top of page
Search
  • Gina Pleñago​
  • May 16, 2020

Makakatanggap ng cash assistance ang 11,000 na graduate students mula sa mga pampublikong paaralan sa Las Piñas City. Ito ay matapos na mag-donate ng P11 million si dating Las Piñas City Mayor Vergel "Nene" Aguilar para sa pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga nakapagtapos ng kanilang pag-aaral ngayong School Year 2019-2020. Ayon sa Las Piñas City Government, kabilang sa mapagkakalooban ng cash aid ang mga graduate students mula sa elementary, senior high school at Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College (DFCAM) sa lungsod. "Ang financial aid ay para makatulong sa mga graduating students at kanilang magulang na apektado ng krisis,” pahayag ng dating alkalde. Batay sa datos ng lokal na pamahalaan, umabot sa 8,401 ang nagtapos sa elementarya, 2,173 sa senior high school at 284 graduates naman sa DFCAM. Nabatid na tatanggap ng tig-P1,000 cash ang mga nagtapos sa elementarya, senior high school at DFCAM. Ang pamamahagi at pagbuo ng mga panuntunan para sa pamamahagi ng tulong pinansiyal ay direktang pangangasiwaan ng mga pamunuan ng mga pampublikong paaralan.

 
 
  • Madel Moratillo​
  • May 15, 2020

Nagreklamo ngayon ang isang residente ng Rodriguez, Rizal matapos makitang sa halip na pangalan niya ay pangalan ng alagang aso ang nasa listahan ng mga benepisyaryo para sa Social Amelioration Program (SAP).

Photo: Nurharija Lim

Ayon kay Nurharija Lim Rosqueta, residente ng Kasiglahan Village, Barangay San Jose sa Rodriguez, Rizal, nagulat siya nang makita sa listahan ng SAP beneficiaries ang pangalan ng kanyang aso na si Margarita Lim Rosqueta.

Nagpakita umano si Nurharija ng ID para patunayan ang address niya na nasa masterlist.

Pero hindi pa rin niya nakuha ang ayuda kaya nagreklamo ito sa barangay.

Pero ang barangay hindi rin umano maipaliwanag kung bakit Margarita ang pangalan sa listahan.

Ang apelyido ng amo ay karaniwang inilalagay sa dog book o record ng mga alagang hayop.

 
 
  • V. Reyes
  • May 15, 2020

Pinapayagan na muli ng Quezon City government ang pagbebenta at pagbili ng mga inuming nakalalasing sa lungsod.

Sa ipinalabas na Executive Order No. 31 ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, binabawi na nito ang liquor ban ngunit may itinakdang paghihigpit.

Batay sa EO, papayagan lang ang pagbebenta ng alak simula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon.

Maaari lamang ikonsumo ang mga alak sa loob ng pribadong lugar o mga bahay habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

May itinakda ring limitasyon sa dami ng bote ng alak na papayagang maibenta sa isang kustomer kada araw.

Halimbawa sa sari-sari store ay pupuwede ang anim na tig-isang litro ng beer sa bawat kustomer habang sa grocery ay papayagang magbenta ng limang case ng alak sa isang tao kada araw.

Kinakailangang magpakita muna ng valid na government ID ang bibili ng alak bago mabentahan.

Sa mga bibili na may planong mag-resell, dapat munang magprisinta ng valid na business permit at Licensing Department-issued business permit.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page