top of page
Search

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 5, 2024



News

Naglabas ang K-Pop boy band na ENHYPEN ng isang preview ng kanilang upcoming studio album na "Romance : Untold," na ilalabas sa Hulyo 12.


Ipinakita nila ang isang house party-themed album preview para sa opisyal na YouTube channel ng HYBE Labels, kung saan makikita ang mga miyembro na masayang nakikisabay sa bawat kanta mula sa album.


Mayroong walong kanta sa album na may natatanging genre ang bawat isa: "Moonstruck" (alternative R&B),"XO (Only If You Say Yes)" (pop), "Your Eyes Only" (soft synth-pop), "Hundred Broken Hearts" (alternative R&B), "Brought The Heat Back" (funk/dance pop), "Paranormal" (rock drum & bass), "Royalty" (modern pop), at "Highway 1009" (medium pop).


Ibibida sa bagong album ang mas pinaunlad na kakayahan sa musika ng grupo sa pamamagitan ng pagiging producer at lyricist. Ilalabas ang "Romance : Untold" dalawang taon at siyam na buwan matapos ang kanilang unang studio album na "Dimension : Dilemma."


Binubuo ang ENHYPEN ng pitong miyembro na sina Jungwon, Heeseung, Jay, Jake, Sunghoon, Sunoo, at Ni-ki. Sila ang pinakamabilis na K-Pop boy group na naging million seller kaya naman patok na patok din sila sa mga Pinoy K-Pop fans.

 
 

ni Eli San Miguel @Entertainment News | July 3, 2024



News

Pursigido ang Korean actor na si Kim Ji Soo na magpatuloy sa pagganap ng mga mas challenging na karakter. Ibinahagi niya na gusto niyang gampanan ang mga papel tulad ng kanyang karakter bilang ‘Adrian Park’ sa ‘Black Rider.’


“Actually, I aspire to have a role similar to John Wick,” pahayag pa niya. Kilala ang karakter na si John Wick bilang legendary assassin na ginampanan ni Keanu Reeves sa film series na may pamagat ding 'John Wick.'


Si Kim Ji Soo ay kasalukuyang bahagi ng "Black Rider," na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Naging matunog sa mga netizens ang teaser kung saan ipinapakita na tinuturuan niya si Yassi Pressman kung paano magpaputok ng baril.


Sa kasamaang palad, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkasama ni Ruru sa serye. Kilala si Kim Ji Soo sa kanyang mga papel sa mga K-drama tulad ng "Strong Girl Bong Soon" at "Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo."

 
 

ni Eli San Miguel @World News | July 1, 2024



World News

Inihayag ng militar ng South Korea na nagpaputok ang North Korea ng isang short-range ballistic missile at isa pang ballistic missile ngayong Lunes.


Pinaputok ang unang short-range ballistic missile patungong hilagang silangan, bandang 5:05 ng madaling-araw (2005 Sunday GMT) mula sa malapit na bahagi sa Changyon, South Hwanghae Province sa North Korea.


Sinabi ng Joint Chiefs of Staff ng South Korea na natuklasan ang isa pang 'di natukoy na ballistic missile, bandang 5:15 ng madaling-araw mula sa parehong lugar. Pumutok ang unang missile ng mga 600 kilometro (373 milya).


Pumutok naman ang pangalawang missile ng mga 120 kilometro. Ayon pa sa pahayag, pinag-aaralan ng South Korea at ng United States ang launching ng mga ito.


Noong Linggo, kinundena ng North Korea ang isang joint military exercise ng South Korea, Japan, at United States na ginanap noong nakaraang buwan at nagbabala ng nakababahalang tugon laban sa gayong mga pagsasanay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page