top of page
Search

ni Mabel G. Vieron - OJT @Life & Style | March 28, 2023



ree


Ang salitang ‘procrastination’ ay numero-unong kalaban ng tao, partikular sa mga gawain.


Ito ay matatawag na “magnanakaw ng oras,” at kapag hinayaan mong mangyari sa iyo ito, tiyak na maraming bagay ang hindi mo masisimulan o bagama’t nasimulan mo na, hindi naman matapus-tapos dahil inatake ka nito.


Ang kadalasang dinadahilan natin ay ang mga salitang “mamaya na lang” o “maaga pa naman”. Narito ang mga paraan kung paano natin maiiwasan ang procrastination:


  1. GUMAWA NG LISTAHAN NG MGA GAGAWIN AT MAGTAKDA NG DEADLINE. Ang paggawa ng schedule ay isa sa mga pinakamabisang paraan. Kadalasan kasi, ‘pag inabot tayo ng takdang oras ng gawain ay ipinagpapaliban na natin ito. Mas mabuting magtakda na rin ng deadline kung kailan mo dapat ito matapos. Okey din na doblehin ang oras ng deadline na iyong ginawa. Sa ganitong paraan, tiyak na matatapos mo ang iyong mga gawain.

  2. IWASAN ANG MGA DISTRACTIONS. Kung may nasisimulan ka nang gawain, iwasang ma-distract habang ginagawa ito. Siguraduhing naka-off ang TV, radyo, at mobile phone. Kung maaari, lalo na kung mabilis kang magambala, wala sanang ibang tao sa oras na may ginagawa ka.

  3. UNAHING GAWIN ANG MAHAHALAGANG BAGAY. Unahin mo ‘yung mga bagay na alam mong kakain ng maraming oras, mabisang paraan din ito para hindi ka tamarin sa mga susunod mong gagawin.

  4. MAGPAHINGA. Maaari kang gumamit ng “Pomodoro Technique”, isa itong paraan ng pamamahala ng oras, kung saan pagkatapos ng 25 minuto na pagtatrabaho ay magpapahinga ka ng limang minuto. Sa ganitong paraan, maipapahinga mo ang iyong katawan at isipan upang mapaghandaan mo ang mga susunod na gagawin.

  5. IWASAN ANG PAGIGING PERFECTIONIST. Kadalasan, kaya hindi nasisimulan o ‘di natatapos ang isang bagay na pinapagawa sa ‘yo ay dahil natatakot kang magkamali. Tandaan, walang taong perpekto, kaya hindi ka dapat mag-isip na kailangan mong maging perpekto sa lahat ng bagay.


6. BIGYAN NG REWARD ANG SARILI. Pagkatapos ng nakakapagod na trabaho, nararapat lang na bigyan mo rin ng oras o gantimpala ang iyong sarili. Maaaring magkape sa labas o kumain kasama ang pamilya. Mabisa rin itong paraan para labanan ang procrastination dahil alam mo sa iyong sarili na pagkatapos ng nakakapagod na trabaho ay may ginhawang naghihintay sa iyo.


Oh, mga ka-BULGAR, alam niyo na kung paano maiiwasan ang procrastination, kaya ‘wag tayong magpapalupig sa katamaran at maging productive! Gets mo?


 
 

ni Loraine Fuasan @Life & Style | March 26, 2023



ree


Ang pagba-badyet ay isang diskarte kung paano mapupunan ang iyong pangangailangan base sa hawak mong pera.


Pagdating sa pagnenegosyo, malaking bagay ang pagba-badyet dahil ito ang hakbang para matukoy ang halaga ng ilalabas na pera, gayundin, kung paano gagamitin ang budget sa bawat pangangailangan ng iyong negosyo.


Ang pagba-badyet ay pundasyon ng kaunlaran at seguridad ng negosyo. Nagbibigay-daan upang subaybayan at mas maunawaan kung ang iyong kabuhayan ay nagdadala ng sapat na kita upang maibalik ang iyong puhunan at matiyak na may kikitain ka.


Maaari kang gumawa ng mas mahusay na mga desisyon sa pananalapi sa pamamagitan ng tamang pagba-badyet gamit ang mga tips na ito:



1. MAGING REALISTIC SA PAG-BABADYET NG PERA. Ibig sabihin, isantabi ang pagiging magarbo para sa negosyo at magpokus sa kung ano ang mayroon ka. Ito ang paraan upang makagawa ka ng mas mainam na desisyon para sa ikabubuti ng iyong negosyo. Kung kaya, maging wais sa pagtitipid at huwag isakripisyo ang kalidad ng iyong produkto. Dapat nakabase ka sa aktuwal na sitwasyon o calculated projections. Halimbawa, sa presyo ng bilihin, renta, utilities, at target market.


2. MAGLISTA NG MGA KAILANGAN PARA SA IYONG NEGOSYO. Dapat may talaan ng lahat ng pera na pumapasok at lumalabas. Halimbawa, kung nagbebenta ka ng mga merienda, upang makabili ng mga sangkap para rito, kailangan mong ilista ang lahat ng mga kailangang bilhin dahil maaaring ikagulat mo ang maliliit na bagay kung makalimutan mo ang mga ito. Kahit ang mga ito ay maliit na negosyo, ang lahat ng mga gastos sa pagpapatakbo nito ay dapat na nakalista.

3. IPRAYORIDAD ANG MAHAHALAGANG GASTOS. Isa sa dapat matutunan ng bawat bagong negosyante ay ang unahin ang mga priority expenses tulad ng inuupahang puwesto, utilities, at sahod ng mga staff. Sanayin ang sarili na unahing bayaran ang mga ito dahil ito ang pundasyon ng magandang negosyo.

4. MAGHANDA PARA SA MGA ‘DI INAASAHANG PANGYAYARI. Halimbawa, noong nagsimula kang magtayo ng karinderya, ay P40 lang ang presyo ng bigas per kilo, pero ngayon ay nasa P55 na dahil sa inflation. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangang may backup plan ka, halimbawa, maghanap ng bagong supplier.

5. ‘WAG MAGSAYANG NG KAGAMITAN. Huwag mag-aksaya ng mga kagamitan na puwede pang gamitin sa iyong negosyo. Kung hindi pa naman masaydong sira at puwede pang magamit, pagtiyagaan ito upang makatipid, ngunit siguraduhin na palaging malinis ang lahat ng kagamitan, lalo na kung ito ay ginagamit sa pagluluto.


Ang mga tips na ito ay siguradong malaking tulong sa pagpapaunlad ng iyong negosyo.


Tandaan at isagawa ang mga ito kung nais mong magnegosyo o kung kabilang ka sa mga nagsisimulang negosyante. Okie?


 
 

ni Zel Fernandez | April 20, 2022


ree

Kulang dalawang linggo na lamang bago ang coronation night, ipinasilip na ng Miss Universe Philippines Organization ang bago nitong korona na mala-‘Pearl of the Orient’ ang dating.


Kasama sina Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez at Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup-Lee, ini-reveal ng international luxury brand Jewelmer executives ang bagong korona sa Miss Universe Philippines Gala Night sa Hilton Manila.


Sa isang post sa Facebook page ng MUPH organization, ibinahagi na ang La Mer en Majesté Crown ay inspired umano mula sa mga karagatan ng Pilipinas at ng national gem nito na golden South Sea pearl na sumisimbolo sa ‘harmonious relationship’ ng mga tao sa kalikasan at sumasalamin sa katangian ng mga Pinoy.


Pahayag pa ng organisasyon, “The Miss Universe Philippines Organization and Jewelmer envision this crown as an homage to her majesty, the sea, for she is the queen of the elements. Generous and powerful, she provided the world with this precious gem and contributed the crowned jewel to this exceptional masterpiece, the illustrious Miss Universe Philippines Crown”.


Ang La Mer en Majesté Crown ang magiging pangalawang korona para sa pageant’s franchise, matapos ang “Filipina” crown na inilabas noong 2020.


Sa April 30 gaganapin ang Miss Universe Philippines 2022 Coronation Night, alas-7 ng gabi sa SM Mall of Asia Arena.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page