top of page
Search

ni Angela Fernando @Lifestyle | Oct. 7, 2024



News Photo

Maraming mga tagasuporta ng Pinay beauty queen na si Ahtisa Manalo ang nalungkot nang matapos ang laban nito sa pagiging Top 10 finalist sa Miss Cosmo 2024 pageant na ginanap nu'ng Oktubre 5 sa Saigon Riverside Park, Ho Chi Minh City, Vietnam.


Kahit na hindi nakapasok si Ahtisa sa Top 5, pinaalalahanan niya pa rin ang kanyang mga fans sa Instagram broadcast channel kamakailan at sinabing may mga bagay talagang hindi papabor sa kanilang kagustuhan.


"Hi loves, Let's remember that everything won't always go our way. But what defines us is how we react and act. Let's focus on the positive things! Spread love only!" saad ni Manalo. Hinimok niya rin ang mga fans na suportahan ang Indonesian beauty queen na si Ketut Permata Juliastrid.


"Let's keep the spirit of women empowerment and celebrate Tata for her win!" paalala nito. Natuwa naman ang madlang pipol sa pagiging positibo ng beauty queen, at may mga netizens din ang nagsabing kay Manalo pa rin ang korona para sa kanila dahil nagbigay ito ng magandang laban sa Miss Cosmo 2024.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | September 14, 2024



Showbiz News

Proud si Arci Muñoz na siya ay naging reservist ng Philippine Air Force (PAF) kung saan limang taon na rin siyang nasa serbisyo.


Sa kanyang Instagram (IG) post, she shared why it feels so good for her to be serving the country in this way.


Very open ang aktres about her reservist life sa socmed (social media) at nag-encourage pa siya ng iba na magboluntaryong sumali rin.


Aniya, “Sa 5 taon ko na pagiging isang #airforcereserve lagi kong sinasabi sa mga tanong kung bakit ako naging bahagi ng #sandatahanglakasngpilipinas.


“Naniniwala ako na ito ay isang paraan para mapagsilbihan ko ang aking mahal na bayan. Naniniwala ako na ‘pag may pagkakaisa at disiplina ay magandang pagbabago ang makakamit natin, ang kapayapaan na aking minimithi.


“Kaya naman, hinihikayat ko kayo mag #enlist at magbigay-inspiration para sa susunod na henerasyon.” 


Noon ay natanong siya kung bakit boluntaryo siyang sumali sa ahensiya.

Paliwanag niya, “Inilagay kami sa posisyon na ‘to para magbigay-inspirasyon para sa kapwa natin mga Pilipino – babae ka man o lalaki – na magsilbi sa ating bansa. 


“Bilang isang reservist, kailangan ikaw ay handa sa kung ano ang haharapin ng bansa natin.” 


Bukod kay Arci, ang iba pang celebrities na nagsisilbi sa bayan ay sina Gerald Anderson, Ronnie Liang, Geneva Cruz, Matteo Guidicelli, at Ejay Falcon.

Maraming humanga sa aktres nang pumasok siyang reservist sa Philippine Air Force.



Sa isang panayam, inamin ni Martin Nievera na nagka-attitude siya nu’ng kanyang kasikatan. Sa success niyang tinatamasa noon ay lumaki umano ang kanyang ulo.

Aniya, may times na nag-diva king siya dahil isa siya sa mga tinitingalang OPM icons. 


Sey ni Martin, “Talagang yumabang ako, talagang mayabang si Martin. At hindi dahil sa title, I never paid attention to that title. But I really acted as some diva king before.” 

Sinabihan umano siya ng kanyang family na baguhin ang kanyang ugali dahil hindi lahat ng oras ay tanyag siya.


“So, they always make sure that I stay humble. So those bad days, those ‘Bad Martin’ days, probably he thought he was really king,” saad pa ng singer.


Pag-amin pa niya, kahit sikat na siya ay may insecurities pa rin siyang nararamdaman, pero ang iniisip daw nga niya noon ay sikat siya and so for him, he was the best. 

There was a time pa raw na it was hard for him to accept that there were new popular artists who were being chosen over him lalo na kapag nasasalang na ang mga ito sa ASAP


Sa kanilang mga production numbers, alam niyang naibibigay na sa mga younger artists like Jed Madela, Darren Espanto, and other younger singers ang dapat ay sa kanya.


Kaya natutunan daw niya sa music industry, that there is only one constant, and that is, “There’s someone who will always replace you. Someone will always be better than you. Always.”



HANGANG-HANGA si Pauleen Luna sa bagong haircut ni Bossing Vic Sotto. Hindi siya makapaniwala how good-looking of a man ang kanyang mister.


Sa kanyang socmed (social media) account ay ishinare ni Pauleen ang ilang snaps ni Bossing pagkatapos niyang magpagupit sa Toni&Guy Philippines. 

Si Cean Serioza ang resident hairstylist ng Eat… Bulaga! host. 


Ang caption ni Pau, “Why so handsome naman my love?”


Hindi naman itinatanggi ng aktres-TV host na hanggang ngayon ay fall head over heels siya kay Bossing kahit mahigit na silang eight years na kasal at mayroon nang dalawang anak na babae —sina Tali at Mochi.


Malaki ang age gap ng mag-asawa but still, walang duda, si Vic ang apple of the eye ni Pauleen Luna. 

 
 

ni Mabel Vieron @Lifestyle | September 4, 2024



File photo

Isa ka rin ba sa napapasana-all sa tuwing nakakakita ng mga baby na super-cute? Kung isa ka sa kanila, naku mahal ang gatas at diaper, besh! Char! 


Ang ideya ng pagiging magulang ay puno ng saya at pananabik, ngunit hindi maikakaila na ito ay may kasamang seryosong responsibilidad. Yes, mga besh! Hindi naman porke, nag-crave ka magkaroon ng beybi, gagawa at gugustuhin mo na agad ito, oks? Huwag na natin idamay pa ang mga bata sa ating mga kalokohan, tapos ang ending sa mga magulang din natin iaasa ang mga responsibilidad. 


Ang pagkakaroon ng beybi ay isang seryoso at 'di dapat ginagawang laro. 

Pero kung ready ka na talaga, at alam n'yo sa sarili n'yong kayang-kaya n'yo na ang bumuhay, why not? 


Para sa mga handa nang sumabak sa pagbuo ng pamilya, mahalagang malaman ang mga aspeto ng pagiging magulang. 


Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang limang pangunahing responsibilidad na kailangan isaalang-alang upang maging handa. Kaya halina't basahin natin ito. 


  1. EMOSYONAL NA PAGHAHANDA. Ang pagiging magulang ay hindi lamang pisikal na pagsasanay. Maglaan ng oras upang maghanda sa mga emosyonal na aspeto ng pagpapalaki ng anak. Maging handa sa mga ups and downs ng parenthood, at magtayo ng support system. Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa partner at pag-aalaga sa sariling mental health ay susi sa matagumpay na pagpapalaki. Kuha mo? 

  2. PINANSYAL NA PAGPAPLANO. Isa itong susi upang 'di lumaking kawawa ang inyong anak. Maganda rin ito para sa kinabukasan ng inyong magiging beybi. 


Ang pagbuo ng pamilya ay nangangailangan ng pinansyal na pagpaplano. Hindi lamang para sa pang-araw-araw na pangangailangan, kundi pati na rin sa mga hindi inaasahang gastos. 


Maglaan ng budget for medical, education, at iba pang mahahalagang aspeto. Huwag kalimutang mag-set up ng emergency fund at long-term savings para sa seguridad ng pamilya. Oki? 


  1. PAGHAHANDA SA PHYSICAL NA ASPETO. Ang pagiging magulang ay may mga pisikal na hamon. Maging handa sa mga pagbabago sa iyong katawan at pangkalahatang kalusugan. Siguraduhin na ang iyong lifestyle ay nakakatulong sa magandang kalusugan, tulad ng tamang pagkain, regular na ehersisyo, at sapat na pahinga. 

Ang pagiging physically fit ay makakatulong sa iyo na maharap ang mga demands ng parenthood nang may lakas at sigla.

  1. BALANSENG PAMUMUHAY. Sa hectic na lifestyle, ang tamang time management ay mahalaga. 


Maglaan ng oras para sa trabaho, pamilya, at personal na interes. Ang pagkakaroon ng balanseng pamumuhay ay magbibigay-daan sa inyo upang mas maayos na pamahalaan ang mga tungkulin sa bahay at magkaroon ng quality time sa iyong mga mahal sa buhay. 


Gumamit ng mga tools at techniques sa pag-o-organize ng oras upang maging mas epektibo sa iyong araw-araw na gawain.


  1. PAGHAHANDA SA KINABUKASAN. Ang pagbuo ng pamilya ay hindi nagtatapos sa mga unang taon. 


Mag-isip tungkol sa pangmatagalang plano para sa kinabukasan ng iyong mga anak, at magiging anak. 


Isaalang-alang ang kanilang edukasyon, pangmatagalang layunin, at mga potensiyal na pagbabago sa buhay. 


Ang pagkakaroon ng malinaw na plano at layunin ay makakatulong sa pagbigay ng direksyon at seguridad sa kanilang paglaki.


Ang pagiging magulang ay isang makabuluhang hakbang na puno ng saya at responsibilidad. 


Sa pamamagitan ng tamang paghahanda at kaalaman, magagawa mong ihandog ang pinakamagandang simula para sa iyong pamilya. Huwag matakot sa mga hamon—yakapin ang bawat aspeto ng pagiging magulang at gawing matagumpay at masaya ang iyong paglalakbay. Ang bawat hakbang na iyong gagawin ngayon ay magbibigay sa iyo ng matibay na pundasyon para sa kinabukasan ng iyong pamilya. Okie ba mga Ka-BULGAR?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page