top of page
Search

ni Cristine Marish Rivera (OJT) @Entertainment | Feb. 11, 2025



Photo: Marian Rivera at Dingdong Dantes - Instagram


Marian Rivera at Dingdong Dantes, reel to real. Paano? Got you, besh! Ang iniidolong couple ng karamihan, paano nga ba nagsimula? Sagot ko ‘yan, dito sa Reel to Real!


Pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ang mag-asawang Dingdong at Marian, pero don’t get me wrong ha, ang ibig kong sabihin, sikat pa rin sila at idol ng karamihan kahit bilang mag-asawa.


Nagsimulang magkatrabaho ang dalawa sa remake ng Pinoy teleserye na “Marimar” noong 2007 at dito itinanghal sila bilang GMA’s Primetime King and Queen.


Photo: Dingdong at Marian - Instagram Marian Rivera-Dantes


Base sa ilang panayam noon ni Marian, hindi umano sila magkasundo ni Dingdong at nasusupladuhan ito sa aktor.


So, saan nagsimulang magbago ang lahat? Maraming nagsasabing nagsimula silang ma-develop pagkatapos ng Marimar, pero ang love story nila ay nag-umpisa talaga noong 2008 hanggang 2009 kung saan ginagawa nila ang “Dyesebel” at “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.”


Fast forward, February 2010, ibinunyag ng dalawa ang special relationship nila sa isang exclusive magazine cover. Matapos ang tatlong taon, sigurado na si Dingdong na si Marian ang gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda. Nag-propose ang aktor kay Marian not once, but twice.



Sana all! Unang nag-propose si Dingdong sa Macau noong August 2012. Nangyari ito sa isang ‘Big Dome’ na puno ng butterflies na paborito pala ni Marian.


Sinundan naman ito ng pangalawang proposal sa show noon na “Marian” kung saan nag-propose si Dingdong live, sa harap ng audience na nakasubaybay sa palabas. And then, ikinasal ang dalawa noong December 30, 2014 sa Immaculate Conception Cathedral at binansagang “Wedding of the Year.”


Family of four na ang DongYan ngayon. November 2015 nang ipagkaloob sa kanila ang panganay na si Maria Letizia at sinundan naman ni Sixto noong April 2019.


Nitong nakaraang taon, ipinagdiwang ng mag-asawa ang 10th year wedding anniversary na sinabay rin ng pag-renew ng kanilang wedding vows.


Ibinahagi ni Dingdong ang larawan ni Marian na suot ang white dress at hawak ang bouquet ng puting bulaklak habang mangiyak-ngiyak itong naglalakad papunta sa altar.


Pinost din nila ang mga larawan sa nasabing ceremony kasama ang kanilang mga anak. Magmula pa man noon, inaabangan at kinakikiligan ang love story nila dahil sa mala-teleseryeng kuwento ng couple.

 
 

ni Angel Lyca Malanao (OJT) @Life & Style | Feb. 11, 2025





Excited na ba ang lahat para sa Araw ng mga Puso? 


Ang isa sa mga pinoproblema ng mga magkasintahan kapag papalapit na ang Araw ng mga Puso ay kung saan sila mamamasyal, higit lalo kung ‘di kaya ng budget ang bonggang selebrasyon. 


Gayunpaman, hindi naman porke wala tayong extra money para du’n, hindi na natin ito ise-celebrate. Remember, isang beses lang ito sa isang taon, kaya hangga’t maaari ay gawin natin itong memorable. Okie? 


Kaya kung naghahanap pa rin kayo ng abot-kayang date para mai-celebrate ang Valentine’s. Aba, perfect timing ito, dahil narito ako para tulungan kayo! Ready na ba kayo mga Ka-BULGAR? Let’s go, basahin na natin ito! 


  1. PARK. Ang park ay isa sa mga sikat na pasyalan na sakto sa mga magdyowang tight ang budget. Pero, hindi naman porke rito n’yo ise-celebrate ang Valentine’s, wa’ na agad itong thrill. Dahil, marami pa rin naman kayong magagawa rito tulad ng pagpi-picnic sa ilalim ng mga matataas na puno. Hindi ba?  


Ang mahalaga naman kasi kapag Araw ng mga Puso ay magkasama kayo at magkaroon ng sapat na oras upang makapagkuwentuhan. Gets mo? 


  1. STREET FOOD TRIP. Kung gusto n’yo ng iba’t ibang pagkain at maglakad-lakad sa mga kilalang street food spots, aba ito na ang sign para tumuhog ng iba’t ibang fave n’yong pagkain. Hindi n’yo na kailangan pang gumastos ng malaki rito, dahil sinisiguro ko sa inyo na abot-kaya n’yo lang itong mabibili. Oh ‘di ba, naka-bonding n’yo na ang isa’t isa, nabusog pa kayo! 


  2. MAGTAMPISAW SA DAGAT. Kung nais n’yo namang mag-beach date at manood habang papalubog ang araw, ito ang perfect timing para makapag-relax at makalayo pansamantala sa mga problema. Isa rin ito sa magandang pagbuo ng memories kasama ang inyong minamahal.


  3. COFFEE DATE. Kung parehas kayong coffee is life, ito na ang perfect date na para sa inyo. Isa pa, hindi na kayo mamomroblema dahil marami namang shop d’yan na pagpipilian. 


  4. MUSEUM O ART GALLERY. Maraming mga museo at art gallery na may mga libreng admission o discount tuwing special occasions. Nakapag-bonding na kayo, nakapaglakbay pa kayo sa kultura at sining. Hindi ba? 


  5. NATURE WALK O HIKE. Kung trip n’yo rin ang paglalakad kung saan-saan, puwede n’yo ring subukang mag-hike sa mga nearby trails o kaya mag-nature walk sa mga protected areas at eco-parks. 


Ilan lamang iyan sa mga lugar na pupuwede ninyong puntahan sa darating na February 14. Kaya ‘di n’yo na need mamroblema pa. Oks? 


Kahit na sa kabila ng mga hamon ng buhay, ang pagmamahal ay patuloy pa ring nagbibigay saya at kulay sa ating pang-araw-araw. 


Ngayong papalapit na ang Valentine’s, hindi na natin kailangang gumastos pa ng malaki upang maipagdiwang lamang ito, dahil sa pamamagitan ng simpleng selebrasyon, maaari n’yo nang gawing espesyal ang araw na iyon. Gets?


Advance Happy Valentine’s, mga Ka-BULGAR!  

 
 

ni Mabel Vieron @Life & Style | Jan.. 29, 2025





Kung akala mo’y simpleng holiday lang ito na may masasarap na pagkain at makukulay na mga parada, aba r’yan ka nagkakamali, besh! Dahil sa totoo lang, ang Chinese New Year ay may malalim pang ugat sa ating kultura at kasaysayan.


Magmula sa mga tradisyon ng mga Filipino-Chinese hanggang sa makukulay na selebrasyon, ru’n mo malalaman kung bakit nga ba ito ipinagdiriwang. Kaya naman, sabay-sabay nating alamin kung paano ito naging isang espesyal na okasyon para sa mga Pilipino.


Ready na ba kayo? Let’s go mga Ka-BULGAR! Ang Chinese New Year ay isang pagdiriwang na puno ng tradisyon, suwerte at mga simbolo ng bagong simula! Knows n’yo ba na kilala rin ito rin bilang Spring Festival? Yes, ang Chinese New Year ay hindi lang simpleng holiday, dahil ito rin ang pagkakataon upang magpasalamat sa mga biyaya ng nakaraang taon at magtipun-tipon kasama ang pamilya.


Mula sa makukulay na lion dances, hanggang sa mga red envelopes na puno ng suwerte, ang Chinese New Year ay isang pasabog ng saya at pag-asa na kahit saan ka man sa mundo ay tiyak mararamdaman mo!


Gayunpaman, ang Chinese New Year ay hindi lang tungkol sa mga parades at fireworks, dahil isa rin itong selebrasyon ng masasarap na pagkain!


May mga tradisyunal na pagkaing inihahanda tuwing Chinese New Year na may espesyal na kahulugan para sa kasaganaan, suwerte at long life.


Narito ang ilan sa mga madalas ihanda, kaya naman, halina’t basahin natin ito!


1. DUMPLINGS. Isa ito sa pinaka-iconic na pagkain tuwing sasapit ang Chinese New Year. Ang dumplings ay may hugis na parang mga sinaunang barya, kaya’t itinuturing itong simbolo ng kasaganaan at kayamanan.


2. NOODLES. Ang mga noodles ay sumisimbolo ng mahabang buhay. Karaniwan, pinapahaba ang noodles at iniiwasang putulin, dahil ito umano ang magdadala ng suwerte sa buhay.


3. FISH. Ang pagkaing ito ang magdadala umano ng kasaganaan sa buong taon. Karaniwan, ang isda ay iniiwan nang buo, kasama ang ulo at buntot na sumisimbolo ng pagsisimula at pagtatapos ng taon na may kasaganaan.


4. RICE CAKE. Ang nian gao ay isang matamis na rice cake na gawa sa glutinous rice. Ito naman ay sumisimbolo sa pag-angat ng buhay, antas o ranggo. Karaniwan itong pine-prepare bilang dessert. Oh, ‘di ba pasabog?


5. SWEET ORANGES. Ito naman ay simbolo ng kaligayahan at kasaganaan. Karaniwan, ang mga prutas na ito ay ibinibigay bilang regalo sa mga bisita o kaibigan tuwing Chinese New Year.


6. SPRING ROLLS. Ang spring rolls ay para ding dumplings, subalit ang kahulugan ng pagkain na ito ay new beginnings o bagong oportunidad. Ang crispy, golden brown na itsura nito ay sumisimbolo rin ng kasaganaan.


7. TANGYUAN. Ang tangyuan ay matamis na rice balls na karaniwang may palaman at madalas din itong inihahanda sa huling araw ng Chinese New Year (sa Lantern Festival). Ito naman ay sumisimbolo ng pagkakaisa at good fortune.


8. LUMPIA. Isa pa sa mga paborito ng mga Pilipino tuwing Chinese New Year ay ang lumpia, hindi ba? Ito rin ay simbolo ng kasaganaan, dahil sa maliliit na piraso ng sahog nito na parang mga yaman.


Ang mga pagkaing ito ay hindi lamang para magbigay kasiyahan sa dila, dahil may malalim din itong kahulugan na nag-uugnay sa mga Tsino at Pilipino. Kaya kung magpaplano kang maghanda ngayong Chinese New Year, tiyak na marami kang pagpipilian.


Meron ka bang gustong subukan sa mga pagkaing ito? Ano pang hinihintay mo? I-grab mo na ang pagkakataong ito! Happy Chinese New Year, everyone!


Nawa'y mapuno ang taon na ito ng suwerte, kasaganaan at walang katapusang kaligayahan! Ang mga negative energy na kasalukuyan nating nararamdaman ay isantabi muna natin. Bagkus, sabay-sabay muna nating ipagdiwang ang bawat sandali ngayong araw na puno ng pagmamahal, pag-asa at magandang kapalaran.


Gong Xi Fa Cai!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page