top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | November 6, 2023


ree

Mababaw lang ang pagkakatulog ni Maritoni kaya nang makarinig siya ng komosyon ay agad siyang bumalikwas ng bangon. Sa secret pocket ng kanyang damit, nakalagay ang kanyang pistol. Hindi niya tiyak kung kailan aatake ang serial killer kaya kailangan niya lagi maging handa. Ngunit, susugod ba sa kumbentong ito ang mamamatay tao na iyon?


“Ano’ng nangyari?” tanong niya nang makita niyang lumabas na rin ang iba pang mga madre.


Sa pintuan kasi ng kumbento ay maririnig ang malalakas na pagkatok.


“Huwag n’yong bubuksan ang pinto!” Wika niya sa mga madre.


Ang iba ay sumunod pero ang ilan ay napatitig sa kanya, at nagtataka kung bakit siya nag-uutos sa mga ito. Umiling na lamang siya at dahan-dahang pumunta sa pintuan.


“Sino ‘yan?” Pasigaw na tanong ni Maritoni.


“Si Ka Nestor po,” sagot naman nito sa kanya.


Gusto niya na sanang sabihin na hindi niya ito kilala, ngunit nagsalita si Sister Mae, “Kapitbahay natin ‘yan.”


Really? Gusto niyang ibulalas pero hindi na niya ginawa. Kailangan niya pa ring tandaan na isang madre ang kanyang kaharap, kaya kailangan niya itong igalang. Gusto niyang matawa sa sinabi nitong ‘kapitbahay’ gayung dalawang kanto yata ang pagitan ng kumbento sa susunod na bahay.


“Hindi ka lang mag-isa,” wika pa niya, kahit hindi niya buksan ang pintuan ay alam niyang maraming nagsasalita.


“May masama kaming balita,” wika naman ng isa pa, kakaiba ang boses nito kaya sure siyang hindi ito ang tinutukoy na Ka Nestor ni Sister Mae.


“Buksan mo na ang pintuan,” pag-uutos naman ng isa pang madre na si Sister Juliet.


“Kaya maraming madre ang pinapatay, dahil ang dali n’yong magtiwala,” inis niyang bulong sa kanyang sarili, at minabuti na lamang niyang buksan ang pintuan.


“May natagpuan na namang madre na pinatay!” tugon ng mga lalaki.


Nang lingunin niya ang kanyang mga kasamahang madre, napagtanto niyang wala run’n si Sister Luna.


Itutuloy…


 
 

ni Mabel G. Vieron @Special Article | November 5, 2023


ree

Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, marami sa atin ang nagtatanong kung kailan nga ba tayo aasenso? Gayung kahit ano’ng pagsisikap ang ating gawin ay wala pa rin tayong nararating at napapatunayan. Ito ang madalas na katanungan ng mga taong may trabaho at pinagkakakitaan ngunit ramdam na ramdam pa rin ang kakapusan ng pera.


Sa katunayan, ang pag-asenso ay hindi lamang tungkol sa kita o pera na ipinapasok natin. Anu-ano nga ba ang mga gastusin na dapat nating iwasan nang sa gayun ay hindi masaid ang ating wallet?

1.PAGGASTOS NG WALA SA BUDGET. Kapag wala tayong budget o hindi natin alam kung paano gagastusin nang maayos ang ating pera, sobrang bilis nitong mauubos. Isang malaking trap ang kawalan ng budget dahil once na hindi natin ito magawa ng tama, magkakagulo ang ating gastusin at ang masaklap na resulta, kakailanganin na nating mangutang na nagiging dahilan kung bakit mas nababaon tayong mga Pinoy.

2. PAGGASTOS NG WALANG EMERGENCY FUND. Iwasan nating gumastos nang gumastos kung wala naman tayong emergency fund. Siguraduhing maglaan muna ng sapat na halaga para rito. Oks?

3. PAGGASTOS PARA SA BISYO. Ang paggastos para sa bisyo ay pagtatapon ng pera. Walang magandang maidudulot ang bisyo kundi pansamantalang ‘saya’. Maging matalino sa bagay na pinaggagastusan, walang masama kung mag-chill minsan, pero ‘wag sanang dumating sa punto na may budget na para rito.

Sa panahon ngayon, sobrang halaga na maging wais tayo sa paggastos. Nawa’y maiwasan na natin ang mga bagay na magdadahilan sa atin para maglabas nang maglabas ng pera. Pero, ngayong nalaman natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ekstrang pera, it’s time na para magkaroon ng pagbabago sa ating mga nakasanayan.


Kaya sa halip na gumastos sa mga bagay na hindi naman kailangan, dapat maging praktikal tayo.

Ngayong napapalapit na ang Pasko at Bagong Taon, oras na rin siguro para turuan ang mga bagets ng personal finance lessons at narito ang mga bagay na puwede nilang matutunan:


· MAG-SET NG PRIORITIES. Ilan lang sa atin ang may insurance coverage sa bansa at karamihan ay walang financial buffer para sa mga hindi inaasahang pangyayari. Kaya naman, mas oks na mag-set na tayo ng financial priorities habang maaga pa.


· INVEST NOW, SPEND LATER. Bukod sa pag-iipon, ang isa pang dapat ituro sa mga bagets ay ang pagkakaroon ng investment. Sa ganitong paraan, masisiguro mong sapat ang halaga ng pera na magagamit ng iyong anak para sa kanyang future.


· MAG-IPON. Habang bata pa, dapat nilang matutunan ang pagtatabi ng pera. Ang pag-iipon ng pera ay kailangan maging habit. ‘Ika nga nila, pay yourself first. Ito ang unang hakbang para makapag-build ka ng nest egg or wealth para sa iyong pamilya. Bukod pa ru’n, may peace of mind ka kung mayroon kang savings lalo na sa panahon ng emergencies.

· MAGKAROON NG SAVINGS GOAL. ‘Ika nga, mas madaling mag-ipon kung may savings goal. Kung mayroon silang gustong bilhin tulad ng bagong sapatos, ang halaga nito ang magiging target amount nila. Paano naman ito gagawin? Itabi ang lahat ng napamaskuhan at kung kulang pa, i-encourage silang magtabi ng pera mula sa kanilang allowance. Ang mahalaga, matutunan nila na kailangan ang pasensya at disiplina sa pag-iipon.

‘Wag nating kalimutan na maging responsable sa lahat ng bagay. Kung wala kang tiwala sa sarili mo na makakapag-ipon ka willingly, maaari ka ring humingi ng tulong mula sa iyong HR.


Tanungin sila kung may option na automatic na deducted o ibabawas ang iyong suweldo para itabi sa savings mo. Kung hindi puwede sa HR, maaari ka ring lumapit sa bangko upang mag-inquire kung mayroon ba silang Automatic Savings plan na ino-offer.


Oks?


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | November 5, 2023


ree

“Bago ka lang, sister?” Masuyong tanong sa kanya ng poging lalaki.


“Yes,” wika ni Maritoni.


Shucks, parang hindi niya kayang rendahan ang kanyang puso sa mga oras na ‘yun. Ang bilis ng kabog ng kanyang dibdib at gusto na niyang batukan ang kanyang sarili, kung umasta kasi siya ay parang teenager. Well, ito naman talaga ang unang pagkakataon na tumibok ang kanyang puso.


Noon kasi ay kumakabog lang ang kanyang dibdib kapag may kriminal siyang nakikita.


Nang bigla niyang maalala ang kanyang misyon. Nakasalubong ang kanyang kilay habang tinititigan ito.


“Kadarating ko lang kahapon, alas 10:00 ng gabi na rin kasi ako dumating dito. Ako nga pala si Sister Maritoni,” buong diin niyang sabi.


“Ako nga pala si Mark Ferrer,” wika nito saka inilahad ang kanyang kamay.


Pinigilan ni Maritoni ang kanyang sarili. Baka kasi mapatili siya kapag may naramdaman siyang kuryente na dumadaloy sa kanilang katawan. Ngunit, hindi niya matanggihan ito kaya iniabot na rin niya ang kanyang kamay, laking gulat niya nang magmano ito sa kanya. Kung hindi lang niya nakagat ang kanyang dila, tiyak na mapapamura siya.


“Mabait na bata ‘yang si Mark, at lagi niya akong sinasamahan sa pamamalengke.” wika ni Sister Luna.


Dahan-dahan niyang tiningnan si Sister Luna, at kitang-kita sa mata nito ang kasiyahan.


Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan, at para bang may kakaibang sinasabi ang mga mata nito sa pagkakatitig kay Mark.


Nang sulyapan niya si Mark sa rearview mirror ay nakita niya ang nanlilisik nitong mga mata habang naruru’n siya sa likod ng Toyota Corolla kaya kitang-kita niya ang ekspresyon nito.


Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagdududa, at napaisip na baka nagbabait-baitan lang si Mark Ferrer? At kapag nakuha niya na ang tiwala ng isang madre ay pupugutan na niya ito ng ulo?

Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page