top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | Sep. 29, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Masaya na ako sa buhay dalaga. Kaya lang, pinag-aasawa na ako ng mga magulang ko. May kani-kanya na kasing asawa ang mga kapatid ko at ako na lang ang dalaga sa amin. Madalas din akong asarin ng mga officemate ko dahil may hitsura naman daw ako, pero bakit ko raw binuburo ang beauty ko?

  2. May mga manliligaw naman ako, pero ‘di ko naman sila type. Mas gugustuhin ko pa ngang mag-isa kesa na may makasamang asungot na lalaki sa buhay ko.

  3. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil kapag tiningnan mo ang reyalidad, mahirap din naman talagang tumandang dalaga. At isa pa, mukhang masaya kapag may baby kang kinakarga o inaalagaan.

  4. Sa palagay n’yo, okey lang ba na ‘wag na akong mag-asawa o mas maganda na magka-baby na lang? Maestro, makapag-aasawa pa ba ako o dapat ko nang ihanda ang aking sarili sa pagtandang dalaga? Dapat na ba akong mag-ampon o manghiram na lang ako ng pamangkin ko para kung saka-sakaling tumanda akong dalaga, may mag-aalaga pa rin sa akin?

 

KASAGUTAN 

  1. Siyempre, masarap magka-baby, higit lalo kung sa mismong sinapupunan mo nanggaling ang malusog na sanggol upang maranasan mo ang sinasabi nilang, “Joy of being a mom!”

  2. Sa totoo lang, masarap maging isang ina— mag-alaga, kumarga, maghele at magpasuso ng isang sanggol, na kapag minamasdan mo habang siya ay yakap-yakap at natutulog ay masasabi mo sa iyong sarili na, “Sa akin talaga ito nanggaling at kamukhang-kamukha ko siya.” 

  3. Samantala, kapansin-pansin ang medyo napadulo pero nanatili pa ring malinaw at matatag na kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  4. Tanda na kahit ayaw mo pa, natatakot ka, at medyo hindi ka komportable kapag nagka-boyfriend at nag-asawa ka, wala ring magagawa ang kahinaan ng loob at pag-aalala mo. Dahil tulad ng nasabi na, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, isang lalaking balingkinitan ang pangangatawan, medyo kasing-edad mo rin ang darating, liligawan ka niya at dahil sa panahong ‘yun ay masyado ka na ring pine-pressure ng mga taong nasa paligid mo, sa maikling panahon ng kanyang panliligaw, sasagutin mo siya at tuluyan na ring mabubuo ang isang seryoso at maligayang pagmamahalan na hahantong sa isang mabilisan, pero pinaghandaang pagpapakasal.

 

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ayon sa iyong mga datos, Honey, bagama’t relaks at kampante na ang buhay mo kahit wala kang boyfriend dahil may trabaho ka naman at wala kang gaanong pinoproblema sa buhay, alalahanin mo pa rin na hindi nananatiling bata at malakas ang iyong pangangatawan. Darating ang panahong tatanda ka at kapag medyo nagkaka-edad ka na at may mga sakit nang nararamdaman, saka mo maiisip ang katotohanang mas okey mag-asawa para may makasama ka sa iyong pagtanda.

  2. Base sa iyong mga datos, nakatakdang mangyari sa 2026, sa edad mong 36 pataas ang isang masaya at panghabambuhay na pag-aasawa na itatala sa iyong kapalaran. Lilipas ang isang taon pa at sa panahong isinilang na ang panganay n’yong anak at habang kalung-kalong mo siya, masasabi mong tama si Maestro Honorio Ong, dahil walang kasing sarap sa pakiramdam ang dulot na kaligayahan ang pagkakaroon ng unang anak at ang pakiramdam ng pagiging isang ganap na ina.






 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | Sep. 27, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Gusto ko sanang malaman kung sa ano’ng edad ako magsisimulang yumaman? Sabi n’yo kasi ang mga taong may straight Head Line ang kadalasang yumayaman.

  2. Ganu’n kasi ang guhit sa aking palad, straight ang Head Line ko. Darating ba ang araw na yayaman din ako? Kung ‘di ako nagkakamali, kailan kaya ito mangyayari at magkakatotoo?

 

KASAGUTAN

  1. May bagong pilosopiya o aral na itinuro si Dikong Ben, habang sinusuri niya ang kaliwa at kanang palad ng isang kaibigang bumisita sa kanyang accounting firm office. 

  2. Habang kaharap ako, sabi niya sa akin, “Alam mo, Honorio, ‘yang mga manghuhula, nahuhulaan din nila ang nakaraan, kasalukuyan at ang darating, pero itong karunungang dala-dala ko na ituturo ko sa iyo ngayon ay iba!” “Iba?” ang may pagulat kong tanong sa medyo nagtatakang tinig. “Ano naman ang ikinaiba ng karunungan mo?” Muli kong inusisa ang aking kausap at sumagot siya ng, “Sapagkat ang ituturo ko sa iyo ngayon ay kung paano mo maipapatupad ang gusto mo! Alam mo, kung mahusay kang manghuhula, kahit pa makita mo ang nakaraan, kasalukuyan at ang darating pa lamang, wala itong saysay kung hindi mo naman maisasakatuparan ang gusto o hangarin ng namomroblemang tao.”

  3. Sabi pa ni Dikong Ben, “Kapag ang isang manghuhula ay may dala-dalang puwersa o enerhiya, kaya niyang ilipat sa kanyang hinuhulaan ang enerhiyang ito upang mangyari ang kanyang gusto at ang gusto ng taong kanyang hinuhulaan!” Sa susunod na mga araw, muli natin itong tatalakayin. 

  4. Samantala, tama ka Darrel, nagtataglay ka ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, tunay ngang uunlad at yayaman ka, ito ay maingat na inilarawan ng pagkapal at pagsisimula ng Fate Line sa kalagitnaang bahagi ng Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow b., F-F arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa edad mong 45 pataas hanggang 55, magsisimula ka nang yumaman dahil na rin sa kasalukuyan mong propesyon o trabaho na hindi ka umaalis sa nasabing linya.

  5. Kung saan, sa sinop na pamumuhay, mapo-promote ka sa iyong trabaho, madaragdagan ang mga sidelines mo (E-E arrow d.) hanggang sa bandang huli, hindi n’yo na mamamalayan ng misis  mo na malaki-laki na pala ang ipon n’yo sa iba’t ibang online investment, sapat na rin ito para matawag ng ilang mga tsismosa at dalahira ninyong mga kapitbahay na mayamang-mayaman na pala kayo.


DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos Darrel, sa taong 2032 sa edad mong 45 pataas, unti-unti at tuluyan na ring magaganap ang pag-unlad ng inyong kabuhayan hanggang sa marating n’yo ang rurok ng kaunlaran, sa edad na 55 pataas.






 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | Sep. 24, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako sa ngayon. Nais ko sanang malaman base sa guhit ng aking palad kung siya na ang makakatuluyan ko? Ang birthday ko ay November 16, 1997, habang June 29, 1992 naman ang boyfriend ko.

  2. Uuwi na siya rito sa ‘Pinas galing abroad at inaalok na rin niya ako ng kasal. Maestro, favorable ba sa amin ang magpakasal sa susunod na taong 2025 o ‘di kaya sa taong 2026?

  3. Kung kami na talaga ang magkakatuluyan, magiging maunlad, maligaya at panghabambuhay na kaya ang aming pagsasama?

 

KASAGUTAN

  1. Nag-iisa at makapal na Marriage Line ang nakikita ko (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, Sophia. Ibig sabihin, malaki ang tsansa na kayo na nga ng kasalukuyan mong boyfriend ang magkatuluyan, higit lalo kung siya ang una mong naging boyfriend. Kung saan, ang siya na rin mismo ang makakatuluyan mo, na kinumpirma ng maganda at okey sa alright din na Heart Line (Drawing A. at B. h-h) kung saan, walang bilog at hindi rin nalatid (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ibig sabihin, walang kamintis-mints, hindi lang malaki ang tsansa na kayo na ang magkakatuluyan ng kasalukuyan mong boyfriend, sa halip malaki rin ang posibilidad na sa sandaling kayo ang nagkatuluyan, may pangako ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya para sa inyo.

 

DAPAT GAWIN

Tamang-tama ang plano n’yo na magpakasal sa darating na taong 2025 o 2026. Bukod sa compatible kayo sa Numerology, sadyang tugma rin kayo sa Astrology, kung saan, ang Scorpio na zodiac sign mo at Cancer naman ang boyfriend mo ay compatible at tugma sa isa’t isa, dahil kapwa kayo pinaghaharian ng elementong tubig, kaya naman sa sandaling nakasal na kayo ng boyfriend mo sa taong 2025 o kaya’y 2026 – walang duda, ang itatayo n’yong pamilya ay panghabambuhay na.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page