top of page
Search

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | September 5, 2023



Makalipas ang apat na dekada, hawak pa rin ng isang tao, bagama't yumao na, ang titulo bilang pinakamabigat sa buong mundo.


Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi si Jon Brower Minnoch na siyang may hawak pa rin ng Guinness World Record na may pinakamabigat na timbang sa buong mundo, at wala pang sinuman ang nakaka-beat sa kanyang pangmalakasang timbang.


Bata pa lang umano siya ay labis na ang kanyang katabaan, sa edad na 12 ay umabot na siya sa 132kg. At sa edad na 22, tumimbang siya ng 178kg. (392lb o 28st) at sa mga nagdaang buwan at taon ay patuloy pa rin na nadadagdagan ang kanyang timbang.


Bilang world record holder, ang timbang ni Minnoch ay umabot sa 1,400lbs, na halos katumbas ng 635kg.


Gayunman, dahil sa kanyang timbang ay dumanas siya ng iba’t ibang sakit tulad ng sakit sa puso, at ang isa pa niyang naging seryosong karamdaman ay ang edema na sa kasamaang palad ay pahirapan na umanong gamutin.


Noong 1978, kinakailangan siyang i-admit sa Seattle University Hospital, upang madala siya ru’n, nagtulung-tulong ang isang dosenang bumbero at ilan pang mga tao. Pagdating sa ospital, inilagay siya sa dalawang kama na ipinagdugtong, at kinailangang muli siyang buhatin ng 13 katao upang mailipat sa kama.


Sa kanyang pamamalagi sa ospital, bumaba ang kanyang timbang dahil sa mahigpit na diyeta na 1,200 calories lang umano ang puwede niyang kainin araw-araw. Kung susumahin ay aabot sa 419 kilo ang nabawas sa kanyang timbang. Samantala, noong 1981, nadagdagan na naman ang kanyang timbang ng halos 89kg., at kinakailangan muli siyang i-admit sa ospital.


Makalipas ang 23 months, sa kasamaang palad si Minnoch ay binawian ng buhay.


 
 

ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | September 1, 2023



Bilang isang dog owner, handa nating gawin ang lahat para sa ating mga alagang aso. Katulad na laman ng pagbanggon sa umaga para lang sila ay ipasyal, pagpapatawad matapos nilang sirain ang ating paboritong tsinelas at marami pang iba.


Ang ilan ay naniniwala sa kasabihang ang mga aso ay ang isang “man’s bestfriend” pero ang tanong na gustong malaman ng lahat, mahal din kaya tayo ng ating mga alagang aso? Kung oo, paano natin ito malalaman? Simple lang, dahil sa artikulong ito malalaman na rin natin ang mga sign na mahal ka ng iyong alagang aso nang higit pa sa sarili nilang buhay. Halina’t isa-isahin na natin ‘to!

  1. MASAYA SILA T’WING NAKIKITA KA. Kadalasan sa mga aso t’wing nakikita nila ang kanilang mga amo ay labis ang kanilang galak. Biruin mo ‘yun, ‘yung simpleng pagtahol at pagtalon ay isang na rin pala kung paano nila maipapakita ang kanilang pagmamahal sa iyo.

  2. PAGBIBIGAY SA IYO NG REGALO. Tuwing inaabutan nila tayo ng kanilang paboritong laruan ang buong akala natin ay nais nilang makipaglaro, ngunit kadalasan, binibigay nila ito bilang isang regalo. Gusto nilang i-share ang kanilang paboritong gamit sa mga taong mahal nila.

  3. GUSTO KANG MAKATABI MATULOG. Ang mga aso ay likas na alerto sa mga banta na maaaring mangyari sa ating kapaligiran. Kaya mas nais nilang tumabi sa ating pagtulog ay dahil sa tingin nila ligtas sila sa kapahamakan tuwing katabi nila tayo.

  4. WALANG PAKIALAM SA HITSURA MO. Kung nilalambing ka pa rin ng iyong alagang aso kahit na mabaho ang iyong hininga sa umaga, pawis na pawis sa pag-e-ehersisyo, kahit magulo ang iyong buhok, at haggard, malamang na ito ay isang senyales na mahal talaga tayo ng ating mga alagang aso.

  5. SINUSUNDAN KA. Consider yourself loved kung sa tingin mo ay hindi ka makagawa ng isang hakbang nang wala ang iyong alagang aso. Ang mga aso ay laging nakabuntot sa iyo nang higit pa sa seguridad. Mas gusto nilang makasama ka kaysa sa ibang tao.

Knows n’yo rin ba mga ka-BULGAR na ang brain activity ng mga aso ay tumataas kapag nakakarinig sila ng masasayang tunog, tulad ng mga papuri. Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita rin kung paano binibigyang-kahulugan ng mga aso at kanilang mga amo.


Samantala, ang mga aso ay may kakayahan na makita ang mga pagbabago sa boses at kilos ng tao. Kaya naman, sa lahat ng hayop sa mundo, ang mga aso ang itinuturing nating ‘best friend’ hindi ba?


 
 

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | September 1, 2023



Ang iba ay gumagastos pa buwan-buwan para sa nail extension na usung-uso ngayon, at ang iba naman ay namomroblema kung paano nila pahahabain ang kanilang mga kuko.


Malamang sa malamang ay bumilib kayo kay Lee Redmond, dahil nasungkit lang naman niya ang titulong may pinakamahabang kuko sa buong mundo.


Noong 1979, napagdesisyunan ni Redmond na pahabain na lamang ang kanyang mga kuko. Makalipas ang 30 years, umabot na ito sa 8.56 meters (28 ft 4.5 in).


Sa kabila ng pagkakaroon ng mahahabang kuko, patuloy na gumagawa ng kanilang gawaing-bahay si Redmond. Nagagawa pa rin niyang maglinis, maglaba at marami pang iba.


Kahit noong magkasakit umano ang kanyang mister ng Alzheimer, nagawa niyang alagaan at asikasuhin ito.


Gayunman, taong 2009 nang maaksidente si Redmond habang minamaneho ang kanyang SUV.


Nagtamo siya ng serious injury at ang kanyang pinakaiingatang mga kuko sa loob ng tatlong dekada ay nasira at naputol.


Bagama't nakakalungkot at nakapanghihinayang, nagawa naman ni Redmond na masungkit muna ang titulong may pinakamahabang kuko sa Guinness World Record.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page