top of page
Search

by Info @Brand Zone | Sep. 25, 2024



Photo

Maglulunsad ng Aklat ng Bayan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa 26 Setyembre 2024, 10:00 nu–12:00 nt sa Bulwagang Romualdez, 2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye Jose P. Laurel, San Miguel, Lungsod Maynila.


Kabílang sa mga aklat na ilulunsad ay ang Bokabularyong Traylingguwal: English-Hiligaynon-Filipino, leksikograpo, Agnes Dimzon at editor, Alain Dimzon; Tandang Bato: Ang mga Manunulat sa aking Panahon, awtor, Efren R. Abueg; Pagdiriwang sa Haraya: Ang Panulaan at mga Aklat ng Impormasyon para sa mga Bata, awtor, Eugene Y. Evasco; Mga Meditasyon hinggil sa Unang Pilosopiya, awtor, René Descartes, tagasalin, Emmanuel C. de Leon; Ang Berdugo at mga Piling Kuwento, awtor, Honoré de Balzac, tagasalin, Aileen V. Sicat; Margosatubig, awtor, Ramon L. Muzones, tagasalin, Agnes Dimzon; Kalipunan ng mga Akdang Dulang Mindanawon, mga awtor: Felimon B. Blanco, Rene V. Carbayas, Arthur P. Casanova, Angelito G. Flores, Arnel M. Mordoquio, Sunnie C. Noel, at Pepito P. Sumayan, editor: Arthur P. Casanova; Maka-Pilipinong Pananaw: Mga Lapit sa Pagtuturo ng Panitikan, editor, Alvin B. Yapan.


Ang paglalathala ng mga publikasyon ay isang paraan ng pagtatanghal sa kapasidad ng wikang Filipino bílang wika ng malikhain at intelektuwal na gawain. Isang paraan ito ng pag-iimbak ng karunungan sa iba’t ibang disiplina na Filipino ang wika sa pagsulat at saliksik.


Para sa iba pang detalye, tanong at paglilinaw, maáaring makipag-ugnayan sa Sangay ng Impormasyon at Publikasyon (SIP) sa email na publikasyon@kwf.gov.ph.



 
 

Ni Eli San Miguel @Lifestyle | Sep. 24, 2024



Michelle Dee IG

Naipresenta at nai-donate na ni Michelle Dee ang kanyang Miss Universe Voice for Change award sa Autism Society of the Philippines (ASP). Matapos ang mga pagkaantala, iniabot na ni Michelle ang tseke na nagkakahalaga ng P684,000 sa organisasyon.


Sa kanyang Instagram Reel, malalaman na ipinagkaloob ito sa kanilang monthly Artismo event, kung saan tampok ang mga artist na nasa autism spectrum. “A Voice For Change for the voices that matter. #Filipinas! We did it,” ani Michelle sa caption.


“It was my privilege to (finally) present the Voice For Change award to @autismphils after our nationwide upward battle to win this special award. Alam natin yan,” dagdag pa niya.


Ayon pa sa aktres at beauty queen, ang pondo mula sa award ay ilalaan para sa ASP’s #AutismWorks program na naglalayong magbigay ng full-time employment o mga oportunidad para sa mga may autism. Ipinaliwanag niya rin na sumusunod ang programang ito sa 17 Sustainability Development Goals ng United Nations para sa Economic Empowerment ng mga indibidwal na nasa autism spectrum.


“At the time of my VFC presentation, we have employed and provided training to over 300+ individuals and we believe this number can grow exponentially,” ani Michelle. “With the #bayanihan spirit - anything is possible. Maraming salamat!!! LABAN LANG #deepatapos,” pagwawakas niya sa post. Nagbibigay ang Voice for Change award ng $12,000 sa bawat gold medal winner at kanilang charity.


Sa Miss Universe 2023, napanalunan ni Michelle Dee ang naturang award, kasama sina Miss Angola at Miss Puerto Rico. Noong Setyembre, binanggit niya sa Instagram na siya ay naghihintay pa rin para sa award. Matatandaang nakatuon ang Miss Universe advocacy ni Michelle sa autism awareness, at ang kanyang national costume ay nagbibigay-pugay sa kanyang dalawang kapatid na nasa autism spectrum.





 
 

ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 17, 2024



Showbiz News

Anytime now ay manganganak na si Ria Atayde kaya naman excited na ang soon-to-be grandma na si Sylvia Sanchez a.k.a. Ibyang. Unang apo ito ng mag-asawang Sylvia at Papa Art Atayde.


Ibinahagi ni Ibyang ang kanyang kasiyahan dahil malapit nang manganak ang anak niyang si Ria sa first baby nito at ng mister na si Zanjoe Marudo.


Ayon kay Sylvia, araw-araw niyang tinatanong ang anak kung malapit nang lumabas ang kanyang apo. Bumili na ng baby shoes ang excited na lola bilang regalo sa kanyang unang apo.


June nang inanunsiyo ng aktres ang kanyang pagbubuntis ng baby boy.

Ang lagi niyang tanong sa anak, “Buntis, lalabas na ba ang little boss ko?”


Sabi naman daw ni Ria ay magpahinga at maghintay dahil malapit na ngang lumabas ang kanyang baby.


Super happy din ang beteranang aktres kung paano alagaan ni Zanjoe ang kanilang anak.


“Excited ‘yung dalawa. Happy ako 'pag nakikita ko sila. Sobrang alaga s’ya ni Zanjoe. Nakikita ko ‘yung pagmamahal na sobra ni Z kay Ria, kaya happy na ako,” pahayag ng aktres. 


Kuwento pa ni Ibyang, may binili siyang sapatos ng apo nu'ng nagpunta sila sa France para dumalo sa Cannes Film Festival.


“Meron akong binili na sapatos sa Cannes three years ago. Dalawa, kasi maganda s’ya. Kung sino ‘yung una kong magiging apo, pagbili ko, sabi ko ‘Ay, wala pa akong apo.’ Pero nu’ng nakita ko, ang ganda, wala sa Pilipinas. 'Pero sige, bibilhin kita. Mapupunta ito sa una kong apo,’” aniya.


And the winner is sa kanyang unang pamana ay… apo ni Sylvia Sanchez kina Zanjoe Marudo & Ria Atayde.



Manang-mana sa padir… 

5-YR.-OLD NA ANAK NINA ANDI AT PHILMAR, JOIN NA SA SURFING COMPETITION 


Andi at Philmar at Lilo

Ibinida ni Philmar Alipayo ang unang surfing competition na sasalihan ng anak nila ni Andi Eigenmann na si Lilo. Naka-flex ang larawan ng 5-year-old na anak na babae kung saan may hawak na surfboard ang bagets.


Ayon kay Philmar, first surfing competition ito ng anak at very proud at happy father siya para rito.


Si Philmar ay isang surfing champion at member ng Philippine National team.

Ani Philmar, “Her first competition. Super happy and proud of you baba @happyislanders.surfclub.


“1st Pacifico National Surfing Competition 2024.”


Na-amuse ang mga netizens. Sey nila…


“The cutest competitor we have ever seen.”


“Lilo is a pro already, the way she carries herself and looks at that, she carries her own board. Keep up the great work, Lilo’s dad and mom.”


“Your amazing baby has impressive abilities for such a young age and can surf nicely.”

“Future Champ!”



IFINLEX ni Kris Bernal ang 1st birthday party ng anak na si Hailee na isang arcade-themed na napaka-colorful.


“Hailee’s, @haileelucca, arcade-themed birthday (video game emoji).”


Ang mensahe ni Kris sa kanilang anak ni Perry Choi, “Happy 1st birthday, my sweet girl.

You are the light of our lives, and we are so grateful to have you as our daughter.” 

Bongga!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page