top of page
Search

ni Angela Fernando @Entertainment News | June 27, 2024



News

Naghain ng kaso sina Chen, Baekhyun, at Xiumin ng kilalang K-pop boy group na EXO laban sa mga executives ng SM Entertainment dahil sa fraud.


Ibinahagi ng isang opisyal nu'ng Hunyo 26 mula sa ahensya nina Chen, Baekhyun, at Xiumin na INB100 ang isang pahayag patungkol sa kanilang pagsasampa ng kaso.


“Yesterday, the members and INB100 filed a complaint with the Seongdong Police Station in Seoul against SM Entertainment’s CAO (chief A&R officer) Lee Sung Soo and co-CEO Tak Young Jun for fraud in violation of the Act on the Aggravated Punishment etc. of Specific Economic Crimes,” saad sa pahayag.


Matatandaang nagdaos ng press conference nu'ng Hunyo 10 ang mga kinatawan nina Chen, Baekhyun, at Xiumin upang bigyang-diin na binalewala ng SM Entertainment ang mga napagkasunduang termino. Pinabulaanan naman ng SM Entertainment ang mga alegasyong inilabas sa press conference.

 
 

ni Eli San Miguel @K-Buzz | June 25, 2024



News

Magkakaroon ng meeting sina Sandara Park, CL, Park Bom, at Minzy, na dating mga miyembro ng 2NE1, kasama si Yang Hyun-suk ng YG Entertainment sa mga susunod na araw.


Naglabas ng eksklusibong ulat nitong Martes ang Korean media outlet na Osen, na nagsasabing ang meeting ay naglalayong mapag-usapan ang reunion at comeback project ng dating K-Pop group.


Nag-debut ang 2NE1 noong 2009 at nag-disband noong Nobyembre 2016. Ang apat na miyembro ay kasalukuyang naka-focus sa mga solo activities. Matatandaang nagsama-sama sila noong nakaraang buwan upang ipagdiwang ang ika-15 anibersaryo ng 2NE1.

 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 8, 2024



Showbiz Photo

Umabot na sa mahigit sa 36 milyong views sa ngayon ang unang TikTok video ni Lisa Manoban ng BLACKPINK.


Ito’y isang araw lamang matapos niyang i-post ang video. Mapapanood sa kanyang entry ang pagsasagawa ng iba’t-ibang pose sa saliw ng masayang tugtog. Ibinida rin niya sa video ang pagiging simple pero stylish ng kanyang OOTD.


Sa kasalukuyan, mayroon na itong mahigit sa pitong milyong reactions. Bukod dito, nagpahiwatig pa si Lisa ng kanyang comeback sa Instagram stories na ngayo’y masayang inaasahan ng mga fans.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page