top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | Sep. 30, 2024



Dear Maestro,


May dalawa akong boyfriend ngayon. Kaya sana matulungan n’yo ako kung sino ang dapat kong piliin sa kanila. 


‘Yung isa kong boyfriend ay legal, habang ‘yung isa naman ay illegal. Legal ang tawag ko kay Mr. Gemini, dahil siya ang ipinakilala kong boyfriend sa mga kaibigan at kamag-anak ko, samantalang si Mr. Virgo naman ay illegal, dahil lihim lang ang relasyon namin, kumbaga walang nakakaalam, kundi kaming dalawa lang. 


Pareho ko silang mahal, subalit mas matimbang ng kaunti si Mr. Virgo, dahil kahit alam niyang may boyfriend ako, hindi siya nagalit sa akin, at inunawa niya pa ang kalagayan ko. 

Kahit na ganu’n ang ginagawa ko, nagi-guilty din ako. Kaya nagbabalak na kong mamili sa kanilang dalawa. 


Maestro, sino kaya sa kanilang dalawa ang dapat kong piliin na maging asawa? 

Ang birthday ko ay September 28, 1995, habang si Mr. Gemini naman ay June 13, 1994, at September 13, 1994 naman si Mr. Virgo.  

Umaasa, 

Danicca ng San Isidro, Taytay, Rizal   



Dear Danicca,


Tumpak ang binabalak mong mamili ng isa sa dalawa mong boyfriend. Kung saan, ayon sa zodiac sign mong Libra, na may elementong air o hangin, at birth date na 1, ang 28 ay 2+8=10/ 1+0=1, sa destiny number na 7 (9+28+1995=2032/ 20+32=52/ 5+2=7), mas angkop sa iyo si Mr. Gemini na may birth date na 13 o 4 dahil ang 13 ay 1+3=4, habang sa zodiac sign naman niya ay may elemento ring air o hangin, at may destiny number na 6 (6+13+1994=2013/ 20+13=33/ 3+3=6). Kung saan, ang numerong 6 ay siya ring numero ng zodiac sign mong Libra na may ruling planet na Venus, kaya naman suwetung-suweto talaga kayo sa isa’t isa.


Mas ka-compatible mo talaga si Mr. Gemini, kung ikukumpara kay Mr. Virgo, kaya tama lang ang iniisip mo na mamili na lang ng isa sa dalawa mong boyfriend. Kaya naman, Danicca, si Mr. Gemini ang dapat mong piliin at makipag-break ka na agad kay Mr. Virgo, para mapalaya mo na rin siya sa kasalukuyang kahangalang ginagawa n’yo. 


Kapag naging tapat ka na sa iyong boyfriend at sa iyong sarili, tiyak ang magaganap, sa panahon ng iyong pag-aasawa, may pangako ng isang maligaya, maunlad at panghabambuhay na pagpapamilya ang nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2025, sa edad mong 30 pataas.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | Sep. 28, 2024



Dear Maestro, 


Mabigat ang problema ko ngayon. Dati nang nambabae ang mister ko, nahuli ko siya at nangako siya sa akin na ‘di na niya muli pang uulitin iyon. Pero wala pang isang taon ang nakalipas, may iba na naman siyang kinakalantari. 


Sa ngayon, balak ko na siyang layasan at tuluyang iwanan. Kung makikipaghiwalay ako sa asawa ko, may ikalawang pag-aasawa pa kayang mangyayari sa aking kapalaran? Kung saka-sakaling mayroon pa, sa ikalawang pag-aasawa na ba ako liligaya? Ang birthday ko ay May 2, 1982.

Umaasa,

Casumi ng Sabang, Baler, Aurora Province



Dear Casumi,


Ayon sa iyong mga datos, kung ang mister mo ay hindi naman isinilang sa zodiac sign na Virgo, Scorpio at Taurus, tama ka maaari nga kayong magkahiwalay, dahil hindi mo siya katugma o ka-compatible.


Subalit kung Virgo, Scorpio o Taurus ang zodiac sign ng mister mo, kahit pa mambabae siya uli, hindi pa rin kayo magkakahiwalay, higit lalo kung ang mister mong mahilig mambabae ay isinilang sa petsang 7, 16, 25, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31.


Gayunman, kung halimbawang nagkahiwalay kayo ng mister mo, dahil nga hindi mo siya katugma o ka-compatible, mas mainam kung mag-aasawa kang muli ay isaalang-alang mo ang mga nabanggit kong zodiac sign at birth date sa itaas. Kapag ganu’n ang nangyari, tiyak ang magaganap - sa piling ng nasabing lalaki, may pangako na isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya para sa iyo.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Numero | Sep. 26, 2024



Dear Maestro, 


May crush akong lalaki. Sa katunayan, hindi ko naman inaasahan na mapapansin niya ako.  


Ang nangyari kasi ay kung saan-saan ako nakarating at namasukan, pero pagbalik ko sa province namin, nakakapagtakang naging malapit kami sa isa’t isa. Nagsimula itong mangyari nang mag-break sila ng first girlfriend niya na best friend ko rin. 


Nagkakuwentuhan kami at ibinahagi niya sa akin na hiwalay na nga raw sila dahil ang best friend ko ay nagkaroon ng boyfriend na foreigner.  


Akala ko noon, ang crush ay isa lang paghanga na nawawala rin. Pero iba ang naging feeling ko sa kanya, lalo na ng maging close kami, at tuluyan na akong napamahal sa kanya. Kaya lang, hindi ko alam kung may nararamdaman din ba siya sa akin o baka naman kaya lang siya naging malapit at palakuwento ay dahil nga broken hearted siya. Pero kahit na ano pa ang mangyari, ang mahalaga ay magkasama at okey kami ngayon. 


Maestro, gusto ko lang sanang malaman kung mag-compatible ba kami at magiging kami rin kaya balang araw? Ang birthday ko ay April 16, 2000, habang December 13, 1998 naman crush ko. 

Umaasa,

Clarice ng Salvacion. Rizal, Occidental Mindoro



Dear  Clarice 


Ayon sa zodiac sign mong Aries at Sagittarius naman ang lalaking espesyal sa puso mo, tunay ngang tugma kayo sa isa’t isa, dahil ang Aries at Sagittarius ay kapwa pinangingibabawan ng elementong fire o apoy.


Habang sa Numerology naman, ang birth date mong 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) ay sadyang tugma ring isama sa birth date na 13 o 4  (ang 13 ay 1+3=4) ng sinasabi mong lalaki. Kung saan sa pang-istatistikang basehan, tunay ngang marami sa isinilang sa petsang 7, 16 at 25, ang nakakatuluyan silang mga isinilang sa petsang 4, 13, 22 at 31. Ibig sabihin sa pag-aanalisang Astro-Numerology, sadyang tugma at compatible talaga kayong dalawa.  


Kaya nga sobrang laki ng posibilidad na mauuwi ang kasalukuyan n’yong espesyal na pagkakaibigan sa isang matimyas at masayang relasyon. Kung saan, habang tumatagal ang inyong friendship at kakaibang ugnayan, lalo naman kayong masasarapan sa pang-emosyonal hanggang sa tuluyang mauwi ito sa isang wagas at matimyas na pag-iibigan.


Sa paglipas pa ng ilang mga taon, matapos na tuluyang maging kayo, tiyak na ang magaganap, darating ang eksaktong  panahong mauuwi rin sa isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya ang inyong relasyon na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2025, sa edad mong 25 pataas. 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page