top of page
Search

Bago pa man magsimula ang pandemya, marami na sa atin ang suki ng online o mobile banking. Bukod sa hindi na kailangang bumiyahe o wala nang mahabang pila, hassle-free talaga dahil tamang “click” lang ay oks na ang transaksiyon mo.

Pero sa panahon ngayon na halos lahat ay gipit o malaki ang pangangailangan, masaklap man isipin, pero maging ang karaniwang mamamayan ay binibiktima na rin ng mga kawatan.

Well, paano nga ba natin maiiwasang mabiktima nga mga “techie” na kriminal?

1. Huwag ibigay iyong pin o password. May mga pagkakataong kailangan ka ma-contact ng banko — para i-check ang kahina-hinalang aktibidad sa iyong account, pagbabago ng address at iba pa. Pero tandaan na anuman ang dahilan ng pagtawag ng bangko sa iyo, kailanman ay hindi nito hihingin ang iyong PIN o password. Huwag magpapadala sa galing ng pagsasalita ng kausap mo dahil minsan ay mas propesyunal pa sa totoong taga-bangko ang mga con artist.

2. Huwag mag-text o mag-email ng mahahalagang detalye. Ito ang pinaka-simpleng taktika ng mga kawatan kaya marami silang nabibiktima. Kapag may nag-text o nag-email sa ‘yo na humihingi ng iyong contact details kahit pa mukhang legit ang mga ito, ‘wag agad maniwala. Maaaring i-report ang email, tumawag o pumunta mismo sa bangko para kumpirmahin ito.

3. Huwag basta mag-accept o mag-open ng mga email. Minsan, sa sobrang makabago ng mga kawatan, sobrang dali nilang makapambiktima sa simpleng galawan. Tulad ng nabanggit, kapag may natanggap na email, ‘wag agad itong buksan o sagutin. Posibleng may virus ito para madaling i-access ang iyong account. Muli, tumawag o pumunta muna sa bangko para i-confirm muna ito.

4. Huwag pumayag na i-transfer ang pera mo sa mas “safe” na account. Kahit gaano pa kaganda ang offer ng kausap mo, ‘wag kang magpapabola. Kung ayaw mo na mapunta sa wala ang perang pinaghirapan mo, palaging alalahanin na mas “safe” ang pera sa iyong account kung hindi ka agad magtitiwala sa kung sinu-sino.

‘Ika nga, hindi excuse ang pagiging ignorante kaya hangga’t maaari ay alamin natin ang mga bagay-bagay lalo na kung involve tayo. Muli, walang imposible sa mga kawatan, masyado silang magaling at matalino kaya sabayan natin ito. Gayunman, ang mga nabanggit natin ay paalala lang pero mas makabubuti kung magtutungo mismo sa inyong bangko upang mas magabayan kayo. Okay?

 
 

Sigawan, balyahan, paluan, batuhan… sa ganitong tagpo madalas nauuwi ang mga kilos-protesta. Hindi maiwasang may masaktan sa mga ralista at maging sa mga awtoridad.

Ganito ngayon ang nangyayari sa ilang bahagi ng Amerika kasunod pa rin ng pagkamatay ng African-American na si George Floyd — nasawi matapos arestuhin at luhuran sa leeg ng isang pulis sa Minneapolis, Minnesota.

Subalit, naiibang senaryo ang natunghayan sa pagitan ng mga nagpoprotesta at mga pulis sa Miami. Makikita sa mga larawang nag-viral sa social media ang pagluhod ng mga pulis sa harapan ng mga nagra-rally.

Sa halip na itaboy ang mga nagkikilos-protesta, nagpakita ng kababaang-loob ang mga pulis at humingi ng patawad sa nangyari kay Floyd. Sinundan ito ng pag-iyak at pagdarasal ng mga lumahok sa protesta.

“This is touching! I hope we could be together as one. These police officers should be deployed in every city,” reaksiyon ng isa sa mga nagpoprotesta.

Sana ay humupa na ang gulo sa Amerika lalo’t may banta pa rin ng COVID-19 at nawa’y mabigyang-linaw, katarungan at katiyakan ang kanilang mga mamamayan sa insidenteng nangyari kay Floyd.

Huwag sana itong maging mitsa ng isyu ng diskriminasyong panlahi sa Amerika.

 
 

Lalo nating naramdaman ang init dahil kamakailan, nagsimula nang magbalik sa kani-kanilang trabaho ang marami sa atin mula nang luwagan ang lockdown. Goodbye muna sa aircon at electric fan sa bahay dahil sasabak na sa pagko-commute papunta at pabalik ng trabaho, plus pa ang sobrang init at minsan tuloy, umiinit na rin ang ulo natin. Agree?

Gayunman, para iwas-init ng ulo, narito ang ilang beat the heat tips para sa mga beshy nating magbabalik-trabaho:

1. MAG-SUNBLOCK. Kahit wala kang outing at sa opisina o grocery lang ang gora mo, gumamit ka pa rin nito para maingatan ang balat sa matinding sikat ng araw. Bukod sa pananatiling ligtas laban sa COVID-19, mahalaga ring ligtas ang ating mga balat.

2. GUMAMIT NG COOLING GEL. Bukod sa sunblock, importante rin ang cooling gel kapag mainit ang panahon. Ito ay dahil mabilis na naiibsan ng aloe vera ang init na nararamdaman ng balat, gayundin, epektib ito sa discomfort na nararanasan dahil sa init ng panahon tulad ng redness, pamamantal at pangangati.

3. MAGSUOT NG KUMPORTABLENG DAMIT. Nasa bahay man o papasok sa trabaho, mahalaga na gumamit ng komportableng damit para presko. Ngayong tag-init, perfect gamitin ang mga cotton at linen dahil ito ang telang hindi mainit sa balat at hindi ka mabilis na pagpapawisan. Gayundin, pass muna sa dark na mga damit at piliin ang light colored clothes para presko at fresh tingnan. Kung lalabas ng bahay, magsuot ng sunglasses at sumbrero, ‘wag ding kalimutang magdala ng payong.

4. REGULAR NA PAG-INOM NG TUBIG. Basic na ito at dahil mas madalas tayong pagpawisan, mas maraming fluids na lumalabas sa katawan at dapat itong ma-replenish sa pamamagitan ng pagiging hydrated. Kung ‘di mo bet na puro tubig lang ang inumin sa buong araw, puwede mong subukan ang infused water kung saan puwedeng lagyan ng prutas tulad ng lemon o cucumber ang tubig na iinumin mo.

5. HELLO, SHORT HAIR. Usung-uso ngayon ang short hair dahil bukod sa nakapagpapabata ito ng hitsura, mas magaan din ito sa pakiramdam at tipid pa sa hair products.

Chill ka lang, beshy! ‘Wag sabayan ng init ng ulo ang init ng panahon, kaya make sure na hindi n’yo kalilimutan ang ilang tips na ito.

Gayundin, ‘wag kalimutang ibahagi ang mga ito sa inyong kapamilya o kaibigan na kailangan na ring lumabas para magtrabaho. Copy?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page