top of page
Search

“Ang ineeeet!” Ngayong tag-init, wala na tayong bukambibig kundi ang mga salitang ito. Agree? Tipong katatapos mo lang maligo at hindi ka pa nakalalabas ng banyo, pero tumatagaktak na naman ‘yung pawis mo. Hay, naku!

Pero don’t worry dahil we got you, beshy! Worry no more dahil bukod sa paliligo, narito na ang ilang bagay na puwede ninyong gawin para manatiling fresh all day:

1. HEALTHY DIET. Sabi nga, “You are what you eat,” at true ito, mga beshy. Sey ng experts, ang dina-digest ng ating katawan ay may malaking impact sa natural na amoy ng katawan. Bagama’t oks kainin ang curry, bawang at sibuyas, kapag hindi kontrolado ang pagkain nito, posibleng lumabas ang hindi kaaya-ayang amoy sa pores o hininga na puwedeng magtagal sa katawan. Ang isa pang paraan para mapaganda ang natural scent, bawasan ang pagkain ng processed at junk food at sa halip, idagdag sa diyeta ang mga prutas at leafy greens.

2. SCENTED BODY WASH. Isa sa mga paraan para ma-achieve ang amoy bagong ligo ay ang mga ginagamit na produkto sa pagligo. Para rito, puwede kayong gumamit ng scented body wash na epektib para sa iyong feeling refreshed and moisturized.

3. GUMAMIT NG DEODORANT. Minsan, dedma tayo rito dahil feeling natin ay ‘di naman kailangan, pero aminin, may mga time na naaamoy natin ang ating sarili, pero don’t worry dahil normal ito. Pagkatapos maligo, gumamit ng deodorant para maiwasan ang B.O, lalo na kapag sobrang init ng panahon.

4. PERFUME-INFUSED DETERGENT PRODUCTS. Alam n’yo ba na may epekto rin ang mga produktong ginagamit natin sa paglalaba ng mga damit? Yes, beshy, kaya naman subukan ninyong gumamit ng perfume-infused detergent para manatiling mabango ang suot na damit kahit pagpawisan o mainit.

5. FRAGRANT BODY OIL. Kung medyo may budget ka, epektib din ang pag-apply ng scented body oil pagkatapos maligo para sa easy absorption.

6. HAIR MIST. Naalala mo pa ba ‘yung amoy ng buhok mo pagkatapos ninyong mag-samgyupsal? Epektib ang hair mist para ma-refresh ang iyong buhok nang hindi kinakailangan maligo ulit.

Madali lang, ‘di ba? For sure, may ilang paraan na epektib sa inyo at habang mainit pa ang panahon, try n’yo na! Make sure na ibabahagi ninyo ang ilang tips na ito kina nanay, ate at beshies para fresh ang lahat sa mga susunod na araw. Kuha mo?

 
 

Kung minsan, ang paghingi ng tawad sa kapwa ay parang napakahirap na bagay sa isang tao. Marami ang sobrang namamayani ang taas ng ego at pakiramdam nila na kapag nag-apologize o humingi ng tawad ay liliit ang tingin niya sa kanyang sarili. Ganito ang kaso na nararamdaman lalo na ng mga lalaki dahil sila ang may karakter na sobrang sensitibo at iniisip niya na parang nakababawas ng pagkalalaki kapag ginawa niya ang paghingi ng sorry.

Upang maging sinsero ang paghingi ng tawad dahil nakasakit ka sa isang tao, heto ang dapat mong gawin:

1. NAGKAMALI KA. Akala mo lang hindi, pero nagawa mo na. Pero kung nasa punto ka na sa tingin mo ay hindi ganu’n kalaki ang kasalanan mo at nago-overreact lang ang tao o alam mong hindi naman gayun kabigat ang nagawa mo sa kanya, na kung tutuusin ay mas malaki ang nagawa niyang kasalanan sa ‘yo, magmuni-muni ka muna hanggang matanggap mo na.

2. UNAWAIN KUNG BAKIT KA NAGSO-SORRY. Mahalagang mag-apologize sa tamang rason. Kung sinabi ni misis na roon ka sa sala matulog, huwag kang magagalit. “Sorry na, puwede, sobra ka na!” tapos sasabayan mo pa ng dabog at sigaw. Hindi ganyan ang paghingi ng tawad. Ayusin ang paghingi ng sorry. Dumaraan pa ang maraming taon bago ka nagso-sorry, kaya sa huli mo lang mauunawaan na mali ang ginawa mo.

3. HANDA KA NA BANG MAG-APOLOGIZE? Alam mong nakaiinis ang iyong sinabi, pero huwag kang mag-sorry kung hindi mo ito nagagawa nang sinsero. Huwag lang basta mag-apologize dahil ayaw mong manatiling galit sa ‘yo ang tao. Hindi mo ito gagawin dahil gusto mong manatili ang inyong samahan. Huwag kang mag-apologize dahil “nahuli” ka. Mag-apologize ka kung talagang handa ka nang mag-sorry dahil sinsero ka at para na rin maghilom ang sama ng loob ng ibang tao.

4. HUWAG BASTA MAGSABI NG I’M SORRY. Kung handa ka nang mag-apologize, pinakamainam na may kasama ring paliwanag kung bakit ka nagso-sorry. Patunayan mo sa ibang tao ang naramdaman mo sa iyong ginawa. Simpleng tulad ng, “Sorry, hindi ko agad nailabas ang basura, kahit na ilang beses ka nang nakiusap sa akin,” o kaya ay paliwanag na, “Sorry dahil hindi kita pinakikinggan at binabara kita kahit hindi ka pa tapos magsalita.”

5. HUWAG MAG-SORRY NG SARKASTIKO. Tulad ng “Okey, I’m sorry nagkamali ako at hindi ko kayang sakyan ang mga gusto mo, sorry at ipinanganak pa ako at pinakamasamang tao sa mundo,” dahil lalong lalala ang sitwasyon. Mas puwedeng sabihin na, “Alam kong nagalit ka dahil hindi kita nabigyan ng form ng DOLE at ng DSWD kahit na alam kong kaibigan kita rito sa ating barangay,” o kaya ay “Alam kong napagod ka sa pagluluto ng inihanda mong hapunan at nasaktan ka dahil nasabi ko pang walang lasa ang niluto mo.”

6. IPALIWANAG HINDI MO NA UULITIN. Pero huwag mangangako nang hindi natutupad o hindi totoo. Kung nahuli kang nakikipag-chat sa ibang babae, huwag sabihin na “I’m sorry, hindi ko na kakausapin ang babaeng ‘yun.” Walang maniniwala, bagkus, mas magandang sabihin na, “Handa akong magpa-counsel at gagawin ang nararapat para manatili ang tiwala mo sa akin.”

 
 

Mula nang ideklara ng World Health Organization (WHO) na pandemic ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), unti-unting nakaranas ng mga pagbabago sa iba’t ibang panig ng mundo, gayundin sa mga negosyo.

Nagkaroon ng mga pagbabago mula sa mga restoran kung saan ipinagbawal ang dine-in, limitadong pagpasok sa mga pamilihan at pansamantalang pagsasara ng mga establisimyento at kumpanya.

Pero hindi nagpatinag ang ilang negosyo, kaya naman kahit mahirap at parang imposible, kani-kanyang diskarte ang mga negosyante para muling makabangon mula sa pagkakalugi.

Para lumakas ang negosyo, ang 76 Garage, isang Thai resto sa Bangkok ang nakaisip ng panibagong marketing tactic. Ginamit nila ang mga sexy at ripped male models bilang deliverymen.

Mula nang ideklara ng Thailand ang emergency decree dahil sa COVID-19 noong Marso, ipinagbawal ang dine-in customers sa resto at takeaways o take-out orders lamang ang pinapayagan.

Tulad ng maraming resto sa bansa, isa ang 76 Garage sa mga naapektuhan ng polisiya dahil kilala itong “sit-in and chill” kind of place.

Dahil dito, nakaisip ng creative idea ang resto at gumamit ng mga ripped deliverymen para lumakas ang kanilang negosyo. Ang marketing tactic na ito ay umani ng atensiyon sa social media sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa ngayon, ang Facebook post ng naturang restoran ay umani na ng libu-libong shares at comments.

At hindi lang ‘yan, mga besh, kapag ang order mo ay lumagpas sa ฿300 (USD9.30) o katumbas ng mahigit P500, libre na ang delivery fee mo. Oh, ha!

Ang marketing tactic na ito ay nagpapatunay na kapag gusto nating makabagon, kaya nating gumawa ng paraan. Kaya para sa mga nagbabalak nang magbukas ulit ng negosyo, try n’yo na ‘to! Make sure lang na mananatili kayong safe at sumusunod sa health protocols. Okie?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page