top of page
Search

Bigyang-daan natin ang ilang kaalaman tungkol sa darating na new normal pagkatapos ng COVID-19.

Tulad ng nasabi sa nakaraang artikulo, mapabibilang sa new normal ang hindi pagbubukas ng mga negosyong may maliit na puhunan. Ito ay kung hihigpitan ng mga awtoridad ang pagkakaroon ng shuttle service ng mga kumpanya na maghahatid-sundo sa mga empleyado. Napakalabong magawa ito ng mga negosyong wala namang malaking puhunan.

Gayunman, ang pagbibigay ng facemask sa mga manggagawa ay maaari nilang kayanin, pero sila rin ay mahihirapan dahil ito ay dagdag-gastusin, ganundin kung ipipilit ng pamahalaan na regular na paglilinis ng place of business.

Paano pa kung oobligahin sila na magkakaroon ng COVID-19 test ang mga tauhan o manggagawa? Kaya mahirap mang paniwalaan, malabong magbukas muli ang kanilang negosyo, lalo na kung maliit ang kanilang puhunan.

Anu-ano pa ang mga bagay na mapabibilang sa new normal?

  • Kinakaharap natin ang katotohanan na ang malalaking kumpanya lang ang makasusunod sa atas ng awtoridad.

  • Ang isa pang tagong new normal ay ang magnenegosyo pa rin ang malalakas ang loob dahil kailangan nilang mabuhay o buhayin ang kanilang pamilya.

  • Dahil dito, dadami ang mapabibilang sa underground economy dahil ang isa pang mahirap intindihin ay ang mga ayon sa kanila ay pinag-aaralan nila nang maigi ang mga ipatutupad na batas, pero ang nakikita o nararanasan ng mga Pinoy ay ang pabagu-bagong patakaran.

Wala namang nangangarap na ang ganitong sitwasyon ay mapabilang sa new normal kaya mas maganda na pag-aralang mabuti ang mga ipatutupad na batas.

  • Sa ayaw o sa gusto ng mga awtoridad, hindi na susundin ng mga tao ang social distancing dahil hindi puwedeng alisin ng tao ang nakasanayang pagiging sa close siya sa mahal sa buhay at kaibigan.

Ito ay sa dahil labag sa likas na katangian ng lahat ng may buhay ang ipinatutupad na social distancing. Kaya nakagugulat, pero dapat na tanggapin ng mga awtoridad na aayaw ang tao sa pagsunod sa social distancing.

Itutuloy

 
 

Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa pagtalakay sa mahalagang kaganapan sa Astrology ngayong March 19, 2020. Muli, mula March 19 hanggang March 31, ang tatlong Astrological planets na sina Mars, Jupiter at Saturn ay magsasama-sama sa pagbibigay ng kanilang sinag na tatanglaw sa lupa sa madaling-araw o bago sumikat ang Haring Araw.

Tulad ng nasabi na, may kani-kanyang panahon ang lahat ng nangyayari. Kumbaga, there is time for everything at ito rin ay nagsasabing “timing is everything”.

Ito ay nagpapaalala sa ating lahat na kahit anong gawin mo, kapag wala sa tamang “timing” ay mahihirapan at mabibigo ka lang. Sa ganitong katotohanan, ipinababatid sa lahat na magandang isabuhay ngayon ang kahulugan nina Marte, Jupiter at Saturno.

Si Marte ay katumbas ng tapang at lakas ng loob kaya ngayon ang tamang panahon para maging matapang at malakas ang loob. Dapat nating tandaan na maraming tapang at lakas ng loob ang mga nasayang dahil sa maling panahon ito nagamit.

Kaya marami ang nagsasabing hindi dahil malakas at matapang ay magtatagumpay na sa buhay. Kumbaga, sangkatutak ang bilang ng matapang at malakas ang loob, pero nalugi lang ang kanilang negosyo.

Si Jupiter ang planeta ng masaganang buhay na kalakip ng katuparan ng mga pangarap. Ibig sabihin, dumating na ang tamang panahon kung kailan aani ng kasaganahan kapag sineryoso ang mga pangarap.

Marami ang nagsasabi na kapag may pangarap, gaganda ang buhay, pero marami rin ang nakaranas na may pangarap ka kaya lang, wala pa ring napala. Pero muli, sa panahon ngayon, sa March 19 hanggang 31, muli nating bigyang-buhay ang ating mga pangarap dahil ngayon ang tamang panahon para seryosohin ang ating mga pangarap.

Si Saturno naman ay katumbas ng kung sino ang naghihintay ay magtatagumpay. Ito ay nagsasabi rin kung sino ang mainipin ay mabibigo.

Muli, dumating na ang tamang panahon kung saan ang mga mapaghintay ay makikitang natatanaw na ang magagandang kinabukasan na guguhit sa kanilang kapalaran. Kaya isabuhay natin ang pagiging mapaghintay at itakwil ang pagkainip, as in, inip na inip na ang tao kaya nawawalan na siya ng pag-asa at ito ang hindi dapat mangyari sa ating buhay.

(Itutuloy)

 
 

Bigyang-daan natin ang mahalagang kaganapan sa Astrology ngayong March 19, 2020. Masayang ibinabalita sa lahat na sa March 19 hanggang 31, ang tatlong powerful planets ay magpapakitang-gilas sa kalangitan kung saan puwedeng-puwedeng makinabang ang mga tao.

Sa madaling-araw, bago sumikat ang Haring Araw sa silangan, may tatlong planeta na makikita, sila ay sina Marte, Jupiter at Saturno. Tatanglawan nila ang kalangitan na para bang sila ang mga bida sa iba pang early morning stars. Ang lalo pang magbibigay ng kagandahan sa kanila ay ang crescent moon na makakasama nila.

Ano ang kabuluhan nito sa buhay ng tao?

Ngayong summer season, ang mga tao na may positibong laman ng isipan at kalooban ay umaasenso, umuunlad at yumayaman. Ang iba naman ay simpleng makadarama ng kakaibang sigla at lakas na puwedeng magamit sa anumang layunin sa buhay.

Sa larangan ng Astrolohiya, si Marte ay katumbas ng salitang tapang at lakas ng loob. Si Jupiter naman ay katumbas ng salitang kasaganahan o masaganang buhay at si Saturno ay katumbas ng matagal na paghihintay.

Ganito ang sabi ni Haring Solomon sa kanyang aklat na Ecclesiastes, “Every affairs of man/woman has its own time,” kumbaga, may kani-kanyang panahon ang lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa.

Kaya kapag alam ng tao ang bawat dating ng panahon, hindi siya mabibigo, masasaktan at mapabibilang sa mga luhaan at siya ay magtatagumpay, as in, ang success ay mapasasakamay niya.

Samantala, ang taong sugod nang sugod na wala sa tamang panahon ay mag-aaksaya lang ng lakas at oras at sa halip na umunlad, siya ay malulugi o babagsak.

Kaya ang isang pormula ng success na “timing is everything” ay dapat maging gabay ng sinuman. Ito mismo ang gustong ibigay na mensahe ni Haring Solomon sa mga tao.

Ang ating pinag-uusapan ay tungkol sa pagpapakitang-gilas nina Marte, Jupiter at Saturno sa sinag ng crescent moon sa madaling-araw mula sa March 19 hanggang sa March 31, 2020.

(Itutuloy)

 
 
RECOMMENDED
bottom of page