top of page
Search

Ipinapanukala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang paggamit ng mga sidecar sa motor ngayong hindi pa rin pinapayagan ang pag-angkas sa motorsiklo.

Aniya, lagyan na lang ng sidecar ang motor o bisikleta para masunod pa rin ang physical distancing.

"Lagyan na lang ng sidecar ang motor puwede na niya isama ang kanyang misis, ganu’n na lang po solution habang andiyan pa ang virus," ani Año.

Maaari naman umanong maglagay ng ruta kung saan puwedeng bumiyahe ang mga nakamotor o bisikleta na may sidecar.

Samantala, inaayos na umano ng gobyerno ang transportasyon sa ilalim ng “new normal”.

 
 
  • Levi Gonzales
  • Jun 1, 2020

Matinding pinsala sa katawan ang tinamo ng 48-anyos na driver matapos masabugan ng gulong sa National Highway, Bgy. Lumbang Calzada, Calaca, Batangas.

Alas-8:30 ng umaga habang nasa Jumar Vulcanizing Shop ang biktimang si Rolando Ayong, ng Bgy. Putatan, Muntinlupa City, nang tangkain niyang alisin ang gulong ng kanyang trak.

Gamit nito ang soldier machine nang biglang sumabog ang gulong dahilan ng pagtalsik nito ng ilang metro dala ng malakas na pagsabog.

Pinilit pa siyang isugod sa pagamutan subalit, idineklarang dead-on-arrival dahil sa mga tinamong sugat sa dibdib at ulo.

 
 
  • Gina Pleñago
  • Jun 1, 2020

Simula alas-12:01 ng hatinggabi ng Hunyo 1, wala nang liquor ban sa Parañaque.

Sa ilalim ng Executive Order No. 2020-041, ipinag-utos ni Mayor Edwin Olivares ang pag-alis sa suspensiyon para sa pagbebenta ng alak sa naturang lungsod.

Ito ay kasabay ng pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ).

Pinahihintulutan lamang ang pagbebenta ng alak sa nakatakdang oras, hindi rin maaaring bumili nang marami at bawal uminom pampublikong lugar.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page