top of page
Search

ni Mharose Almirañez | September 4, 2022



ree


Love is unpredictable. Kapag tinamaan ka, tinamaan ka.


‘Yung tipong, iindahin mo ang lahat ng red flags na mayroon siya kasi walang ibang tama sa paningin mo kundi siya lamang. ‘Yung tipong, gusto mong itama ang mali at gawing puwede ang hindi, makasama lamang siya. Kumbaga, kahit alam mong mali ay ipaglalaban mo pa rin. Wala, eh, nagmahal ka kasi!


Ngunit siyempre, hindi natin ito-tolerate ang adultery, infidelity, unfaithfulness at cheating sa artikulong ito. Pero, paano nga ba natin ma-a-analyze ang puwede at hindi puwede sa isang relasyon?


Bilang concerned citizen, narito ang ilang senaryo na nagsasabing, pinagtagpo lamang kayo pero hindi itinadhana kung:


1. MAY DYOWA O ASAWA NA SIYA. ‘Yung akala mo, single siya kaya pinatulan mo siya, pero kalaunan ay nalaman mong may sabit pala siya at muntik ka pang maging kabet. Naku, beshie, ‘wag mong i-romanticize ang salitang, “You and I against the world,” sapagkat hindi mo deserve maging third party. Siguro, may mga taong pinagtagpo para magkaroon ng thrill ang boring nilang love life, pero hindi para makuntento sa kung ano lamang ang puwede nitong ibigay sa ‘yo.


2. NAKABUNTIS SIYA NG IBANG BABAE. Kapag alam mong may batang involved, sumuko ka na. Huwag kang magpamanipula sa sasabihin niyang, “Paninindigan ko lang ‘yung bata, pero ikaw pa rin ang mahal ko. Hindi tayo magbe-break,” sapagkat kung talagang mahal ka niya ay hindi siya mambubuntis ng iba. Isipin mo na lamang na kung ipagpapatuloy n’yo ang inyong relasyon ay may isa na namang inosenteng sanggol ang madadagdag sa listahan ng mga broken family. Sabihin n’yo mang, “True love conquers all,” ngunit may mga tao talagang pinagtagpo lang, pero hindi itinadhana. Huwag mong ipilit kung hindi puwede lalo’t may batang apektado.


3. TUTOL ANG PAMILYA. Ipagpalagay nating mayaman ang pamilya niya, samantalang simpleng pamumuhay lamang ang mayroon kayo. Kadalasan, estado sa buhay ang pinakamalaking hadlang kaya hindi nagkakatuluyan ang dalawang nagmamahalan. ‘Yung tipong, mamatain ka ng buong angkan niya to the point na sila pa mismo ang mangpe-pressure sa iyo. So, beshie, what if, offer-an ka ng mga magulang niya ng P1-M para lamang lubayan ang anak nila, tatanggapin mo ba?


4. HINDI PA SIYA READY MAG-COMMIT. ‘Yung tipong same vibes kayo at aminado kayong pareho n’yong gusto ang isa’t isa, pero hindi puwedeng maging kayo, sapagkat hindi pa siya handang pumasok sa panibagong relasyon. Aniya, self-love raw muna siya. Kunsabagay, paano niya mamahalin ang iba kung mismong sarili niya ay hindi niya alam kung paano mahalin? Ipagpalagay nating sumugal nga siya sa relasyong hindi pa siya handa, ang ending ay magsusumbatan at mag-aaway lamang kayo hanggang mauwi sa hiwalayan.


5. HINDI PA SIYA NAKAKA-MOVE ON SA EX NIYA. Kahit pa sabihing ex na ‘yun, ano’ng laban mo kung mas matagal ang pinagsamahan nila? Hindi ka naman siguro masokista para pumayag maging panakip-butas, ‘di ba? Siguro nga, may taong pinagtagpo lamang para i-comfort ang isa’t isa.


6. PAREHONG GENDER ANG GUSTO N’YO. Pasintabi sa LGBTQ+ members, baka nga naman parehong lalaki ang gusto n’yo o baka parehong girl ang bet n’yo? Beshie, kahit maglupasay ka pa sa sahig para lamang mabaling sa ‘yo ang puso niya ay hinding-hindi mo siya mapipilit dahil parehong kasarian ang gusto n’yo.


7. MAGKAIBIGAN KAYO. Marahil, pinagtagpo lamang kayo para maging walking diary ng isa’t isa, pero hindi para sa isa’t isa. May ilang magkaibigan na nagka-in love-an, pero piniling mag-stay as friends, sa halip i-level up ang kanilang relationship, upang i-keep ang friendship, dahil sabi nga nila, “Friends can be lovers, but lovers can’t be friends.”


Ngayong alam mo na ang struggles na pinagdaraanan ng bawat nagmamahal— ang tanong, gugustuhin mo pa rin bang ma-in love?

 
 

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| August 30, 2022



ree

For sure, pamilyar tayo sa mga epekto ng kape, at kabilang na r’yan ang pag-stimulate ng ating heart at muscles. Dahil dito, naging caffeine dependent na ang marami sa atin o ‘yun bang, hindi sila makapagsimula ng araw o gawain hangga’t hindi nakakapagkape. Relate ka ba, beshy?


Pero alam n’yo na ba ang mga puwedeng mangyari sa iyong katawan ‘pag tumigil ka sa pagkakape?


1. BUMABABA ANG TIMBANG. Depende ito kung gaano katapang ang trip mong kape. Sa isang pag-aaral, ang 2/3 ng coffee drinkers ay naglalagay ng sugar, cream, at iba pang flavorings at additives. Gayunman, ang mga umiinom ng black coffee ay nakakakonsumo nang mas kaunting calories kumpara sa mga nagdadagdag ng sweeteners, cream at iba pang additives sa kanilang kape.


2. NADADAGDAGAN ANG TIMBANG. Naranasan mo na bang magkaroon ng cravings nang hindi ka nakapagkape? Sey ng experts, pansamantalang nababawasan ang appetite sa pag-inom ng kape, pero kung sisimulan mong tumigil sa pagkakape, posible kang mag-crave sa matatamis na pagkain at madalas umano itong nangyayari ‘pag nagsimula ang caffeine winthdrawal.


3. MAS MAGANDA ANG TULOG. Habang nag-a-adjust ang iyong katawan dahil wala nang “stimulant”, madalas ay feeling tired ka. Gayunman, pagkalipas ng ilang panahon ay mapapansin mong mas maganda ang quality ng iyong tulog, lalo na kung ikaw ay dating afternoon o evening coffee drinker.


4. MADALAS ANG PAGSAKIT NG ULO. Kapag itinigil ang pag-inom ng kape, ibig sabihin ay nade-deprive ang katawan sa adrenaline at dopamine, ang hormones na nagsisilbing stimulants para mapanatili tayong gising. Bagkus, kikilos ang adenosin — ang responsible hormone para sa rest at tiredness — at magdudulot ng pagbabago sa brain chemistry na magreresulta naman ng pagsakit ng ulo. Upang maiwasan ito, inirerekomenda ang paunti-unting pagbabawas ng caffeine intake hanggang sa tuluyan na itong maitigil.


5. HEALTHY SMILE. Alam nating acidic ang kape, ibig sabihin, nababawasan nito ang tooth enamel at nakaka-stain ng mga ngipin. Kapag binawasan ang caffeine intake, mas maaalagaan ang mga ngipin, gayundin, magandang hakbang ito upang pumuti ang mga ngipin.


6. HIRAP MAGPOKUS. Kapag hindi tayo nakapagkape, mas madali tayong nakakaramdam ng pagod at pagkairita, na posibleng makadagdag sa kawalan ng konsentrasyon. Upang makapagpokus, inirerekomenda ng mga eksperto na kumain ng minty gum para mapanatiling alerto ang utak.


7. MAS KALMADO. Kung nagiging sanhi ng pagiging aligaga ang sobra mong pagkakape, sorry, besh, pero oras na para tigilan ‘yan. Paliwanag ng mga eksperto, dahil ang kape ay isang stimulant, natural nitong napapataas ang level ng adrenaline at stress hormones sa iyong katawan. Kaya naman ang labis na pag-inom ng kape ay nagreresulta sa pagiging aligaga at irritable, lalo na kung ikaw ay sensitive sa caffeine.


Ngayong alam na natin ang mga epekto ng paghinto sa pag-inom ng kape, make sure na handa ka rito sa oras na mapagdesisyunan mong tumigil na sa pagkakape.


Tandaan lamang na unti-unting gawin ang paghinto sa pag-inom ng kape upang maiwasan ang withdrawal symptoms. Keri?

 
 

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| August 29, 2022



ree

Sa panahon ngayon, oks na ring investment ang gold dahil bukod sa puwede itong isanla o ibenta dahil tumataas ang value.


For sure, marami na r’yan ang nagsisimulang mangolekta ng iba’t ibang gintong alahas, hindi lamang para gawing accessory kundi para gawing investment. Oh, ha!


Pero bago ang lahat, anu-ano ang mga tests na puwedeng gawin upang malaman kung tunay o fake ang iyong ginto? Narito ang ilang paraan:


1. STAMP TEST. Hinahaluan ng ibang materyales tulad nickel, cooper at silver ang ginto. Sey ng experts, ito ay dahil malambot ang gold kaya kailangan itong dagdagan ng metal upang tumigas. Gayunman, minsan ay mas mataas ang porsyento ng mga alloy na ito kumpara sa gold, kaya bumabagsak ang ibang alahas sa gold genuinity test. Kailangan umanong 41.7% o 10 karats ng alahas ay gawa sa ginto para maisanla ito. Ibig sabihin, kahit gawa sa totoong ginto ang iyong alahas, kung mas nangingibabaw ang alloy content, hindi ito maituturing na authentic gold. Samantala, karaniwang inilalagay ng manufacturers ang stamp o tatak kung ilang porsyento ang ginto sa mga alahas. Nasa likod ito ng mga singsing at nasa labas ng mga barya at bullion.


2. MAGNET TEST. Dahil hindi dumidikit sa magnet ang ginto, mas madaling paraan ito upang malaman kung tunay ang alahas o hindi. Ipinapayo lamang na gumamit ng heavy-duty magnet. Gayunman, ipinapaalala na maaari pa ring dumikit ang alahas sa magnet kung yari sa metal ang clasp o chain, kaya tingnang mabuti kung ginto o bahaging metal ang dumikit sa magnet.


3. FLOAT TEST. Para gawin ang gold floating test, kumuha ng isang pitsel at punuan ito ng tubig. Ihulog ang alahas dito at tingnan kung bubulusok agad ito sa ilalim. Gayunman, tunay itong ginto kung mabilis itong mahuhulog. Mabagal umanong bumagsak ang pekeng ginto dahil may mga metal itong component. Tinatablan kasi ng water density ang mababang density ng pekeng alahas, kaya mabagal itong lumubog. Inirerekomenda itong gawin pagkatapos ng magnet test.


4. COLOR TEST. Kadalasan, ang sobrang kinang na alahas ay peke, kaya naman kilatising mabuti ang kinang ng ginto at ikumpara ito sa presyo nang iyong bilhin. Tandaan, malaki ang tsansa na peke ang ginto kung sobrang kinang nito at sobrang baba ng halaga. Ang pinakamakinang na ginto ay 24 karats, na palaging sinusubukang gayahin ng mga gold plating. Kaya naman, ‘wag basta magtiwala sa hitsura.


6. STREAK TEST. Makaskas man ang ginto sa magaspang na bagay, resistant dapat ang ginto. Upang malaman kung tunay ang gintong alahas sa pamamagitan ng streak test, marahang ikaskas ang alahas sa unglazed ceramic tile o ‘yung hindi pa napapalitadahang ceramic tile at kilatisin kung ano’ng kulay ng streak o mantsa ang maiiwan dito. Kung grey ang maiiwang mantsa, peke ang alahas, ngunit kung tunay itong ginto, makinang na kulay ng ginto ang maiiwan sa tile.


Ayan, mga bes, simple lang naman pala ang mga paraan para malaman kung tunay o ja-fake ang iyong ginto.


Gayunman, kung nag-aalangan kang gawin mag-isa ang mga naturang test, mabuting ipasuri sa mga pawnshop ang alahas.


Okie?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page