top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | March 12, 2023



ree


Mabuhay! Malapit na ang tag-init. Ito ay isang magandang pagkakataon upang mag-relax at mag-unwind. Nagpaplano ka bang magbakasyon at iniisip na bumisita sa Pilipinas? Isa ka ba sa mga taong interesado na tuklasin kung bakit mas masaya ang summer sa Pilipinas? O iyong mga pusong Pinoy na gustong pumunta rito at makita kung gaano kasaya ang summer sa Pilipinas? Tara at tuklasin natin!

1. MAYAYAMANG KASAYSAYAN NA LUGAR.Matagal nang itinuturing ng iba’t ibang nasyonalidad ang Pilipinas bilang ‘top tourist destination’. Hindi nagkukulang ang bansa sa mga nakamamanghang beach at kaakit-akit na lokasyon para sa mga turista, ngunit itinatampok din ang kamangha-manghang kasaysayan at kultura ng bansa. Para bigyan ka ng sense of scale, ang Pilipinas ay sinakop ng mga Kastila sa loob ng 333 taon bago kinuha ng mga Amerikano sa loob ng halos 40 taon. Tinangka ng mga British, Hapon, at iba pang mga bansa na makuha ang lupain sa loob ng mga naturang taon. Ngayon, ang Pilipinas ay naging isang cultural melting pot, at ang mga makasaysayang lugar nito ay may mahalagang papel sa ekonomiya ng turista.


2. MAKAPIGIL-HININGANG BEACHES AT NATURAL WONDERS. Ang Pilipinas ay “heaven on earth” para sa mga scuba diver, marine at animal fanatics, at lahat ng gumagalang sa kalikasan. Ang Pilipinas, na matatagpuan sa Coral Triangle sa mundo, ay may pinakamalawak na coral, flora at fauna, marine, bird, at reptile species. Ayon sa isang siyentipikong pag-aaral, ipinagmamalaki ng bansa ang largest concentration ng mga hayop, halaman, at mga coral species sa bawat unit area sa mundo. Ang Pilipinas ay tinawag na ‘center of biodiversity.’


Ang mga international magazines ay madalas na niraranggo ang Pilipinas bilang may pinakamagagandang beach at isla sa buong mundo.


3. MASASAYANG EVENTS AT FESTIVAL CELEBRATIONS. Daan-daang makukulay at puno ng musika ang nangingibabaw sa summer ng Pilipinas. Tuwing piyesta, ang buong nayon ay nakasuot ng magagandang costumes, naglilitawang magagandang dekorasyon at ilaw, at hindi kumpleto ang summer sa Pilipinas kung wala ang mga native festivities na mas nakakapagdagdag sa ganda nito. Kasama sa mga summer festivities sa Pilipinas ang Panagbenga Festival, Holy Week Celebrations, Moriones, Pahiyas, Santacruzan atbp.


4. MASAYANG NIGHTLIFE AT SHOPPING PLACES. Ang bansa ay may lubos na active nightlife. Sa mga bar at nightclub, hinding-hindi ka magkukulang sa mga lugar para uminom at sumayaw. Maaari kang bumisita sa maraming club sa Metro Manila, Metro Cebu, at Metro Davao. Kung pagkukumparahin, ang nightlife sa mga tourist island ay mas tahimik, nakatuon sa mga beach bar, live performances at act.


Bukod pa rito, ang pag-shopping ay kaugalian sa Pilipinas. Ang bansa ay may malalaking mall na idinisenyo tulad ng maliliit na lungsod, kumpleto sa mga department shop, restaurant, ice rink, spa, at mga sinehan na tumutugon sa kasiyahan ng mga mamimili.


Sa katunayan, tatlo sa pinakamalaking retail mall sa mundo ang matatagpuan dito, kung saan kitang-kita ang SM Malls sa buong mundo.

5. MASASARAP NA FILIPINO CUISINES AT SUMMER FOODS. Ang Filipino cuisines ay isang pagdiriwang ng kultura at tradisyon sa sarili nito. Ang panahon ng tag-init lamang ang nagpapahintulot sa mga Pilipino na gumawa ng mga summer foods upang magamit ang kanilang talino at pagkamalikhain tulad ng halo-halo. Kabilang sa iba pang paborito ng Pilipino ang sago’t gulaman, sorbetes, ice candy, at ice crumble. Bukod pa rito, mayroon silang mga kakaibang street foods, kasama ang mga sikat na lutuin tulad ng sinigang, sisig, lechon, balut, at adobo.


6. HOSPITABLE AT FRIENDLY LOCALS. Ang Pilipinas ay higit pa sa isang tourist destination. Binibigay na nito ang lahat ng hinahanap ng isang traveler — kultura, kasaysayan, natural na kagandahan, at higit sa lahat, ang mga tao. Bilang resulta, maaari mo itong ituring na iyong tahanan Higit pa rito, kinikilala ang mga Pilipino bilang masayahin, mabait, hospitable, at matulungin. Tiyak na ipapadama nila sa iyo ang perpektong tahanan. Bilang maaari silang makipag-usap at maunawaan ang Ingles. Hindi ka rin nila huhusgahan. Nakakakita sila ng kasiyahan sa paglilingkod sa iba at tinuturing ka nila parang isang pamilya.


Sa kabuuan, hindi ka mauubusan ng mga bagay na gagawin sa Pilipinas, at hindi ka mapapagod sa pagtuklas ng mga bagong bagay. Bakit mas masaya ang summer sa Pilipinas? Ikaw lang ang makakapagsabi niyan. Okie?


 
 

ni Jenny Rose Albason @Life & Style | March 8, 2023



ree


Maaring maging masaya ang paggamit ng teknolohiya para makakilala ng mga bagong tao, pero hindi lahat ay may magandang intensyon. Ang romance o friendship scammers ay naghahanap ng mga bagong teknik o paraan para makapanloko. Ito ang mga paraan para maiwasan itong bagong uri ng romance o friendship scam.


Ang mga scammer ay naghahanap ng mga bagong paraan para makausap ka at alukin ng pakikipagkaibigan o pakikipagrelasyon. Maaari ka nilang busugin sa mga papuri o magsabi ng mga nakakamanghang mga impormasyon tungkol sa kanilang sarili. Ang mga scammer na ito ay naghahanap ng paraan para maabot ang mga tao, hindi lamang sa pamamagitan ng dating sites.


Sila ay kilala na kumakausap ng mga tao sa pamamagamitan ng pagkomento sa mga public posts gamit ang social media o maging sa pamamagitan ng pag-text sa iyo at magpanggap na wrong number. Maaari rin silang makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng:


  • Pag-response sa iyong mga public comments sa Facebook o Instagram at maging sa pamamagitan ng mga forums tulad ng Reddit

  • Pag-send sa iyo ng direct message o DM gamit ang social media

  • Pagkonekta sa iyo sa mga dating sites

  • Makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng online video games

  • Pag-send ng e-mails sa iyo


Kapag nakilala ka na nila at nakuha ang iyong tiwala, makakahanap sila ng dahilan para humingi ng pera o mga personal mong impormasyon. Ito ang apat na paraan para maiwasan ito:

1. ‘WAG MANIWALA SA MGA PAPURI. Maraming romance/friendship scams o “wrong number” ang nag-uumpisa sa pagpuri sa ‘yo sa maraming bagay tulad ng iyong profile, kung ano’ng hitsura mo o sa isang bagay na iyong sinabi. Ito ay maaaring teknik para mas makilala ka at makuha ang iyong interes, kaya mag-ingat ka kung may isang taong hindi mo kilala na palaging nagbibigay sa ‘yo ng papuri.

2. MAG-INGAT SA MGA IBINABAHAGING IMPORMASYON. Sa online, texts o sa dating profiles, iwasang ibigay ang iyong personal details tulad ng iyong buong pangalan, address, at lugar na pinagtatrabahuan. Ang mga ibinabahagi mo online ay maaaring gamitin laban sa iyo ng mga scammer na makakakuha ng access sa iyong personal information.

3. MAGTIWALA SA IYONG MGA HINALA. Kung may masama kang hinala o napansin sa iyong kausap, tapusin ang usapan, burahin o i-block ang taong kumakausap sa iyo. Isa sa malaking senyales ng scam ay kapag ang taong ito ay nanghingi na ng pera sa iyo. Mas mabuting mag-ingat kaysa magsisi sa huli.


4. I-FILTER ANG MESSAGES. Karamihan sa mga social media sites ay pinapahintulutan ka na baguhin ang iyong settings upang ang malalapit na kaibigan mo lamang ang makakita ng iyong profile, gayundin, sila lang ang makakapag-send sa iyo ng message.


Suriin mo kung sino ang may access sa iyong profiles o account upang maiwasan ang mga unsolicited messages. Sa iyong mga telepono, maaari mong i-block o i-report ang mga numero ng mga kahina-hinalang mensahe na natatanggap mo.


Maging maingat sa paggamit ng social media dahil hindi lahat ng gumagamit nito ay mabubuting tao o may magandang intensyon. Kung ikaw ay isa sa mga nabiktima ng romance/friendship scam, mas maigi na i-report ito sa mga kinauukulan upang hindi na ito mangyari sa ibang tao.


Laging tandaan na ‘wag mag-overshare sa social media at panatilihing pribado ang iyong impormasyon. Gets mo?


 
 

ni Jersy L. Sanchez @Life & Style | March 5, 2023



ree


Mahilig ka bang makinig ng music?


Bukod sa isa itong paraan para magrelaks, marami rin tayong beshie r’yan na nag-e-express ng kanilang thoughts at emotion sa pamamagitan nito.


Pero beshies, knows n’yo ba na marami pang benepisyo ang pakikinig music, partikular sa ating health? Oh, ha!


Kaya mahilig ka man sa music o hindi, narito ang health benefits ng pakikinig nito:


1. LESS PAIN. Bagama’t hindi tuluyang nawawala ang pain o sakit dahil sa music, mayroon itong positive distraction. Sey ng experts, ang pakikinig sa music ay nakaka-trigger ng pag-release ng dopamine, isang brain chemical na may kaugnayan sa feelings of pleasure, na may malaking ‘role’ sa pain regulation.


2. IMMUNE SYSTEM BOOSTER. Lumabas sa ilang pag-aaral na ang pakikinig ng music ay nakakatulong sa immune system sa pamamagitan ng pagpapataas ng activity ng mga natural killer cells. Ang mga cells na ito ay nakakatulong upang pigilan ang pagkalat ng mga impeksyon at tumors.


3. EASES ANXIETY. Sa isang pag-aaral noong 2021, ang music ay nakakatulong na mabawasan ang mga sintomas ng anxiety. Inihalimbawa ng mga eksperto ang anxiety ng hospitalized children kung saan sa pamamagitan ng pakikinig ng music, bumaba umano ang anxiety ng mga ito bago ang medical procedure.


4.LOWERS BLOOD PRESSURE. Dahil may calming effect sa nervous system ang music, maaari rin itong makatulong sa pagpapababa ng blood pressure. Sa pag-aaral na isinagawa noong 2020 sa 30 young adults na may risk ng high blood pressure. Kalahati ng mga kalahok ay nakinig sa piano at flute music nang 30 minuto kada araw sa loob ng limang araw, sa apat na linggo. Sa pagtatapos ng pag-aaral, ang mga ito ay nakaranas ng reductions in systolic blood pressure.

5. IMPROVES MOOD. Sa pamamagitan ng pag-promote ng feelings of nostalgia at relaxation habang nababawasan ang feelings of distress at depression, maaari ring mapaganda ng music ang iyong mood. Ayon sa mga eksperto, may iba’t ibang uri ng music-related activities na nakakapagbigay ng ganitong benepisyo tulad ng intentional music listening, pagtugtog ng instrumento, group singing at shared music listening tulad ng pag-attend ng concert.


6. PROMOTES BETTER SLEEP. Ayon sa mga eksperto, ang pakikinig ng music ay nakakatulong sa pag-regulate ng stress hormone na cortisol. Gayundin, nagsisilbi itong distraction upang maiwasan ang ‘troubling thoughts’. Sa isang pag-aaral kung saan inalam ang mga uri ng music na nakakatulong para magkaroon ng magandang tulog ang mga estudyante, napag-alaman na epektib ang mga music features na may mababang nota at mas malakas na bass, mabagal na tempo na may non-danceable rhythms, at mas sustained na musical notes.

7. BOOSTS CONCENTRATION, FOCUS AND MEMORY. Lumabas sa isang pag-aaral na ang pakikinig ng music ay nakakatulong sa concentration at pag-retain ng mga impormasyon. Gayunman, ang uri ng music na iyong pinakikinggan ay may ibang epekto dahil nilinaw ng mga eskperto na may ilang uri ng music na nagdudulot ng distraction at nakakaapekto sa concentration.


Wow! Hindi lang pala talaga basta nakakaganda ng mood ang pakikinig ng music dahil napakarami pa nitong benepisyo sa ating health.


Kaya ano pang hinihintay mo? Gora na at makinig ng music para maranasan ang mga benepisyong nabanggit. Okie?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page