngayong Linggo.
Pito sa mga ito ang naramdaman, at may magnitude 6.2 ang pinakamalakas.
Binalaan ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol ang publiko na maaaring magpatuloy ang aftershocks dahil sa 7.4-magnitude na lindol sa mga susunod na "ilang araw hanggang ilang linggo," ngunit sa paglipas ng panahon, mababawasan din ang kanilang bilang at lakas.
Dagdag pa niya na maaaring hindi na magdulot ng tsunami ang mga aftershocks dahil may mas mababang lakas na ang mga ito.






