top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | July 19, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Maestro, may nais lang akong itanong, napansin ko kasi na parang dalawa ang guhit ng Fate Line ko sa aking palad. Ano ang ibig sabihin nito?

  2. Sa ngayon ay nagti-take ako ng Bachelor of Accountancy, at malapit na akong grumadweyt. Magtatagumpay kaya ako sa kursong ito? At matutupad ko rin kaya ang pangarap ko na maging isang CPA?


KASAGUTAN 

  1. Kapansin-pansin ang malinaw at makapal na Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow a.) na madali namang nakasampa sa Mount of Jupiter o Bundok ng Katuparan (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sa sandaling maka-graduate, at nakapag-review ka na, malaki ang tsansa mo na makapasa sa board exam na kinumpirma naman ng maayos at maganda mong lagda. 

  2. Sa susunod pang mga taon, magiging positibo na ang mga pangyayari sa larangang napili mo, tiyak na magtatagumpay at liligaya ka na rin.

  3. Samantala, kapag  dalawa ang Fate Line, ito ay tinatawag ding “double fate line” (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanang palad. Ito ay tanda rin ng “double source of income” na ang ibig sabihin, dalawa ang magiging trabaho o pinagkakakitaan mo.Halimbawa, naka-graduate ka na sa kursong Accountancy, at may regular work ka na, puwede ka pa magtrabaho every Sunday o Saturday. Ang ibig sabihin ng dalawang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) ay magtatagumpay ka sa napili mong larangan at may iba ka pang raket na maaari mong gawing libangan, habang kumikita ka ng regular na arawan mong kita.


MGA DAPAT GAWIN

  1. Ayon sa iyong mga datos, Samantha, ang dobleng Fate Line na nakikita mo sa kaliwa at kanan mong palad, (Drawing A. at B. F-F arrow b.) ay nagsasabing kapag nakapagtapos ka na ng kolehiyo at nagtatrabaho ka na, tiyak na hindi ka na mawawalan ng regular na trabaho. Bukod sa regular na trabaho, maraming sidelines at iba’t ibang pagkakakitaan pa ang matatanggap mo.

  2. Dagdag pa rito, ayon naman sa iyong Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c. ) bukod sa maganda at mabungang karera na sadyang nakalaan sa iyo, sa taong 2029, sa edad mong 27 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang maitatala sa iyong karanasan.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | July 17, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Dati akong seaman, pero ayoko na sana muling mag-abroad, dahil ang hirap pala sa barko. Nang maipagawa ko ang bahay namin, at makapagbayad sa mga utang, nagdesisyon akong tumigil na muna sa pagsampa sa barko.

  2. Nais ko sanang magnegosyo, dahil may naitatabi pa naman akong puhunan kahit papaano. Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, kung ano ba ang nakikita n’yo guhit ng palad ko? Maaari ba akong magnegosyo? Kung sakaling oo, ano’ng negosyo naman ang bagay sa akin?

 

KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansin na nagtataglay ka na tinatawag na “square type hand” (Drawing A. at B. arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na nangangahulugang nagtataglay ito ng reserbadong lakas o energy ang iyong pagkatao. Kaya naman kapag sinalat ang iyong palad, iyong mapapansin na tumatalbug-talbog ito kapag sinasalat. Kaya puwedeng-puwede kang sumubok ng iba’t ibang uri ng negosyo at hanapbuhay.

  2. Ibig sabihin, malaki ang potensyal mo na magtagumpay sa larangan ng pangangalakal na madali namang kinumpirma ng bilugan mong pangangatawan at ng iyong kapanganakan na 26 o 8 (ang 26 ay 2+6=8).

  3. Kaya lang, dahil ang numerong 8 ay pinaghaharian ng planetang Saturn, ibig sabihin nito ay marami ka pang pagdaraanang hirap at pagsubok, bago mo makuha ang maganda mong kalagayan sa pagbabarko.

  4. Walang duda, uulit lamang ang lahat nang ito sa sandaling ikaw ay magsimulang magnegosyo. Kung saan, sa simula maraming pagsubok at mga problema ang iyong mararanasan. Subalit kahit ganu’n ang mangyari, hindi ka dapat sumuko, dahil nakatakda na sa iyong kapalaran na subukin ka ng tadhana. Para tumibay at tumatag ang iyong pagkatao na maihahalintulad sa punong kahoy. Magkakaroon ka ng mas marami at mas hitik na mga bunga, na lalo pang magpapaunlad at magpapaligaya sa iyo. 

  5. Ang pag-aanalisang susuwertehin ka sa negosyo, tulad ng sinuwerte ka sa barko ay madaling kinumpirma ng Straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, basta’t binigyan mo ng buong atensyon ang isang bagay, makukuha mo ito at magtatagumpay ka.

  6. Ang pag-aanalisang may suwerte ka nga sa negosyo ay lalo pang pinagtibay ng Mercury Line (Drawing A. at B. n-n  arrow c.), sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na ang sinumang may isang malinaw at makapal na guhit ng Mercury Line (arrow c.) ay tiyak na magtatagumpay sa larangan ng pangangalakal. Higit lalo kung simple lang o kakaunti lang ang guhit ng kanilang palad na tinataglay ng mga taong may square type hand at pagkatapos ay may straight Head Line pa (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanang palad na tulad mo. At dahil nagkataon pa na otso (8) ang araw ng iyong kapanganakan, walang duda na sa usaping pagnenegosyo tulad ng nasabi sa nakatakdang panahong inilaan ng kapalaran ay uunlad at yayaman ka!


DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Sam, kung magsisimula ka na magnegosyo sa last quarter ng taong ito ng 2024, tiyak na yayaman ka na.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | July 11, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. May manliligaw ako at parang gusto ko na rin siyang sagutin. Ang problema ay nagtataka ako at naiinis sa kanya dahil may nililigawan pa siyang ibang babae bukod sa akin. Ibig sabihin ba nito ay hindi niya talaga ako mahal dahil nanliligaw pa siya sa ibang babae?

  2. Kung sasagutin ko siya, titigilan na ba niya ang panliligaw sa ibang babae? Gayundin, sakali namang maging kami, magiging masaya ba ako sa piling niya? Siya na rin ba ang lalaking nakaguhit sa aking palad na makakasama ko habambuhay? 

 

KASAGUTAN

  1. Talagang ganu’n, Mia, minsan may lalaki talagang malandi. ‘Yung tipong may nililigawan na, manliligaw pa ng iba. 

  2. Pero unawain mo na lang siya dahil kung iisiping mabuti, ang ikakatwiran nila ay, “Bakit kayong mga babae, marami rin namang nanliligaw sa inyo, pero may narinig ba kayong lalaki na umangal at sinabing, ‘Ang gara mo naman, ang dami-dami mong manliligaw samantalang nililigawan na kita?’”  Hindi ba, wala namang ganu’n?

  3. Para kasing “double standard” ang nangyayari pagdating sa ligawan. Kapag babae, puwedeng maraming nanliligaw, pero kapag lalaki, hindi puwedeng maraming nililigawan?

  4. Samantala, kapansin-pansing nagsimula sa Bundok ng Kaligayahan o Mount of Jupiter (Drawing A. at B. arrow a.) ang Heart Line (h-h) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit hindi mo sagutin ang manliligaw mo at may nanligaw sa iyong ibang lalaki, walang kaugnayan ang lahat ng ito, sapagkat nakatakda na ang mangyayari at magaganap. Sa sandaling nagkaroon ka ng boyfriend at nakipagrelasyon, isang romantiko at maligayang karanasan ang sisilid sa iyong pagkatao.

  5. Ang pag-aanalisang magiging maligaya at very satisfied ang buhay pag-ibig mo ay madali namang kinumpirma ng kaisa-isa at malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda hindi lang sa pakikipagrelasyon ka magiging maligaya. Bagkus, magiging maligaya ka rin sa panahon ng pag-aasawa at pagtatayo ng sarili mong pamilya, na kinumpirma at pinatunayan din naman ng maayos, hindi nababoy na iyong lagda.

 

MGA DAPAT GAWIN

  1. Mia, kung sa kasalukuyan ay magulo ang manliligaw mo dahil kung sinu-sino ang nililigawan, huwag mong sagutin kahit may gusto ka na rin sa kanya. Kung feeling mo naman na gusto mo talaga siya at siya na ang gusto mong maging boyfriend, mas maganda kung siya mismo ang tatanungin mo ng, “Bakit ba nanliligaw ka pa sa iba, samantalang nandito naman na ako?” Sa nakakikilig na tanong na nabanggit, makikita mo na kusang mabubuo ang isang matimyas at totohanang relasyon.

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, anuman ang mangyari, ang nakatakda pa rin ang magaganap. Sa taong ito ng 2024 magkakaroon ka na rin ng boyfriend, na magpapakilig at maghahatid sa iyo ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page