top of page
Search

Utas ang isang lalaki sa Albuera, Leyte nang barilin umano ng kanilang barangay chairman nang hihingi sana ng sertipikasyon para makakuha ng ayudang pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Nakapiit na ngayon ang suspek na si Barangay Sherwood Chairman Andres Cruz, 46, na itinuturong bumaril kay Paulito Paton-og Pelicano, 39, at isang habal-habal driver.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagtungo ang biktima kasama ang kanyang kaibigan na si Jaime Agcang sa bahay ni Cruz para humingi ng SAP clearance.

Sa hindi malinaw na dahilan ay bumunot umano ng baril ang suspek at apat na beses na ipinutok sa biktima.

Naisugod pa sa OSPA Farmers Medical Center sa Ormoc City si Pelicano ngunit, hindi na rin naisalba.

Agad namang dinakip si Cruz matapos ang krimen at ikinakatwiran nitong may masama umanong balak si Pelicano laban sa kanya kaya inunahan na nito.

Nakumpiska mula sa kanya ang isang kalibre .45 baril at mga bala.

Patuloy pang sinisiyasat ang insidente habang inihahanda ang kaso laban sa suspek.

 
 
  • V. Reyes​
  • May 12, 2020

Asahan na umano ang paglakas pa ng Bagyong Ambo sa loob ng 24 oras habang halos hindi ito gumagalaw sa bahagi ng Mindanao.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong alas-11:00 ng umaga, maaaring maging ganap na bagyo ang Tropical Depression Ambo at posibleng maitaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa

Silangang Visayas sa mga susunod na oras.

Sinabi pa ng PAGASA na asahan na ang malakas na hangin na dulot ng Bagyong Ambo na kauna-unahan ngayong taon.

Ibinabala pa ng weather bureau ang mga flashflood at landslide sa panahon na bubuhos ang malakas na pag-ulan.

“Flooding and rain-induced landslides may occur in highly to very highly susceptible areas during heavy or prolonged rainfall,” ayon sa PAGASA.

“Moderate to rough seas will be experienced over the eastern seaboards of Eastern Visayas and Caraga. Fisherfolks and those with small seacrafts are advised not venture out on these areas,” dagdag pa nito.

Alas-10:00 ng umaga nang huling mamataan ang Bagyong Ambo sa layong 385 kilometro ng Surigao City, Surigao del Norte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 55 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 70 kilometro kada oras.

Tinataya ng PAGASA na sa kalupaan ng Bicol Region tatama o magla-landfall ang bagyo.

 
 
  • Mylene Alfonso​
  • May 12, 2020

Photo File: Ospital ng Tondo

Pansamantalang isasara ang Ospital ng Tondo mula May 11 hanggang May 24 para magamot ang mga nagkasakit na health workers.

“Pansamantalang isinara ang Ospital ng Tondo para ang mga apektadong nurse at doktor na maaaring nahawa ay mabigyan ng pagkakataon na makapagpahinga, mag-quarantine at magamot. May mga frontliners din tayo na nagkakasakit,” ani Manila Mayor Isko Moreno.

Gagamitin na rin umano ang pagkakataon na ito para sa testing, treatment at recovery para sa mga frontliners ng naturang ospital na nagsisilbi sa mga residente ng second district ng Tondo.

Samantala, ikakalat naman ang mga walang sakit na healthy workers sa iba pang ospital ng lungsod.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page