ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Oct. 23, 2024

Kumusta, ka-Iskulmate? Knows namin na karamihan sa inyo ay isang working student. Alam din naming hindi biro ang inyong role sa buhay—kailangan mong balansehin ang oras at energy para sa trabaho, pag-aaral, at personal na buhay.
Pero hindi ibig sabihin nito ay kailangan na lagi kang pagod at stressed! Sa tamang diskarte at kaunting creativity, kayang-kaya mong makuha ang best of both worlds: ang pagiging successful na estudyante at employee.
Kung iniisip mong mahirap mag-juggle ng mga responsibilidad, don’t worry dahil narito ang ilang tips na makakatulong para mas maging maayos at masaya ang iyong journey bilang working student! Gusto mo ba malaman ang sikreto? Tara’t alamin natin!
MASTER ANG ART NG TIME MANAGEMENT. Hindi ito tungkol sa dami ng oras kundi sa kung paano mo ito ginagamit. Isang magandang hack, gumamit ng planner o app para isulat ang schedule mo. Iwasan ang procrastination dahil isang Netflix episode lang ang katumbas ng isang oras na dapat inaral mo na. Remember, ‘time is gold,’ lalo na’t hinahati mo ito sa pag-aaral at trabaho!
MATUTONG MAG-MULTITASK—PERO ‘WAG SOBRA. Sabi nga nila, “multi-tasking is the key,” pero ‘wag naman sabay-sabay! Tandaan n’yo na ‘wag magsakripisyo ng kalidad para lang masabing multitasking expert ka.
BUDGET-FRIENDLY MEALS PARA SA SIKSIK NA SCHEDULE. Hindi porke busy ka, dapat instant noodles na lang lagi ang pagkain mo. Magdala ng baon para makatipid.
Pro-tip: Maghanda ng mga quick, healthy meals tulad ng sandwiches o salads na hindi masyadong komplikado gawin. Isipin mo na lang, makakatipid ka na, healthy ka pa!
PAG-ARALAN ANG PAGIGING PRIORITY QUEEN/KING. Ang term paper ba o ang bagong episode ng paborito mong K-drama ang mas mahalaga? Learn to prioritize! Kung alam mong may deadline kang hinahabol, ‘yun muna ang unahin mo. Hindi takas ang Netflix, pero ang passing grade, minsan isang beses lang dumaraan.
HUWAG KALIMUTANG MAGPAHINGA! Minsan, sa sobrang dami ng gawain, napapabayaan na natin ang ating sarili. Okey lang na magpahinga. Dahil, hindi ka superhuman. Kapag napagod ka, walang mag-aayos ng schedule mo kundi ikaw lang din. Kaya alagaan mo ang sarili, matulog nang tama, at mag-break kung kinakailangan.
MAGING MATIBAY SA PAGHARAP SA STRESS. Ang stress ay parte na ng buhay working student, pero hindi ito dapat magpalamon sa’yo. Magkaroon ng mga simpleng paraan para ma-relax—halimbawa, manood ng isang mabilisang funny cat video sa YouTube o mag-stretching bago magsimula ng bagong task.
HUWAG MAHIYANG HUMINGI NG TULONG. Hindi mo kailangang gawin ang lahat ng mag-isa. Kapag overwhelmed ka na, 'wag mahiya na humingi ng tulong—sa mga professors, kasamahan sa trabaho, o pamilya. Minsan, ang paghingi ng assistance ay malaking tulong para maging mas efficient.
Salamat sa pagsama sa ating maikling usapan para sa ating hardworking students! Tandaan, hindi biro ang magbalanse ng pag-aaral at trabaho, pero kaya 'yan basta may tamang diskarte, sipag, at konting pahinga. Huwag ding kalimutan ang self-care, dahil mas magaan ang laban kung may sapat na lakas at sigla. Hanggang sa susunod, kapit lang—kapag kayod lang ng kayod, sigurado, tagumpay ang kasunod! Oki??
Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na naghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa eskuwelahan.
So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.











