top of page
Search

ni Angela Fernando @K-Buzz | Sep. 25, 2024



Showbiz News

Babalik uli sa 'Pinas ang kilalang Korean boy group na Seventeen sa Enero 2025 para sa kanilang “Right Here” World Tour. Inanunsiyo ng K-pop boy group sa kanilang WeVerse account ang patungkol sa gaganapin nilang concert sa bansa na gagawin sa Bulacan mula Enero 18 hanggang 19, 2025.


Wala pang karagdagang detalye ukol sa venue at ticketing na kinukumpirma. Matatandaang nu'ng Hulyo, sinabi ng Seventeen na nalalapit na ang world tour nilang pinamagatang "Right Here," na magsisimula sa Oktubre sa South Korea at magkakaroon ng mga stops sa Asya at United States.


Naghahanda rin ang grupo para sa kanilang comeback sa susunod na buwan kung kailan ilalabas ang ika-12 mini album nilang “I Felt Helpless.”

 
 

ni Eli San Miguel @K-Buzz | Sep. 20, 2024



Editorial

Naging target na naman ng 'dating rumors' si Jennie ng BLACKPINK . Ito'y matapos mag-viral ang pagde-date umano nila ni BamBam, na miyembro ng K-pop group na GOT7, matapos silang makita na magkasama sa Los Angeles. Kumalat online ang mga larawan nilang dalawa na magkasama sa Sushi Park, isang Japanese restaurant sa West Hollywood, California.


Dahil dito, nagsimula ang mga espekulasyon na may romantic relationship ang dalawa. Naglabas naman agad ng pahayag nitong Huwebes ang OA Entertainment, ahensiya ni Jennie, upang pabulaanan ang mga tsismis na ito. "The two people who are friends just met in the US and had a meal together. The dating rumors are groundless," pahayag ng ahensiya.


Ngayong Biyernes, puno na rin ng mga posts mula sa fans ang social media platform na X, na binibigyang-diin ang hindi pagbibigay ng malisya sa pagkakaibigan nina Jennie at BamBam.


Matatandaan na samu’t saring 'dating rumors' na ang napagdaanan ni Jennie dahil sa kanyang kasikatan sa industriya ng K-pop at tila nagiging kontrobersiyal ang bawat pakikipag-hangout niya sa mga lalaking personalidad.


Tungkol naman sa kasalukuyang estado ng kanyang karera, kamakailan lamang ay pumirma si Jennie ng kontrata sa Columbia Records at maglalabas siya ng kanyang solo single sa Oktubre.

 
 

ni Eli San Miguel @K-Buzz | September 10, 2024



Showbiz News

Nanalo ng Outstanding Korean Drama award ang hit series na ‘Queen of Tears,’ kasama ang ‘Moving,’ sa Seoul International Drama Awards 2024. Noong Setyembre 9, inihayag ng Seoul Drama Awards Organizing Committee, na pinamumunuan ni Bang Moon-shin, ang mga nagwagi sa patimpalak.


Mayroong 346 na entries mula sa 48 bansa at rehiyon na isinumite ngayong taon, ang pinakamataas sa kasaysayan ng SDA. Ang “Queen of Tears” ng Studio Dragon ay pinagbidahan nina Kim Soo-hyun at Kim Ji-won, habang ang “Moving” mula sa Disney+ ay pinangunahan nina Han Hyo-joo, Zo In-sung, Ryu Seung-ryong, Lee Jung-ha, Cha Tae-hyun, Ryoo Seung-bum, Kim Sung-kyun, Go Youn-jung, at Kim Do-hoon.


Matatandaang napabilang ang 'Queen of Tears' sa Top 10 chart sa loob ng 13 magkakasunod na linggo at lumampas na sa kabuuang viewing hours na 600 milyong oras (617.8 milyong oras). Naging matunog din ito sa social media, lalo na sa mga Pinoy celebrities na todo-post noong umeere pa ang naturang K-Drama.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page