top of page
Search

Tinatayang mahigit 17.1 milyong pamilya na ang nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) hanggang alas-8:00 ng gabi ng Mayo 15, katumbas na ito ng 94.8% na target bigyan ng ayuda ng pamahalaan.

Sa nasabing bilang, higit 4.1 milyon ay Pantawid Pamilya beneficiaries habang 12.8 milyon naman ay mga benepisyaryo na binigyan ng local government units (LGUs).

Nasa 62,028 naman ang public utility vehicle (PUV) drivers ang nabigyan ng tulong-pinansiyal.

Sa ngayon, tinatayang P96.7 bilyon na ang na-disburse na pondo ng pamahalaan para sa SAP.

 
 

Nagbabala si Cavite Governor Jonvic Remulla na maaaring pairalin muli ang enhanced community quarantine (ECQ) sa kanilang lalawigan.

Kasunod ito ng pagdagsa ng kanyang mga kababayan sa mga mall sa unang araw nang pag-iral ng general community quarantine (GCQ).

Sa kanyang Facebook post, puna ng opisyal na tila ‘back to normal’ ang naging tingin ng marami sa GCQ.

“Ang dami nagdagsaan sa mga mall at iba pang lugar na tingin nila ‘back to normal’ na. Sa ganyan ugali ay baka higpitan ko muli ang ikot ng tao, restricted to those essential only. Pag-aaralan ko po, depende kung tumaas bigla ang bilang ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) sa Cavite,” post ni Remulla sa kanyang FB account.

Umapela ito na huwag abusuhin ang GCQ para maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na sakit.

 
 
  • Mylene Alfonso​
  • May 16, 2020

Papayagan na sa modified enhanced community quarantine ang home religous services basta't susundin lamang ang proper health protocols tulad ng pagsuot ng mask, social distancing at temperature check.

Ito ay batay sa inilabas na Resolution No. 37 ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

"Puwede na rin pong magbigay ng home religious services. Pansinin ninyo po, ‘home religious services,’ ang mga pastor, mga pari, mga imam, mga rabbi at iba pang religious ministers provided mayroon pong proper health protocols gaya ng pagsuot ng mask at saka social distancing, temperature check at iba pa po," wika ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Papayagan na rin aniya magbukas sa employment activities ang recruitment at placement agencies para sa overseas employment sa ilalim ng MECQ pero dapat ay 50% operational capacity.

Kasama rin sa MECQ na payagan ang firearms and ammunition trading establishment basta't may istriktong regulasyon sa Firearms and Explosives Office.

Habang nakasara pa rin sa ilalim ng MECQ ang tourist destinations, entertainment industries kabilang ang panonood ng sine, theaters at karaoke bars, child amusement industries, libraries, archives, museums at cultural services, gyms, fitness studios at sport facilities, personal care services tulad ng massage parlors, saunas, facial care at waxing.

Samantala sa general community quarantine, maaari na ang swimming sa ilalim ng sports activities bilang isang non-contact sport.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page