top of page
Search

Maraming nawalan ng hanapbuhay ngayong may COVID-19 pandemic. At dahil hindi puwedeng umasa lang sa ayuda ng gobyerno, marami na sa atin ang sumubok ng iba’t ibang klase ng negosyo.

Well, magandang paraan ito hindi lang para kumita ngayong pandemya kundi para mapag-aralan kung saang business dapat mag-invest na swak sa iyong resources.

Kaya naman, narito ang ilang negosyo na patok ngayong may pandemic:

  1. DELIVERY SERVICES. Sa panahon ngayong marami ang ayaw nang lumabas ng bahay, ito ang takbuhan natin. Kung mayroon kayong sasakyan o motorsiklo na puwedeng gamitin sa pagde-deliber, oks itong subukan. Patok ngayon ang online selling kung saan via delivery ang kadalasang ginagamit ng mga sellers, kaya for sure, ‘di ka lugi rito.

  2. FOOD. Isa sa pinakamabentang produkto online ang pagkain. Puwedeng pastry, ulam, meryenda at marami pang iba. Kung gusto mong pagkakitaan ang iyong hobby na pagluluto, try n’yo ito dahil for sure, papatok ito basta alam mo kung ano at sino ang target market mo.

  3. GROCERY. Kung medyo malaki ang puhunan mo, puwede kang mag-invest sa mini-grocery. Sa panahon kasi ngayon, kailangang maglaan ng maraming oras para makapag-grocery, kaya para hassle-free, mas gugustuhin nilang pumunta sa mini-grocery. Hindi kailangang maging bongga dahil basta meron kang ibebentang basic necessities tulad ng pagkain, toiletries at iba pang pangunahing pangangailangan, oks ka na.

  4. CLEANING MATERIALS. Dahil level up sa paglilinis ang mga Pinoy ngayong may pandemic, oks din itong gawing pagkakitaan. Isa pang tip, bago ibenta, subukang gamitin ang mga produkto para maibahagi sa iyong potential clients ang performance ng mga ibinebenta mo. Sa ganitong paraan, mas madali kang kikita dahil may feedback silang makukuha mula sa mismong seller.

  5. MEDICAL SUPPLIES. Mask, gloves at face shields – ilan sa mga ito ang in-demand ngayon dahil ginagamit itong proteksiyon para makaiwas saa COVID-19. Kailangan mo lang makahanap ng mapagkakatiwalaang supplier para makakuha ng magaganda at sulit na presyo ng suplay. Kapag nakabenta, puwede ka nang maghanap ng resellers nang sa gayun ay maging mabilis ang pagpasok sa iyo ng pera. Pero ingat sa mga scammer na supplier at resellers, ha?

Hindi lahat ng negosyo ay kailangan ng malaking kapital para masimulan. Minsan, kailangan lang ng sipag at tiyaga, gayundin, gamitin nang tama kung ano ang meron tayo.

Kaya para sa mga beshies natin na willing sumabak sa pagne-negosyo para magkaroon ng kita habang may pandemya, try n’yo na ang mga ito. Keep safe, ka-BULGAR!

 
 

Dear Roma,

Tawagin mo na lang akong Jane, 28 years old na ako at nagtatrabaho sa garments. Maganda ang puwesto ko roon kasi office work naman ako at nasa accounting, bookkeeping. Matagal din ako sa pagnanahi, pero dahil nakatapos naman ako ng secretarial course, inilagay ako agad ng boss kong babae sa department na ‘yun. Madali ko ring nagamay ang trabaho ko dahil tinuturuan din ako ng boss ko. Kaso dahil lockdown, nasa bahay lang ako. Problema ko lang ‘yung anak ng boss ko na laging nagpupunta sa bahay. Sabi nito, gusto niya ako kaya araw-araw siyang nasa bahay at nagdadala ng kung anu-ano. Aaminin ko na type ko rin siya, guwapo, mabait at binata. Kaso, nahihiya ako sa boss kong babae dahil malaki utang na loob ko sa kanya. Baka kasi isipin ng boss ko na sinasamantala ko lang ang feelings ng anak niya. Kaya nagdadahilan na lang ako at iniiwasan ang anak niya. Mas mabuti na siguro yun kesa ma-in love pa ako nang husto sa anak niya.

Jane,

Walang pinipili kaninuman na magkagusto ang isang tao. Maaaring malaki ang naitulong sa iyo ng boss mo pagdating sa career at kabuhayan n’yo, subalit, ang pag-iwas mo sa taong nagugustuhan mo ay hindi solusyon sa problema mo. Mabuting kausapin mo ang iyong boss at sabihin mo sa kanya ang ginagawang panliligaw ng kanyang anak. Doon mo rin malalaman kung tapat talaga ang lalaking nagugustuhan mo. Siguradong maiintindihan ka rin ng boss mo kapag nag-usap na kayo. Okie?

 
 

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

Ang lemon.

Ayon sa kaysayayan, hindi pumapayag si Christopher Columbus na hindi magsakay ng saku-sakong lemon sa kanyang mga barkong panlayag. Ito ay dahil subok na ni Columbus ang lemon na gamot sa scurvy.

Ang scurvy ay sakit kung saan humihina ang tao na parang laging pagod, nagkaka-sore o sugat sa mga kamay, braso at legs. Nagkakaroon din ng sugat sa ngala-ngala, bagang, gums o dila at loob ng bibig. Nagiging manipis din ang buhok, nalalagas at may pagdurugo rin sa balat.

Noong panahon na ‘yun, hindi pa alam ng mundo ang Vitamin C, pero ngayon, ginagamit na ito bilang panlaban sa scurvy.

Malayo ang agwat ng panahon ni Columbus sa modernong panahon natin, pero alam na alam na niya na ang lemon na mayaman sa Vitamin C ay gamot sa scurvy.

Hindi naman maikakaila na si Columbus ay binansagang dakilang manlalakbay na siya ring dahilan kung bakit ang lemon ay kumalat sa buong mundo dahil ang mga buto nito ay hindi sinasadyang naitatapon ni Columbus sa mga bansang kanyang narating.

Tulad ng nasabi na, mayaman sa Vitamin C ang lemon. Nananamlay ka ba at feeling mo, lagi kang pagod kahit wala kang ginagawa? May sugat ka ba? May butlig ba sa loob ng iyong bibig? Kumusta naman ang skin mo sa braso, mga kamay at legs?

Kumain ka ng lemon ay magugulat ka dahil lalakas ka. This is not a joke, take a piece of lemon kahit isa lang. Subukan mo at madarama mo na biglang mawawala ang iyong pananamlay. Kumain ka ng lemon at alam mo na ang susunod na mangyayari sa iyo dahil sisigla at lulusog ka, gayundin, gaganda ng kutis mo.

Narito ang nutritional facts ng lemon, ang isang lemon ay mayroong:

  • Energy: 16.8 calories (kcal)

  • Carbohydrates: 5.41 g, of which 1.45 g are sugar

  • Calcium 15.1 milligrams (mg)

  • Iron: 0.35 mg

  • Magnesium: 4.6 mg

  • Phosphorus: 9.3 mg

  • Potassium: 80 mg

  • Selenium: 0.2 micrograms (mcg)

  • Vitamin C: 30.7 mg

  • Folate: 6.4 mcg

  • Choline: 3.0 mg

  • Vitamin A: 0.6 mcg

  • Lutein/Zeaxanthin: 6.4 mcg

Ang lemon ay usung-uso ngayon at lahat ng fruit stands ay may tindang lemon. Kaya muli, try mo kahit isa lang at ikaw mismo ang magsasabing sa lemon, nawala ang iyong pananamlay.

Good luck!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page