top of page
Search

Aabot sa 301 mga opisyal ng barangay ang kinasuhan ng Philippine National Police (PNP) dahil sa umano’y mga iregularidad ng distribusyon ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya, ipinatiyak ni DILG Secretary Eduardo Año sa PNP na hahabulin ang tiwaling barangay at local government officials kaya’t hindi titigilan ang pag-uusig sa mga ito.

"Hindi po hihinto ang DILG at ang PNP sa paghabol sa mga kurakot na barangay, LGU officials, at personnel na ito," pahayag ni Malaya.

Nagsasagawa na rin ng case build up sa 76 pang barangay officials.

Sa huling data ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, nakatanggap na ang pambansang pulisya ng kabuuang 381 na reklamo laban sa korupsiyon ng mga barangay officials.

Bukod sa mga barangay chairman at kagawad, may ilang barangay secretary, health worker, treasurer, SK chairman at mga lokal na empleyado ang inireklamo sa PNP.

Kabilang sa mga reklamo ay ang paglabag sa Republic Act 3019 o the Anti-Graft and Corrupt Practices, RA 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act, at RA 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases.

 
 
  • Gina Pleñago
  • Jun 4, 2020

Kaugnay ng "World Bicycle Day", inilunsad ng Taguig City ang komprehensibong plano upang maipaliwanag ang kahalagahan ng pagbibisikleta bilang transportasyon.

Layon nilang maisulong ang lungsod bilang "Bike City" at makapagbigay ng bisikleta sa mga health centers upang magamit sa pagpapatrulya para masiguro ang kaligtasan at nasusunod ang health protocols.

Nagtalaga rin ng mga bike lanes sa kahabaan ng Cayetano Blvd., Bayani Road at isinaayos ang protected bike lane sa kahabaan ng C6 para sa tatlong araw na demo.

Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng "BIKE FRIENDLY" Ordinance na nilagdaan nitong Hunyo 1.

Ayon kay Taguig City Councilor Atty. Darwin Icay, hindi lamang ito makatutulong sa kalikasan kundi mababawasan din ang volume ng mga sasakyan sa lansangan.

Hinikayat din ng LGU ang lahat ng establisimyento partikular ang mga mall na maglagay ng space para sa mga bike at para na rin sa safety at hindi manakaw ang kanilang mga bisikleta.

 
 

Isang testigo sa Maguindanao massacre ang sugatan makaraang tambangan kahapon sa South Cotabato.

Lulan ng sasakyan si Mohamad Sangki nang pagbabarilin sa Tantangan.

Ayon sa abogado ng mga biktima ng Maguindanao massacre na si Atty. Nena Santos, nasugatan si Sangki at kanyang bodyguard dahil sa pagbangga ng sasakyan nang mangyari ang pamamaril.

Nagawa namang makaganti ng putok ng security ni Sangki at tinamaan ang isa sa mga suspek.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page