top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 18, 2021


ree

Ngayong niluwagan na ang restrictions kontra-COVID-19 at kamakailan lamang ay inanunsiyo ng pamahalaan na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shields, ano nga ba ang maaaring gawin dito?


Dagdag-problema na ngayon sa plastic waste ang face shield na madalas ay itinatapon na lang kung saan-saan.


Noong una pa lamang ay tutol na ang environmental groups sa paggamit ng face shields dahil dagdag polusyon lamang daw ito sa ating bansa.


"There is no way that you can safely process it, and then keep it that will not harm the environment because it will. A typical plastic in a face shield that we are using will last 500 years in the environment," ani Ramon San Pascual, Executive Director ng Healthcare Without Harm - Southeast Asia.


"If there’s a way to make use of it, recycle it, project in school. Find ways to repurpose it or reuse it. Disposing it will just add up more pollution and that is something the government has not thought of," dagdag niya.


Ayon naman sa National Solid Waste Management Commission, huwag munang itapon ang mga face shield hangga't hindi pa natatapos ang pandemya dahil posibleng kailanganin muli ito. Dagdag nila, puwede rin itong i-recycyle basta i-sanitize.


“If they want to convert into parols, torotot, disinfect lang. Those face shields naman, it’s not coming from hospital. These are not hospital waste. These are technically not infectious," ani NSWMC Vice Chairman Commissioner Crispian Lao.


Samantala, nagpaalala ang DENR sa mga lokal na pamahalaan na responsibilidad nila ang pagkolekta at tamang pag-dispose ng mga face shield na dapat dumaraan sa mga accredited na ahensiya.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 9, 2021


ree

Nakatakdang i-launch ng multi-Grammy award-winning singer na si Ariana Grande ang sarili niyang cosmetics line ngayong Nobyembre.


Ito ay tatawaging R.E.M. Beauty at ayon sa website nito, mayroon itong slogan na “where your beauty dreams become reality.”


Ipimakita ni Ariana ang first look sa “Chapter 1 — Ultraviolet” products, na naglalaman ng eye products tulad ng kohl at liquid eyeliners, eye shadow palettes, lashes, at mascara.


Kabilang din sa nasabing collection ang “ten interstellar highlighter toppers,” collar matte lipstick, “practically permanent lip stain markers,” “collar plumping lip glosses” at “utmost importance plumping lip gloss.”


Ayon sa Glamour Magazine, puwede nang bumili ng R.E.M. Beauty “Chapter 1” sa November 12, at ito ay exclusively available lamang sa rembeauty.com.


Ayon pa report, ang cosmetics line ay ipinangalan sa “REM” (rapid eye movement), isang fan-favorite song mula sa 2018 album ni Ariana na “Sweetener.”


“I decided to name [my brand] REM because I feel like that song really encompasses a lot of my favorite parts of my sound, sonically,” ani Ariana.


Ang R.E.M. Beauty ay “heavily inspired” din sa hilig ni Ariana sa sci-fi, space, vintage, at horror.

“I wanted to create our own world with this packaging,” aniya.


“Sort of futuristic, but nostalgic throwback. Anything that looks like it could have been on Star Trek or Barbarella or Star Wars or Black Mirror.”


Sa kanyang Instagram account, nagpo-post din si Ariana ng updates tungkol sa kanyang venture.


Para sa updates and information sa R.E.M. Beauty, i-follow ang kanilang official Instagram account o mag-sign up para sa mailing list.

 
 

sakit ng ngipin.


ni Justine Daguno - @Life and Style | October 05, 2021



ree

Isa sa napakahirap indahin sa buhay ay ang sumasakit na ngipin. True naman, hindi ito ganu’n kadaling dedmahin, lalo pa’t bukod sa pakikipag-chikahan, isa sa mga paborito nating gawin ay ang kumain.


Madalas, may pagkakataon pa na kahit lumaklak na ng gamot ay tila wa’ epek pa rin, kaya’t imbes na sakit sa ngipin lang ang problema, madadamay pati ang ulo dahil sobrang nakaka-stress talaga ‘to. Feel mo?


Pero, worry no more dahil keri nang i-relieve ang sakit ng ngipin sa mga simpleng paraan. Goods ‘to dahil mura na, natural pa, sundin lamang ang ilang steps nito:

1. TUBIG NA MAY ASIN. Knows n’yo ba na ang tubig na may asin ay natural na disinfectant? Sa pagmumumog nito, madaling naaalis ang mga bakterya mula sa naiwang pagkain at iba pang particles na naipon sa ngipin na dahilan kaya ito sumasakit. Gayundin, makatutulong ito upang maiwasan ang pamamaga sa bahaging ito. Sa paggamit nito, ihalo lamang ang 1/2 teaspoon (tsp) ng asin sa isang baso ng maligamgam na tubig saka ito gamitin bilang mouthwash o imumog ilang minuto pagkatapos magsepilyo.


2. HYDROGEN PEROXIDE. Epektibo rin na pang-remedyo sa sakit at pamamaga ng ngipin ang pagmumumog ng hydrogen peroxide o agua oxigenada. Ito rin ay mabisang nakapapatay ng bakterya at nakapagpapatigil ng pagdurugo ng gilagid. Bago ito gamiting pangmumog, kailangang pantay ang dami nito sa tubig na meron ang iyong baso (hindi kailangang puno) saka ito haluin at siguraduhing na-dilute ito saka imumog sa loob ng isa hanggang dalawang minuto.


3. COLD COMPRESS. Oks din gumamit ng cold compress upang mapawi ang sakit ng ngipin, lalo na kung trauma o pagkabunggo ang dahilan ng pagsakit nito. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang pamamaga. Ibalot lamang ang ilang cubes o katamtamang laki ng yelo sa towel saka ito idampi sa apektadong bahagi sa loob ng 20-minuto, maaari itong ulitin kada dalawang oras hanggang sa tuluyang humupa ang pamamaga o mawala ang sakit.


4. PEPPERMINT TEA BAGS. Ito naman ay mabisang pampamanhid o pampakalma ng sensitive na gilagid. Kumuha lamang ng peppermint tea bags na bahagya lamang pinalamig (kailangang may katamtaman itong init) saka ito ilagay sa masakit na bahagi. Maaari ring gumamit ng malamig nito, pero kailangan itong ilagay sa freezer ng ilang minuto bago gamitin.


5. BAWANG. Kilala ang bawang dahil sa dami ng medical alternatives nito. Hindi lamang ito pamatay ng mga bakterya sa ngipin o iba pang bahagi ng bunganga, kundi epektibo rin itong pain reliever. Magdurog lamang ng bawang hanggang sa tila maging paste ang consistency nito saka ilagay sa masakit na bahagi. Maaari rin itong lagyan ng kaunting asin upang mas maging epektibo.

Tandaan na ang mga nabanggit natin ay pansamantalang pamawi lamang ng sakit ng ngipin. Magkakaiba ang dahilan kung bakit ito sumasakit kaya mahalagang malunasan ito depende sa sitwasyon. May pagkakataong ang dahilan ay kulang lamang sa good hygiene, pero madalas ay kailangan na talagang bumisita sa dentista. ‘Ika nga ng mga ito, “Ano’ng gusto mo, isang bisita lang o paulit-ulit na pagsakit ng ngipin?” ‘Yan, mamili ka. Okie?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page