top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 6, 2025



Photo: Yasmien Kurdi - IG



Sa social media post ng aktres na si Yasmien Kurdi ay nagbahagi siya ng larawan suot ang pulang gown na bagay na bagay sa kanya. Walang makapagsasabi na ‘yung gown ay 21 taon nang nakatago sa baul ni Yasmien, at ito rin ang gown na suot niya noong StarStruck’s Judgement Night.


Si Yasmien ay ipinanganak noong January 25, 1989. Siya ay 36 years old na, at ‘yung mahiwagang gown na suot niya 21 taon na ang nakararaan, ibig sabihin lang ay 15 years old pa lang si Yasmien noong una niyang isuot.


Infernes (read: in fairness) kay Yasmien, ang ganda pa rin ng gown na buong-puso niyang ipinagmalaki na kahit hindi na bago ay pak na pak pa rin sa kanya at mas lalong nakita ang hugis ng katawan nito at ‘di mo maiisip na may dalawa na siyang anak—sina Ayesha Zara at Raya Layla.


Saad ni Yasmien sa post niya, “Do you remember this gown? (teary-eyed face emoji) This is the very same gown I wore during StarStruck’s Judgement Night 21 years ago! You might even catch a glimpse of it in the opening and closing scenes of GMA’s Station ID on TV.

“For GMA’s 75th Anniversary, I wanted to do something meaningful, a quiet tribute to everything this network has given me. That’s why I went back to the one and only Sir JC Buendia to have this gown upcycled. It was such a warm and nostalgic moment catching up with him after so many years. Ang galing ng ginawa n’yo sa gown… akala ko forever na siya sa cabinet ko (laughing face emoji). Magagamit ko pala ulit. Hello Kuya Sander Andan, StarStruck’s head stylist… thank you for introducing us to JC Buendia (red heart emoji)

“Big thanks to my stylist Gabby Wu for making it all work even with my super last-minute prep (alam mo na, sobrang busy! (sweating smiling face emoji). Side note: naiwan ko 'yung bracelet… dapat may bangle pa 'yan! (peace hand sign emoji)


“I had the best time at the Gala reconnecting with old friends who truly feel like family.

Happy 75th, GMA! (red heart) Here’s to many more years of storytelling and memories (toasting glasses emoji).”


Dagdag pa ni Yasmien, “Usually, I skip eating at the #GMAGala kasi ‘di ako makaupo sa seat ko, busy sa chikahan at ayokong mapunit ang gown ko! But this year, I said bahala na si gown, time for a different kind of Gala… FOOD TRIP mode ON! And wow, ang sarap ng lahat!

GMA Gala 2025 Menu (Shrimp icon emoji) Sustainable Tiger Prawns with saffron & lemon tomato veil (Mushroom and tea icon emoji) Porcini Mushroom Consommé + Blue Pea Flower Tea (Steak icon emoji) Beef Tenderloin au Poivre with corn purée & scalloped potatoes (Rose icon emoji) Rose Garden dessert na parang pang-fairytale: lychee mousse, mango jelly, and candied rose petals!


“A girl’s gotta eat. Happy 75th, @gmanetwork! #GMAGala2025.”


Bongga ka d’yan, Yasmien! Sa galing mong mag-alaga ng mga damit mo, puwedeng-puwede pang gamitin ng anak mo o ng magiging apo mo. 



BALIK-CONCERT ang the one and only Fiery Soul Torch Diva at aktres na si Malu Barry.


Siniguro ng singer na si Malu na nakapagpahinga siya nang husto bago maganap ang concert para handang-handa siya sa pagkanta.


Kagagaling lang ni Malu sa Stage 3 cancer, at sa awa ng Panginoong Diyos ay napagaling siya sa malubhang sakit.


Wala nang sinasayang na panahon si Malu, kaya naman balik-concert siya at ang title ng concert niya ay One & Only Ms. Malu Barry with special guest Martin Lina, this coming August 20, 2025, at 8:30 ng gabi na gaganapin sa Janealo Bay Café sa Roxas Blvd. cor. South Drive, Manila, in front of Rizal Park Hotel.


Nagpapasalamat din si Malu kina Mayor Sammy Co, Mrs. Ilang-Ilang Co, Aficionado, VRM, K-Bar, at sa magagaling na OOTD hosts na sina Jobert Sucaldito at Direk Chaps Manansala.


Bilib pa rin si yours truly sa boses ni Malu na kahit na dumaan sa malubhang sakit ay hindi nagbago ang galing sa pagkanta. Good luck, my friendship, Malu Barry.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 20, 2025



Photo: Sunshine Cruz - IG


Nagdiwang ng kaarawan ang aktres na si Sunshine Cruz noong nakaraang July 18, 2025. Nagbahagi ang magandang aktres ng larawan na nagpapakita kung gaano pa siya kaganda at ka-sexy sa edad na 48.


Kung titingnan si Sunshine ay mukha lang siyang 28 at hindi 48 dahil sa ganda ng mukha at katawan nito.


Saad ni Sunshine sa post niya, “48 today! (red heart & folded hands emoji).

“I’m incredibly grateful for another year. My heart is full thanks to the unwavering love and support of those around me.”


Napakarami ng mga artistang bumati kay Sunshine, tulad nina Ara Mina, Vina Morales, Arlene Muhlach, Yana Concepcion. Bumati rin ang mga pinsan niyang sina Rodjun Cruz at Geneva Cruz.


Sabi nga ni Geneva sa comment section ng post ni Sunshine ay “48 going on 28! Love you, cous (cousin)! Happy Birthday!”


Sabi naman ni Vina Morales ay “Ang ganda n’yang babaeng ‘yan. B-day girl, wishing you good health and more blessings. Love you, Sis.”


Happy birthday, Sunshine! Kantahan na nga lang natin si birthday girl ng… “You are my sunshine, my only sunshine, you make me happy, when skies are gray. You'll never know, dear, how much I love you. Please don't take my sunshine away…”

Pak, ganern!


Kaya naman, parang naka-mega jackpot sa lotto itong si Atong Ang sa kanyang pretty and sexy dyowa.


Kumain lang sa noodle house, nag-concert na…

ROBIN, NAKIPAG-JAMMING SA MGA TAGA-BRUNEI NG OPM SONGS


SA social media post ng aktres at TV host na si Mariel Rodriguez ay nagbahagi siya ng video clip noong nakaraang adventure nila sa Brunei ng kanyang pamilya.


Makikita sa video ang saya ng senador at aktor na si Robin Padilla at ng asawa nitong si Mariel sa pakikipaglaro sa mga anak nila.


Sigurado si yours truly na hindi makakalimutan ng mga anak nina Senator Robin at Mariel ang mga masasayang moments nila kasama ang butihing ama at ina.


Kuwento nga ni Mariel sa post niya, “On our last Brunei adventure, hindi lang food trip ang nangyari dahil may pa-mini-concert din si Robin along the way! (smiling face with smiling eyes emoji).


“Unang stop: kumain kami sa sikat na beef noodle soup place na Soto Pabo, and guess what? Some locals knew a Tagalog song kaya nakipag-jam si Robin on the spot! (microphone emoji & musical notes emoji).


“Next, we explored Jerudong Park Playground, and sobrang surprising lang because almost empty ang place except us kaya parang private theme park experience ang feel namin this time!


"And to cap off the day, habang nagdi-dinner kami ay biglang tumugtog na naman ng another Tagalog song… pero this time, boses ni Robin ang narinig namin! (face screaming in shock & fire emoji).


“Grabe, from Manila to Brunei, umabot na talaga kung saan-saan ang OPM! (CD & globe showing Asia-Australia emoji).”


Ang suwerte ng mga anak nina Robin at Mariel, meron silang mapagmahal na mga magulang. Hindi importante ang mga material na bagay sa kanilang pamilya, mas importante ang panahon at oras na ibinigay nila sa mga anak nila. 

Bongga kayo d’yan, Sen. Robin Padilla at Mariel Rodriguez.



 
 

ni Mabel Vieron @Life, Love and Relationship | June 8, 2024



Kuwento ng Buhay at Pag-Ibig

Minsan, may mga taong dumarating sa buhay natin para mahalin, pero hindi para makasama habambuhay. Ouch, ‘di ba? Pero aminin mo, relate ka ‘no?


Nakilala mo siya sa pinaka-unexpected na panahon. Isang simpleng chat, isang random na comment sa post mo, o ‘di kaya’y isang tinginan sa gitna ng crowd na parang sinadya ng langit. Subalit bakit parang laging may hadlang?


Bakit parang lahat na lang ng signs, nagsasabing hindi kayo sa dulo?


Ang sakit, besh. Kasi kahit ano’ng pilit mong isalba, may mga relasyong sadyang hindi itinadhana—kahit pa pinagdikit na kayo ng pagkakataon.‘Ika nga nila, “Pinagtagpo pero hindi itinadhana” ang isa sa pinakamasakit na love story. Yung akala mo siya na, pero hindi pala. ‘Yung binuhos mo lahat ng oras, effort, pagmamahal, pero sa huli, wala ka ring napala kundi luha at tanong na, “Bakit hindi naging kami?”


Pero don’t worry, besh. Hindi ka nag-iisa. At para mas maintindihan mo pa ang mga “bakit” ng puso mo, narito ang 5 dahilan kung bakit may mga taong kahit gaano mo pa kamahal, ay hindi mo rin makakatuluyan.


  1. TUTOL ANG PAMILYA. Ipagpalagay nating mayaman ang pamilya nila, samantalang simpleng pamumuhay lamang ang meron kayo. Kadalasan, estado sa buhay ang pinakamalaking hadlang kaya hindi nagkakatuluyan ang dalawang nagmamahalan. 

‘Yung tipong, mamatain ka ng buong angkan niya to the point na sila pa mismo ang magpe-pressure sa iyo. So, beshie, what if, offer-an ka ng mga magulang niya ng P1M para lamang lubayan ang anak nila, tatanggapin mo ba?

  1. HINDI PA READY MAG-COMMIT. ‘Yung tipong same vibes kayo at aminado kayong pareho n’yong gusto ang isa’t isa, subalit hindi puwedeng maging kayo, sapagkat hindi pa siya handang pumasok sa panibagong relasyon. Aniya, self-love raw muna. Kunsabagay, paano niya mamahalin ang iba, kung mismong sarili niya ay hindi niya alam kung paano mahalin? Ipagpalagay nating sumugal nga siya sa relasyong hindi pa siya handa, ang ending ay magsusumbatan at mag-aaway lamang kayo hanggang mauwi sa hiwalayan.

  2. HINDI PA NAKAKA-MOVE ON SA EX. Kahit pa sabihing ex na ‘yun, ano’ng laban mo kung mas matagal ang pinagsamahan nila? Hindi ka naman siguro masokista para pumayag maging panakip-butas, ‘di ba? Siguro nga, may taong pinagtagpo lamang para i-comfort ang isa’t isa. 

  3. MAY DYOWA O ASAWA NA SIYA. ‘Yung akala mo, single kaya agad mo siyang pinatulan, pero kalaunan ay nalaman mong may sabit pala siya at muntik ka pang maging kabet. Naku, beshie, ‘wag mong i-romanticize ang salitang, “You and I against the world,” sapagkat hindi mo deserve maging third party. Siguro, may mga taong pinagtagpo para magkaroon ng thrill ang boring nilang love life, pero hindi para makuntento sa kung ano lamang ang puwede nitong ibigay sa ‘yo

  4. MAY IBANG NABUNTIS. Kapag alam mong may batang involve, sumuko ka na. Huwag kang magpamanipula sa sasabihin niyang, “Paninindigan ko lang ‘yung bata, pero ikaw pa rin ang mahal ko.” Sapagkat kung talagang mahal ka niya ay hindi siya mambubuntis ng iba. Isipin mo na lamang na kung ipagpapatuloy n’yo ang inyong relasyon ay may isa na namang inosenteng sanggol ang madadagdag sa listahan ng mga broken family. Sabihin n’yo mang, “True love conquers all,” ngunit may mga tao talagang pinagtagpo lang, pero hindi itinadhana. Huwag mong ipilit kung hindi puwede lalo’t may batang involve.


Ngayong alam mo na ang ilang struggles na pinagdaraanan ng bawat nagmamahal— ang tanong, gugustuhin mo pa rin kayang ma-in love?Kaya bes, kung nasaktan ka man, okey lang ‘yan! Hindi ka nag-iisa. Minsan, hindi sapat ang pagmamahal lang. Minsan, kahit gaano mo pa siya kamahal, may mga puwersang mas malakas pa sa “kayo.


”At kung dumating man ang panahong mapagtanto mong hindi talaga kayo itinadhana, huwag mong ikahiya o ikalungkot. Isipin mo na lang, baka may mas magandang plot twist pa sa’yo si Lord. ‘Yung tipo ng pag-ibig na hindi mo kailangang ipaglaban araw-araw, dahil kusa kayong ipaglalaban ng tadhana para sa isa’t isa.Love smart, bes.


Huwag lang puso, gamitin din ang utak. ‘Wag mong hayaang masayang ang luha mo sa taong hindi naman kayang pahalagahan ang lahat ng ibinuhos mong pagmamahal.Sa huli, tandaan n’yo na may mga taong dadaan lang para turuan tayong magmahal ng tama, pero hindi ibig sabihin nu’n ay sila na ang para sa atin. 


At huwag kayong mag-alala, dahil tiyak na may darating pa na mas deserving, ‘yung hindi mo na kailangang habulin, kasi siya mismo ang mananatili. Oki?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page