top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 21, 2023



ree

Nagpaplano ang isa pang saksi na bawiin ang kanyang mga akusasyon laban kay dating Senador Leila de Lima at iba pa na maling naakusahan sa korte.


Sa isang liham na may petsang Disyembre 18 kay Muntinlupa RTC Branch 206, naglalayon si Ret. Police Brig. Gen. Jerry Valeroso na bawiin ang kanyang mga pahayag laban kay De Lima, na layuning palayain ang mga "wrongly charged individuals" sa korte.


Idinadahilan din ni Valeroso na puro tsismis at puno ng kasinungalingan ang mga reklamo laban kay De Lima at sa iba.


“Because my conscience disturbed me, I planned to recant in early 2019. However, fearing for my life and my family’s safety, I lost the courage to do so,” pahayag ni Valeroso.


Binabalak ng retiradong pulis na isumite ang kanyang opisyal na salaysay ng pagbawi sa RTC pagkatapos kumonsulta sa kanyang abogado.


Ika-13 na saksi si Valeroso na bumawi sa kanyang mga pahayag laban kay De Lima, na isang kilalang kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 5, 2023



ree

Hinimok ni dating Senador Leila de Lima si Bise-Presidente Sara Duterte nu'ng Lunes, Disyembre 4, na magbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) matapos hindi sumang-ayon sa desisyon ng pamahalaang magpatawad sa mga rebelde at ituloy ang usapang kapayapaan sa komunistang grupo.


Saad niya sa kanyang post sa 'X', wala sa hurisdiksiyon ng Vice-Pres. bilang kalihim ng edukasyon ang usaping kapayapaan.


Aniya, "She should resign as Deped Sec if she keeps on publicly opposing BBM's Cabinet policy decisions that have nothing to do with DepEd."


Iginiit ni De Lima na bilang kalihim ng edukasyon, si VP Sara ay bahagi ng Gabinete ni Marcos at maaari lamang niyang punahin ang mga patakaran ng punong ehekutibo kung siya ay nagsasalita bilang bise presidente.


Matatandaang nagbigay ng amnestiya sa dati at mga kasalukuyang miyembro ng mga rebeldeng grupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nu'ng Nobyembre 24.


 
 

FPni Angela Fernando - Trainee @News | November 21, 2023



ree

Hiniling ni dating Senadora Leila de Lima sa isang korte sa Muntinlupa ngayong Martes na dalhin ang pitong bilanggo na nagbigay ng maling testimonya sa kanyang mga kaso ukol sa droga.


Sa isinumiteng pahayag sa Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 206, ibinahagi ni De Lima na nakatanggap siya ng liham na may lagda nina German Agojo, Tomas Doniña, Jaime Patcho, Wu Tuan Yuan o mas kilala bilang Peter Co, Engelberto Durano, Jerry Pepino, at Hans Anton Tan.


Nakasaad sa liham na sila ay napilitan lang tumestigo laban kay De Lima dahil may nag-impluwensiya sa kanila.


Dagdag pa, may banta sa buhay ng pito at sa kanilang pamilya kaya sila napilitang tumestigo.


Hiningi umano ng pitong ilipat sila mula sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro upang masiguro ang kanilang kaligtasan.


Dahil dito, hiniling ni De Lima sa Muntinlupa RTC na dalhin ang pitong bilanggo sa harap ng korte upang patotohanan ang kanilang alegasyon


Nakiusap din ang dating senadora na ilipat ang mga bilanggo mula sa Sablayan patungong New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, kung may katotohanan man ang kanilang sinabi sa liham.


Ito ay matapos makalaya ni De Lima kamakailan mula sa halos pitong taon niyang pagkakapiit.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page