top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | Dec. 1, 2024



Photo: Ang pag-search ng mga Red Cross workers matapos ang landslide sa Uganda - Irene Nakasiita / Associated Press


Umabot na sa 20 ang bilang ng nasawi sa mapaminsalang landslide sa Bulambuli district, silangang Uganda, nitong Biyernes matapos makarekober ng mas maraming bangkay at mamatay ang isang sugatang biktima sa ospital, ayon sa mga ulat.


Nagdulot ang malalakas na pag-ulan noong Miyerkules ng gabi ng landslide na sumira sa anim na baryo, naglubog sa mga bahay at sakahan.


Iniulat ng Uganda Red Cross na 125 na mga bahay ang nasira, na nagresulta sa paglikas ng 750 katao. Sa mga ito, 216 ang pansamantalang nanunuluyan sa isang lokal na paaralan.


Patuloy ang paghahanap ng mga otoridad, kasama ang mga sundalo, sa mga bangkay na natabunan ng debris, ngunit nahihirapan ang operasyon dahil sa patuloy na pag-ulan at putik na sumasakop sa mga kalsada.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 10, 2024



ree

Nadagdagang muli ang bilang ng mga bangkay na narekober mula sa landslide sa Maco Davao de Oro sa 27 matapos na marekober ang ilan pang mga labing natabunan ng lupa nu'ng Biyernes.


Naitala ng provincial government at Maco Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na may 89 katao ang hindi pa nahahanap habang 32 ang sugatan hanggang 6 p.m. nu'ng Pebrero 9.


Matatandaang matapos masagip ang isang buhay na 3-anyos na batang babae ay pinaigting ang 14-hour extension sa mga operasyon ng search and rescue.


Ipagpapatuloy naman ang paghahanap sa mga biktima ngayong araw.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 20, 2024



ree

Umabot na sa 11 ang patay at isa ang sugatan sa nangyaring landslide sa Monkayo, Davao de Oro nitong Sabado ng hapon.


Ayon sa munisipal ng Monkayo, ang bangkay ng 45-anyos na si Rommel Gumatin, ay natagpuan at nakuha bandang 1 p.m.


Si Gumatin, na pumanaw kasama ang pito niyang kamag-anak, at tatlong iba pa habang nagdarasal nu'ng Huwebes, ang huling nawawalang biktima sa 12 na indibidwal na nabaon sa lupa at bato sa nangyaring landslide sa Purok 19, Pagasa sa Barangay Mt. Diwata.


Nag-iisang nakaligtas naman ang 1 taong gulang na biktima matapos na itapon ito mula sa kanilang tahanan sa kasagsagan ng landslide.


Tumagal naman ng tatlong araw ang paghahanap sa mga biktima dulot ng masamang panahon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page