top of page
Search

May bago nang commandant ang Philippine Coast Guard matapos magretiro sa puwesto si Admiral Joel Garcia.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto bilang bagong pinuno ng PCG si Vice Admiral George Ursabia, Jr.

Epektibo kahapon, Hunyo 1 ang appointment kay Ursabia.

Si Ursabia ay miyembro ng PMA Hinirang Class of 1987.

Bago naging commander ng PCG-Marine Environmental Protection Command, nagsilbi rin si Ursabia bilang commander ng Coast Guard Districts sa Central Visayas, Palawan, Southeastern Mindanao at Northern Luzon.

Naging commander din ito ng Coast Guard Ready Force at Staff ng Maritime Safety Affairs.

Pinamunuan din ni Ursabia ang tatlong Search and Rescue Vessel ng PCG na BRP Romblon, BRP Davao Del Norte at BRP Pampanga.

 
 

Inaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang House Bill 6095 o ang panukalang nagpapataas ng limitasyon ng pupuwedeng gastusin ng mga kandidato at partido pulitikal tuwing eleksiyon.

Sa botong 213 yes at 6 no, 1 abstention, pinagtibay na ang panukala na nag-aamiyenda sa Section 13 ng Republic Act No. 7166 o “Synchronized National and Local Elections and Electoral Reforms Act".

Sa ilalim nito, ang mapapayagan nang magastos sa bawat kandidato sa pagka-presidente ay P50 kada rehistradong botante (dating P10) habang P30 (dating P3) sa kada rehistradong botante para sa vice-presidential, senatorial at iba pang kandidato.

Ang papayagan namang gastusin para sa political parties ay P50 para sa bawat national candidate habang P30 sa bawat local candidate.

Ang Commission on Elections (COMELEC), sa pagkokonsulta sa Bangko Sentral ng Pilipinas, kasama ang National Economic and Development Authority at Philippine Statistics Authority ay magsasagawa ng adjustment sa authorized election campaign expenses kada anim na taon, depende sa inflation rate at consumer price index.

Ayon naman sa may-akda ng panukala na si Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal, ang pinataas na pinapayagang campaign expenditures ay higit na makatotohanan at makatutulong din upang maging tapat ang mga kandidato sa detalye ng kanilang isusumiteng statement of contributions and expenditures sa COMELEC.

 
 
  • Gina Pleñago
  • Jun 2, 2020

Magpapatupad ng price adjustment ang mga kumpanya ng langis sa kanilang produktong petrolyo ngayong araw, Hunyo 2.

Tinatayang 20 sentimos ang bawas sa kada litro ng gasolina.

Habang may dagdag naman na 80 sentimos sa kada litro ng kerosene at 25 sentimos ang dagdag sa kada litro ng diesel.

Ang kumpanyang Shell at Seaoil ay kapwa nag-anunsiyo na ng price adjustment epektibo ngayong alas 6:00 ng umaga.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page