top of page
Search

Humingi ng paumanhin si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Debold Sinas matapos na ulanin ng batikos ang idinaos nitong birthday party noong Mayo 8.

Sa kanyang opisyal na pahayag, iginiit ni Sinas na hindi nito intensyon na lumabag sa umiiral na mga panuntunan sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ).

"I apologize for what transpired during my birthday that caused anxiety to the public. It was never my intention to disobey any existing protocols relative to the implementation of Enhanced Community Quarantine," ani Sinas.

Paliwanag ni Sinas, isang tradisyunal na Mañanita ang isinagawa ng kanyang mga tauhan para ipagdiwang ang kaarawan nito.

Naging maingat naman umano sila sa pagsunod sa anti-COVID 19 measures tulad ng social distancing.

"In all actuality, my accommodation to them was done with all cautiousness because I am fully aware of the Anti-Covid measures being implemented by the government. They were told to observe social distancing and other precautionary health measures," dagdag pa ni Sinas.

Kasabay nito, iginiit ng heneral na edited o pineke ang ilang larawang kumalat sa social media at ang ibang ginamit ay mga luma na rin.

"Some of the pictures circulating in the social media were edited and grabbed from old posts. The pictures may depict itself however it does not define the totality of what really had happened," pahayag pa ng NCRPO Chief.

Nauna nang inihayag ni PNP Chief General Archie Gamboa na iimbestigahan ng Internal Affairs Service (IAS) ang nasabing birthday party sa gitna ng lockdown.

 
 
  • Mylene Alfonso​
  • May 13, 2020

Nilinaw ng Palasyo na wala nang aasahang pinansyal na ayuda mula sa pamahalaan ang mga residenteng naninirahan sa general community quarantine (GCQ) area.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, limitado na ang pondong ibinigay ng Kongreso.

"Iyong mabibigyan po sa second tranche ay iyon lamang nananatili sa ECQ na dineklara noong pangalawang buwan ng ating Pangulo. Malinaw po iyan. Doon sa unang buwan, lahat nang nasa ECQ, may ayuda. Sa pangalawang buwan, iyong mga lugar na nakatira lamang sa ECQ ang may ayuda; wala na pong ayuda iyong mga nasa GCQ area," ani Roque.

Matatandaang, 200 milyong pisong pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa SAP sa loob ng dalawang buwan kung saan target na mabigyan ng P5,000 hanggang P8,000 ayuda ang mga apektadong pamilya sa loob ng dalawang buwan.

Ayon pa sa kalihim, ilalaan na lamang ang natitirang pondo sa mga mahihirap na pamilya na naninirahan sa ECQ area.

Gagamitin din ang natitirangg pondo sa limang milyong pamilya na idinagdag sa 18 milyong pamilya na nakinabang sa unang tranche ng SAP.

 
 

Tinatayang nasa 10,000 residente ng Metro Manila ang nagpahayag ng kagustuhang mag-avail sa “Balik Probinsya” program ng pamahalaan.

Ayon kay National Housing Authority (NHA) General Manager Marcelino Escalada, Jr., simula nang ilunsad ang programa noong May 6, ay 10,000 na ang nakapag-enroll.

Ang mga online applicant ay sasailalim sa validation at aalamin din kung anong uri ng livelihood ang nais nila pagbalik ng lalawigan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page