top of page
Search

ni Eli San Miguel @K-Buzz | September 6, 2024



Showbiz News

Labis ang saya ng mga BLACKJACKs (fandom name ng 2NE1) dahil natupad ang hiling ni Sandara Park na masama ang Pilipinas sa comeback concert ng 2NE1. Inanunsiyo ng management agency ng 2NE1 na YG Entertainment ngayong Biyernes na kabilang ang Manila at Jakarta sa “2NE1 Asia Tour: Welcome Back” concert.


Sa Manila, gaganapin ang concert ng 2NE1 sa Nobyembre 16, Sabado. Magkakaroon naman sila ng concert sa Jakarta sa Nobyembre 23, Sabado. Talaga nga namang pinagkaguluhan ng mga fans ang announcement post ng YG sa Facebook.


Habang isinusulat ito, mayroon nang 72,000 reactions, 8,500 comments, at 22,000 shares ang post sa loob lamang ng tatlong oras. Huling nag-concert ang 2NE1 sa Manila sa pamamagitan ng “All or Nothing” tour noong Mayo 17, 2014.


Bago ang show sa Manila, magkakaroon ng “Welcome Back” concert ang 2NE1 sa Seoul mula Oktubre 4 hanggang 6, sa Olympic Hall sa Olympic Park. Ito ang unang concert ng 2NE1 sa loob ng sampung taon at pitong buwan mula nang magdaos sila ng “All or Nothing” concert sa Seoul noong Marso 1 at 2, 2014.

 
 

ni Eli San Miguel @K-Buzz  | August 28, 2024



Showbiz News
Photo: Circulated / Peak

Umalis ang 30-anyos na si Moon Taeil, mula sa kinabibilangan niyang K-pop boy band na NCT at subunit na NCT 127, matapos siyang akusahan sa isang kaso ng sex crime. Inanunsiyo ng SM Entertainment, ahensiya ng NCT, ang kanyang pag-alis at mga detalye tungkol sa criminal case.


“We have recently learned that Taeil has been accused in a criminal case related to a sexual crime,” pahayag ng ahensiya.


Ipinagpatuloy nito, “While assessing the facts, we recognized the gravity of the matter and decided that he could no longer continue his team activities. After discussing it with Taeil, we decided to have him leave the team.”


“Taeil is currently cooperating faithfully with the police investigation, and we will provide additional information as the investigation progresses. We deeply apologize for the controversy caused by our artist,” sabi pa sa pahayag.


Kamakailan lang ay nagsagawa sina Taeil at iba pang miyembro ng NCT 127 ng fan meeting para sa kanilang ika-walong anibersaryo. Sa kasalukuyan, namamayagpag ang NCT bilang best-selling act sa SM Entertainment.

 
 

ni Eli San Miguel @K-Buzz | August 22, 2024



Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: File

Nakatakdang pumunta ngayong Huwebes ang BTS member na si Suga, na nahaharap sa reklamong drunk driving, sa isang police station sa Seoul para sa gagawing imbestigasyon.


Naglabas ang Korean media outlet na Seoul Shinmun ng eksklusibong ulat noong Agosto 21 na si Suga (Min Yoongi), 31, ay iniimbestigahan ng pulisya tungkol sa insidenteng naganap noong Agosto 6.


Ayon sa iba't ibang ulat ng Korean media, magpapakita si Suga sa Seoul Yongsan Police Station.


Sa kasalukuyan, nagsasagawa ang mga otoridad ng imbestigasyon sa paggamit ni Suga ng electric scooter habang siya ay lasing noong Agosto 6.


Kasalukuyang nagsasagawa si Suga ng military service bilang isang social service agent.


Nag-enlist siya noong Setyembre 22 ng nakaraang taon at inaasahang madi-discharge sa Hunyo 21, 2025.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page