top of page
Search

Sa panahon ngayon, pagsubok na rin ang pag-iipon. Agree? Ito ay dahil sa mga hindi magandang nakasanayan na hindi ma­iwasan, kaya ang ending, walang madukot sa bulsa kapag nagipit na.

Gayunman, sabay-sa­bay nating harapin ang hamong ito sa pamama­gitan ng pag-iwas sa mga sumusunod na bad habits:

1. LUHO AT BISYO. Ang luho ay ang mga bagay na gusto nating pagkagas­tusan kahit hindi naman ka­ilangan. ‘Ika nga, kapag inu­na mo ang luho, luluha ka balang-araw. Samantala, kabilang sa mga itinuturing na bisyo ay ang pag-inom ng alak at paninigarilyo. Well, para sa iba, “stress reliever” ang mga ito, pero kung iisipin, wala itong ma­gandang maidudulot sa ating future. Sa halip na maglaan ng pera rito, ma­buting itabi at ipunin na lang ang perang gagastusin.

2. INGGIT. Kapag may bagong gamit ang ka­trabaho o kakilala natin, may mga pagkakataong naiinggit tayo at naeengganyo ring bumili, lalo na kung latest item ito. Mga besh, alam n’yo ba na hindi maganda ang inggit dahil nadadamay din ang ating wallet?

3. KATAMARAN. Lahat tayo ay may talent, pero hindi lahat ay may ka­sipagan para gamitin ito sa iba pang pagkakakitaan. ‘Yung iba kasi, oks na sa ki­nikita dahil nakaka-survive naman, pero ‘di ba, mas oks kung nakaka-survive ka na, nakakaipon ka pa? ‘Wag kang tamarin na gamitin ang iyong talent at libreng oras para sa extra income para sure na makaipon.

4. KAYABANGAN. Wow, bagong gadget at sa­patos, ‘musta na savings mo? Well, wala namang ma­samang bumili ng mga ba­gay na feeling mo ay deserve mo, pero please lang, iwasan natin ang pagbili ng mga bagay na hindi naman kaila­ngan para lang makapag-“flex” o makapagyabang. Tandaan, hindi natin kaila­ngang maging maganda sa paningin ng iba kung ang kapalit nito ay ang laman ng ating pitaka.

5. KATAKAWAN. Isa ito sa mga mortal sins na ka­dalasang humahadlang sa karamihan para makaipon. Idagdag pa natin ang mga cravings na kapag nabili naman, hindi kakayaning ubusin o kainin dahil takaw-tingin lang. Hayyy, sa halip na kumain nang sobra-sobra, kumain nang tama at masustansiya. Okie?

6. KAWALAN NG DISIPLINA. Ito ang isa sa mga katangian ng kara­mi­han kaya walang ipon. Sa pa­nahon ngayon, kahit na­pakaraming tukso mula sa online shopping, sale sa mga mall at zero interest promo sa mga installment gadgets, kailangang pairalin ang di­siplina para makaiwas sa pagbili ng mga bagay na hindi naman talaga kaila­ngan.

7. WALANG TIWALA SA SARILI. Para maka­ipon, kailangang may tiwala tayo sa ating sarili. Hindi na­man kailangang malaking pera agad ang maitabi mo dahil puwede mo itong si­mulan sa maliit na halaga, ‘ika nga, baby steps.

Alam n’yo na, mga besh? Subukan mong iwasan ang mga bagay na nabanggit at simulang mag-ipon kahit paunti-unti.

It’s time para ka­limutan ang bad habits at palitan ng mga ugaling ma­katutulong para magkaroon ng ma­gan­dang future. Kuha mo?

 
 

Natatandaan ko pa ang madikit at mabigat

na pagpili sa ginamit na putik nang simulan

ang panganganak ng nawawalang kapareha.

Ang paghele sa mga ito habang nasa palad

at dinarama ang init na may lamig sa paglapat.

Unti-unting pinapasadahan ng hagod

gamit ang mga daliri na tinuruan ng pasensiya,

sa pagsayaw nito ng sway para hubugin ang kisig.

Inuna ko ang kanyang mukha batay kay Antonio

mula sa mga mata nitong tulad ng uniberso kung magpakitang-gilas,

sa tangos ng ilong na pinapantasya sa telebisyon

at labi na kay Antonio rin, na nais mahalikan.

Maaaring sa kahibangan ko kay Antonio

kaya nabuo ang estatwa. Mula na rin siguro

sa mga kuwentong-bayan ang pagpili na lumikha ng tao sa putik. Isang mapangahas na sining.

Maaaring sa pag-ibig din ito nagsimula

kung saan ang taong nais kong kapareha ay hindi puwedeng makasama sa mata ni Bathala.

Kaya nabuo siya sa aking harap na nakatindig.

At sa unang subok kong hingahan ang inuka niyang labi wala ang buhay na akala’y sisilay na parang araw.

Naulit ang mga pagtatangka. Ang pagtatanghal

ng katulad kong hangal na magbigay-buhay.

Unti-unting nabitak ang kanyang katawan.

Muli akong nagtangka kahit sa huling pagkakataon.

Doon may nagpakita. Isang saksi at inakalang hindi na darating dahil sa labis na pangungulila.

Hindi siya ang kinatha ngunit, hiningahan ko siya.

Ang ninanais ay nasa tamis ng kanyang dila.

“Anong pangalan mo?”

“Pangalanan mo ako.” Ang kanyang sagot.

Sa pagitan ng halik at kapangahasan aking itinakda — “Ikaw na si Genesis. Ang aking simula.”

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 

Dear Roma, Ako si Kayla, 23 at kamakailan, sumubok akong gumamit ng dating apps. May naka-chat akong lalaki and I assumed na single siya kaya itinuloy ko lang ang pakikipag-usap sa kanya hanggang sa nalaman ko ang buong pangalan niya at hinanap ko siya sa Facebook. Nagulat ako sa nalaman ko dahil may GF pala siya at buntis pa ito. Hanggang ngayon ay nakakausap ko pa si guy, pero nakukonsensiya ako kaya gusto ko nang ipaalam sa GF niya ang ginagawa nitong pakikipag-chat sa dating apps. Tama ba ang gagawin ko? Natatakot kasi ako dahil baka mag-cause pa ito ng gulo at worse, madamay pa ako. — Kayla

Kayla, Naku, besh, ngayong alam mo na ang relationship status ni guy, mabuti pa ngang komprontahin mo siya kesa naman sa iba pa malaman ni girl na nagkakausap kayo at madamay ka pa. Gayundin, sa halip na ‘yung GF niya ang kausapin mo, si guy na lang dahil baka ma-stress si girl, gayung buntis pa siya. Huwag mo na ring pahabain pa ang koneksiyon mo sa lalaking ‘yan dahil kung ang GF nga niyang buntis na, nagawa pa niyang lokohin, ikaw pa kaya ang hindi? Kaya ngayon pa lang, simulan mo nang umiwas bago pa lumala ang sitwasyon. Okie? Good luck, besh!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page