ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | january 15, 2024
Gaano n’yo katagal kayang pagsusuntukin ang isang punching bag? Kung pangkaraniwang tao ang aking tatanungin, malamang kaya lang nila itong gawin ng 10-20 minuto. Ngunit maniniwala ba kayong may lalaking umabot ng 55 hours na sumusuntok sa punching bag? Yes, mga ka-Bulgar. Tama kayo ng nababasa, at siya ay walang iba kundi si Sidhu Kshetri, 42-anyos.
Siya ay isang lifelong martial artist na kumatawan sa India. At siya ay pinarangalan ng Guinness World Record bilang isang longest marathon punching a punch-bag.
Ayon sa kanya, “I have been practicing martial arts for the last 25 years, and I am interested in contributing to my country, so I decided to attempt this world record.”
Ang kanyang pagpapakita ng galing at talento ay isang nakakapagod na pagsubok. Ang bawat challenger ay nangangailangan na maghagis ng suntok isang beses bawat segundo, at pagkatapos ng bawat hampas sa punching bag, ang braso ay dapat bumalik sa orihinal nitong posisyon.
Tulad ng marathon, pagkatapos ng bawat tuluy-tuloy na oras ng aktibidad, ang challenger ay pinahihintulutan ng limang minutong pahinga. Sa pahingang ito lamang makakakain, makakatulog, at makakagamit ng banyo si Kshetri.
“The pain started around the 20-hour mark. At that point, I reminded myself that it was a test of my limits. I believed that if I stayed emotionally strong, I could endure the pain.
The toughest phase was the second night, approximately 30 hours in, as it was a continuous period without sleep. Enduring that was tough, but the encouragement and support from my friends and family kept me going, allowing me to push my limits.
Although I hadn't thought of stopping, I kept telling myself: ‘Just one more hour.”
Pagbabahagi pa nito.
Hindi naging madali para kay Kshetri ang lahat, anim na buwan din siyang nagsanay at naghanda para rito, at gumugugol siya ng 8 hours per day para mag-ensayo. Kasama sa kanyang pang-araw-araw na gawain ang apat na oras na sesyon ng pagsasanay, mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-8 ng umaga, at muli siyang magsasanay pagsapit ng gabi.
Batay pa sa kanya, ang mas nakaka-challenge ay ang mental preparation. Kailangan umano niyang maging mentally and physically strong para rito.
Samantala noong 2013, nakamit din ni Kshetri ang isa pa niyang kampeonato sa pinakamaraming martial arts kicks sa loob ng tatlong minuto gamit lamang ang kanyang isang paa na may somatotal na 620 kicks. At noong taong 2011, nagsagawa rin siya ng pinakamaraming martial arts kicks sa isang minuto gamit lamang ang isang solong binti na umabot sa bilang na168.
Ngunit sa kasamaang palad, ang mga mga rekord na aking nabanggit ay na-beat ni Ahmad Amin Bodla, mula sa Pakistan. Pero, hindi pa rin umano magpapatalo si Kshetri dahil balak niya pa rin itong bawiin at naniniwala siyang kaya niyang talunin si Bodla.
Grabeng determinasyon ang ipinakita ni Kshetri, hindi ba mga ka-Bulgar? Kaya para sa ating mga inspiring martial artist d’yan na nagbabalak na sumubok, why not? Kung kinaya ng kampeonato si Kshetri, kakayanin din natin ito! Kailangan lang natin magkaroon ng tiwala sa ating sarili at mag-ensayo. Kaya ‘wag panghinaan ng loob.
Oki?
At para naman kay Mr. Kshetri, we salute you, and keep up the good work!