top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | September 10, 2023


ree

Bulate sa tiyan, oo, pero sa utak at buhay pa, talaga ba?!!


Nagulat ang mga doktor sa Australia sa natuklasang buhay na bulate sa utak ng isang babaeng pasyente.


Simula taong 2021, ginagamot na ng mga doktor ang 64-anyos na babae gamit ang steroid at iba pang gamot para sa pneumonia, pananakit ng tiyan, pagtatae, tuyong ubo, lagnat at pagpapawis tuwing gabi.


Pagsapit ng 2022, nagpakita rin siya ng mga sintomas ng depresyon at pagiging makakalimutin, kaya nagsagawa ang mga doktor ng isang MRI scan sa kanyang utak, at may nakitang abnormalities na naging dahilan upang magrekomenda ang mga doktor ng operasyon.


Hanggang sa madiskubre ng surgical team ang 3-pulgada at mapulang bulate o Ophidascaris robertsi na karaniwang makikita sa ahas, at hindi sa tao. Posible umanong ito ang unang pagkakataon.


Ang partikular na roundworm na ito ay matatagpuan sa mga carpet python, isang malaking species ng constrictor na endemic sa Australia, Indonesia at Papua New Guinea.


Hindi pa matiyak ng mga doktor kung paano nakapasok ang bulate ng ahas sa katawan ng babae. Wala umano siyang direct contact sa mga ahas, bagama't naninirahan siya malapit sa isang lawa kung saan maraming ahas.


Ayon sa mga eksperto, posibleng ang mga itlog ng bulate ay nasa ilang halaman na nakakain o kilala bilang New Zealand spinach na kinokolekta ng babae para sa pagluluto.


Dahil wala pang taong na-diagnose na may ganitong parasitic infection, kinailangan ng mga doktor na i-adjust ang gamutan ng pasyente sa loob ng ilang buwan upang gamutin ang kanyang mga sintomas.


Ang kauna-unahang impeksyon na ito ay nagpapakita kung paano ang mga sakit na dating matatagpuan lamang sa mga hayop ay mabilis na lumilipat sa mga tao.

 
 

ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | September 10, 2023


ree


Marami sa mga kabataan ngayon ang walang kumpiyansa sa kanilang sarili.


Napakaimportante nitong mabuo upang maging handa silang harapin ang mundo sa sarili nilang mga paa.

Importante itong talakayin, dahil malaki ang maitutulong nito sa kanila, upang mapagtagumpayan nila ang anumang pagsubok sa buhay, dahil ang mga taong mayroong matibay na self-confidence ay ‘di takot sumubok ng mga bagong bagay.

Lingid din sa inyong kaalaman, maraming bagay ang maaaring maging dahilan upang mawalan ng self-confidence ang isang tao. Ito ay karaniwang nahuhubog dahil sa family life, mga bagay na maaaring naranasan nila noong sila ay bata pa at iba pang mga karanasan sa buhay. Bukod pa rito, maaaring makaapekto rin ang genetics sa confidence ng isang tao.

Nais mo rin bang maging mas confident? Don’t worry, dahil naghanda kami ng mga tips na maaaring makatulong sa iyo.

  1. BE PROUD OF SMALL THINGS. Ang mga taong may self-confidence ay naniniwala sa kanilang goals sa buhay, upang maging kaisa sa kanila gumamit ka ng isang journal at dito mo isulat ang lahat ng gusto mo. I-celebrate mo ang lahat ng iyong tagumpay, gaano man ito kalaki o kaliit. Ang bawat tagumpay natin ay makakatulong upang mas tumaas ang tiwala natin sa ating sarili.

  2. HUWAG MANGHUSGA. Ang panghuhusga sa ibang tao ay nangangahulugan na mayroon silang isang bagay na wala sa iyo. Sa halip na manghusga, subukan mong hanapin ang mga bagay na nagiging dahilan kung bakit sila espesyal at gumawa ka ng paraan upang magkaroon ka rin nito. Ang bawat tao ay may natatanging talento na maaari nilang ibahagi sa mundo. Isipin mo na lang na ang taong hinuhusgahan mo ay maaaring wala ring self-confidence. Ang panget naman nu’n, ‘di ba? Nanghawa ka pa ng negativity.

  3. ‘WAG IKUMPARA ANG SARILI. Sa halip na mainggit sa progress ng iba, mas mabuting magpokus sa sarili mong progress. Bakit? Hindi ito makatutulong dahil lalo lang itong magpapababa ng confidence mo. Sa halip, bigyang-pansin mo ang iyong strength at weaknesses para malaman kung paano pagbubutihin ang mga ito.

  4. SPEAK-UP. Ang mga taong may self-confidence ay hindi natatakot na magsalita at ipahayag ang kanilang mga opinyon. Kung mayroon silang importanteng bagay na ibabahagi, ginagawa nila ito nang may kumpiyansa, at hindi sila natatakot na magkamali. Sa halip, ginagamit pa nila ang feedback ng ibang tao bilang paraan upang mas matuto.

  5. MATUTONG MAKINIG. Makakakuha ka ng bagong impormasyon sa pamamagitan ng pakikinig sa iba, lalo na sa mga taong may karanasan sa buhay. Maaari kang matuto ng mga bagong kasanayan at palawakin ang iyong kaalaman na maaaring magpataas ng iyong confidence level.

  6. TANGGAPIN NA OKEY LANG ANG MAGKAMALI. Hindi natatakot na magkamali ang mga taong may self-confidence. Sa halip, tinitingnan nila ito upang mabigay sila ng oportunidad para mas matuto mula sa kanilang pagkakamali. Sa tuwing, nagkamali sila sa isang bagay, naghahanap sila ng paraan upang mas mapabuti pa sila sa hinaharap. Tanggapin natin ito dahil kahit na angmga taong confident ay nagkakamali rin.

  7. MAG-EXERCISE. Hindi tuwing trip mo lang, ha? Dapat tayong mag-ehersisyo nang regular nang sa gayun ay ma-set ang ating sistema at mood. Nakatutulong ang pag-e-exercise sa pagkakaroon ng clear goals at isipan. Tara na at tanggalin ang mga taba at negativities sa katawan


Reminder lang mga ka-BULGAR, lahat tayo ay maaaring matuto kung paano maging confident sa iba’t ibang paraan. ‘Ika nga, ‘what may work for some may not work for all,” at okey lang ‘yun.


Sabay-sabay nating gawin ang ilang tips na ito nang sa gayun ay mabalewala ang standards ng lipunan at mas maraming tao ang maging confident.


Ayos ba?


 
 

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | September 5, 2023


ree

Makalipas ang apat na dekada, hawak pa rin ng isang tao, bagama't yumao na, ang titulo bilang pinakamabigat sa buong mundo.


Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi si Jon Brower Minnoch na siyang may hawak pa rin ng Guinness World Record na may pinakamabigat na timbang sa buong mundo, at wala pang sinuman ang nakaka-beat sa kanyang pangmalakasang timbang.


Bata pa lang umano siya ay labis na ang kanyang katabaan, sa edad na 12 ay umabot na siya sa 132kg. At sa edad na 22, tumimbang siya ng 178kg. (392lb o 28st) at sa mga nagdaang buwan at taon ay patuloy pa rin na nadadagdagan ang kanyang timbang.


Bilang world record holder, ang timbang ni Minnoch ay umabot sa 1,400lbs, na halos katumbas ng 635kg.


Gayunman, dahil sa kanyang timbang ay dumanas siya ng iba’t ibang sakit tulad ng sakit sa puso, at ang isa pa niyang naging seryosong karamdaman ay ang edema na sa kasamaang palad ay pahirapan na umanong gamutin.


Noong 1978, kinakailangan siyang i-admit sa Seattle University Hospital, upang madala siya ru’n, nagtulung-tulong ang isang dosenang bumbero at ilan pang mga tao. Pagdating sa ospital, inilagay siya sa dalawang kama na ipinagdugtong, at kinailangang muli siyang buhatin ng 13 katao upang mailipat sa kama.


Sa kanyang pamamalagi sa ospital, bumaba ang kanyang timbang dahil sa mahigpit na diyeta na 1,200 calories lang umano ang puwede niyang kainin araw-araw. Kung susumahin ay aabot sa 419 kilo ang nabawas sa kanyang timbang. Samantala, noong 1981, nadagdagan na naman ang kanyang timbang ng halos 89kg., at kinakailangan muli siyang i-admit sa ospital.


Makalipas ang 23 months, sa kasamaang palad si Minnoch ay binawian ng buhay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page